THE GIRLS PT. 1

28 3 3
                                    

This is the girls' story. Patikim!! Ito na rin ang kwento bago sila mapunta sa Bangtan Academy!

Warning: Long chapter, 4291 words XD At medyo (?) magulo :D

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Tahimik ang office ng head mistress. Hindi kasi mapaniwalaan ng Bangtan Boys ang narinig nila, hindi nila matanggap ang gustong mangyari ng school head. More like ayaw nila. Pero kahit ayaw nila, wala silang magagawa kahit mag-komento man lang o mag-protesta sa pagtutol nila.

Nagtitigan lang ang pitong lalaking parang magwawala anytime. Magtitinginan na lang sana sila nung basagin ng leader nila ang nakakabinging katahimikan. "Noona, come on! This is unfair!"

"Unfair? Ano ang unfair, Kim Namjoon?!" Sa pagtataas ng head mistress ng boses, napapikit na lang ang Bangtan. "Tell me! May objections pa ba?! Ano? Boys, come on!"

"..." Hindi sila sumagot. Ayaw nila.

Napabuntong-hininga sila ng sabay-sabay. Naka-cross arms at poker face sila Jin, Suga, at RapMon. Nakayuko lang si Jhope at Jimin, naka-pout naman ang dalawang maknae na sila V at Jungkook.

"No comment," the boys thought.

Naghintay ang head mistress ng sagot, tinitigan niya ang Bangtan Boys na kahit isang salita ay hindi siya binigyan. Nang walang sagot, tumayo siya mula sa upuan niya at nilampasan ang sofa kung nasaan sila Rap Monster. Hindi lumingon ang babae at di rin siya sinundan ng tingin ng Bangtan.

"I'm going to bring them here. You can't say no, understand? Tignan niyo ang folder na nakapatong sa desk ko. Tungkol sa kanila yan, basahin niyo." sabi niya ng hindi lumilingon at lumabas ng pinto ng hindi man lang hinihintay kung may sasabihin pa sila.

- - - *

"Miss Ellize Kim?"

Tinatamad na tumango si Ellize at binuksan pa ng kaunti ang gate ng bahay nila.

"Ako nga, bakit?" Jusq, kakagising ko lang oh! Nagkusot siya ng mata at humikab, naghihintay ng sagot sa lalaking nambulabog ng masarap niyang tulog. "Uh, sige po. Pirmahan niyo po ito," may inabot yung kartero na papel at kahit hindi man lang binabasa, pinirmahan yun ni Ellize.

She wants the conversation to end, she's dead tired. Gusto niya ng matulog ulit kaya puro check na lang ang nilagay niya sa inabot nung delivery man. "Thank you, ma'am. Ito na po yung sulat niyo."

"Sulat? Huh?" Hinablot ni Ellize yung sulat na naka-plastic for delivery. Binasa niya ang tatak sa labas pero wala siyang makitang address ng sender. "K-Kanino galing?"

"Hindi ko po a-alam," Hindi tanga si Ellize para hindi mapansing ninenerbyos ang lalaki. Napairap siya at bumuntong-hininga. "Pwede mo namang sabihing binilinan kang wag sasabihin! Tch."

Napakamot ang kartero at na-bow. "Sorry po, mauuna na ako." Magsasalita pa sana si Ellize kaso mabilis na tuamkbo paalis yung lalaki at sumakay sa kotseng gamit niya at pinaharurot ito.

"That was weird," sabi ni Ellize sa sarili at sinarado ang gate. Pumasok na siya sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto niya. Ibinagsak niya ang sarili niya sa higaan at tinaas ang sulat sa hangin at tinitigan iyon. At sa hindi malamang dahilan, parang bumilis ang tibok ng puso niya. Anong meron?

She just stared at the weird letter, for who knos how long? Shrugging the thoughts off, Ellize placed the letter on her study table and decided to just go back to her afternoon nap.

School ProjectNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ