24. Love conquers all

Start bij het begin
                                    

Saan naman kaya nagpunta iyon?!

Tumayo na siya. Ipinulupot niya sa kanyang kahubadan ang puting kumot. Dumiretso na siya sa banyo upang linisin ang sarili. Mamaya na niya hahanapin si Jaguar kapag tapos niya.

Ilang minuto din niyang binabad ang sarili sa bath tub. Paglabas niya ng banyo agad na bumungad sa kanyang paningin ang napakagandang puting gown.

"Wow!" she exclaimed. "Parang ikakasal lang."

Napansin niya ang maliit na scented paper na nakaipit sa may bandang dibdib ng damit.

Wear this Babe - J.Chui

Emergerd! Kinikilig nanaman siya! May paganito ganito pang nalalaman ang loko.

Isinuot naman niya iyong gown. Inayusan niya na din ang kanyang sarili. Iyong naayon sa gown niya kaya light make up lang ang in-apply niya.

Paglabas niya ng silid, sinalubong agad siya ng isang babae, sa pagkakaalam niya ay taohan ito ni Jaguar.

Inabot nito sa kanya ang hawak hawak nitong boquet.

"Ayy! Kailangang may flowers talaga?!"

Nginitian lang siya noong babae. Ngumiti naman siya pabalik. Hindi niya malaman kung bakit may kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Parang may mangyayaring magugustohan ng lahat.

Pagbaba niya sa malaking hagdan, napakunot ang noo niya ng makita niya ang kapatid niyang si Robin na nag aabang sa kanya. Nakasuot din ito ng pormal, naka-suit and tie pa ang loko.

Ngumiti siya kahit na nagugulohan. "Anong ginagawa mo ditong pangit ka?! Bawal ang pangit dito!"

Ngumisi naman sa kanya ang kapatid. "Bawal ka pala dito. Tsk!"

"Seriously bakit ka nandito?!"

He sighed. "Huwag ng madaming tanong, halika na." iminuwestra nito ang braso, kumapit naman siya doon.

"Hoo! Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit."

Nakita niyang napailing ang kapatid niya. "Slow talaga." bulong nito.

Binatukan niya ang kapatid. "Bumulong ka pa! Narinig ko naman!" Inis na sabi niya pa.

"Mas matanda pa din ako sayo Robina Ayana!"

Inirapan naman niya ito. Mas lalong napakunot ang noo niya ng makita niya amg sandamakmak na bulaklak sa gazeboo area ng buong ETHQ. Natanaw niya ang mga kapatid ni Jaguar na sina Leon at Falcon Chui. Kasama ni Leon ang mag ina nito, buhat nito ang anak nitong babae. Si Falcon naman ay naka-kunot lamang ang noo. The usual himself. Kapwa naka-pormal din ang mga ito ng kasuotan.

Napailing siya. Hindi niya alam kung bakit naluluha siya.

Hindi lang ang magkapatid na Chui ang naroon. Nakita niya din ang tinatawag nilang "Evil Torturers" Naroon si Aisne na walang kupas pa din. Hindi na siya magtataka kung bakit tinawag itong Reyna ng grupo pero mas maganda pa din siya no!

Nilapitan siya nito at saka niyakap. "Hindi ako nagkamali." anito. "Congratualations."

"Ha? Ah hehe." Hindi naman niya kasi alam ang sasabihin niya.

Napalunok siya ng makita niya si Jaguar Chui. Nakasuot ng puting suit habang tila matyagang nag iintay sa kanya. Hindi niya mapigilan mapaluha ng makita niya ang isang pari at dalawang sakristansa maliit na Altar na naroon.

God! Totoo nga ang hinala niya.

Lumapit sa kanya ang binata habang patuloy pa din siya sa paghikbi.

"Please take care of my sister." Dinig niya pang sabi ni Robin kay Jaguar.

"I will."

Dahang dahag inabot ng kapatid niya ang kanyang kamay papunta kay Jaguar. God! It's true.

Sinalubong niya ang tingin ng binata. "Nakakainis ka! Ang pangit ko tuloy ngayon! Hindi mo man lang ako ininform!"

"I wanted to surprise you babe." He wipe her tears. "I love you."

"Mas mahal kita."

This is their fairy tale

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.


This is their fairy tale. A happily ever after.

**

A/N: At dahil nga naman masarami ang makasuporta at naka-agapay sa akin, eto ag naging resulta.

Una sa lahat maraming salamat sa mga taong sumuporta sa akin at sa mga storyang ginawa ko. Maraming salamat doon sa nga encouraging and sweet messages niyo sa akin. Iyong mga nag p-pm sa akin sa FB account ko and here in wattpad, thank you so much. Mas marami pa din talaga iyong mga taong naniniwala sa akin at sa kakayahan ko sa pagsusulat. Again, thank you so much.

Tapos na ho ang libro ni Jaguar at Robbie. Wala na pong epilogue dahil pigang piga na ang utak ko sa kanila.

Thank you so much torturers :*

8ET: Sweet Temptation (COMPLETED) UNEDITED VERSIONWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu