4. Robbie's Seduction

47.5K 1.3K 58
                                    

~

HUMINGA muna ng malalim si Robbie habang inaayos ang trench coat na suot niya. Gusto niyang tanongin ang sarili niya kung bakit niya ba kailangang gawin ito pero alam niya naman kung ano ang dahila. Damn! Natapakan ng bwesit na Intsik na iyon ang ego niya. Hindi lang naman lalaki ang may ego! Pati siya ano! Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon na sabihan siyang wala siyang binatbat sa kama at flat ang boobs niya. Goodness! Hindi siya papayag na ganon ganon nalang kung insultohin siya ng lalaking iyon!

Shit lang kasi! Hindi naman niya kailangang gawin ito pero adventure na din ito sa buhay niya. Biro mo, twenty nine years old na siya mag t-thirty na sa June tapos virgin pa siya. Shit naman kasi! Bakit ba kasi ang tagal nilang magkita ni Blaze sa personal? Ito lang naman ang inaantay niya. Kaso mukhang imposible iyon because in her twenty nine year of existent, sa picture niya lang nakita ang model na iyon.

Come to think of it! Gwapo naman iyong lalaking hindi niya alam ang pangalan. Oh God! Robbie you are so tanga! Binabalak niyang ibigay ang pagkababae niyang pinaka-ingatan niya ng matagal sa isa lamang estranghero. Goodness! Desperada na talaga siya. Ugh!

Pero at least she'll try. And after this, panigurado na siyang hindi na siya iinsultohin ng lalaking iyon. At may possibility ng tantanan siya na siya nito dahil nakuha na nito ang gusto nito.

“Ang galing mo talaga Robbie!” Pinalakpakan niya pa ang sarili niya.

Kinuha na niya ang shoulder bag niya at naglakad na papalabas ng opisina niya. Kailangan na niyang puntahan ang unit nito sa katabing building ng Hospital nila. Ang kaso lang, hindi niya alam ang pangalan nito kaya paano niya itatanong sa information desk kung anong room ang inookupa nito.

Parang may bombilyang umilaw naman sa tuktok ng kanyang ulo bago niya ipinihit ang katawan niya papunta sa Hospital room ni Aisne. Mabuti nalang at nandito pa din ang babaeng iyon. Kahit na nabubugnot siya kapag nakikita niya iyon. Kailangang mabait muna siya kasi nag dadalang tao na ito.

Binuksan niya ang pinto ng silid nito. Nakita nitang naka-upo ito sa kama habang nagbabas ng libro. Mabuti nalang at nakakarecover na ang dalaga, dati kasi ay ang putla putla ng katawan nito. Ngayon ay maayos na ang lagay nito maging ang bata sa sinapupunan nito.

Magsasalita pa lang siya ng unahan na siya nito.

“Room 405.”

“Eeee??!” Napa-tanga naman siya sa sinabi nito. Ano yun?

Nilingon siya nito. “Hindi ba't nandito ka para tanongin kung anong number ng unit ni Jaguar sa kabilang building?! And Jaguar Chui ang pangalan niya.”

Ah? Mas lalo siyang napa-nga nga sa sinabi nito. How did she know that she was going to ask about that?!

“How did you know that I was going to ask some information about him?!” Takhang tanong niya ng makahuma siya.

Ngumiti naman ito sa kanya. “Nahulaan ko lang.” Makahulogang anito which find her so creepy.

Ugh. Inirapan niya ito. “Thank you for the information. I gotta go.”

Bago pa man siya makalabas ng silid ay nagsalita itong muli. “Please take care of him.”

Agad siyang napalingon dito. “Anong take care? Pupunta ako doon kasi may ginawa siyang kasalanan sa akin at isa pa, bakit ko naman iyon iingatan e ang pangit pangit niya! Hmp! Hindi ko nga alam kung bakit ang liit ng mundo! Kaibigan mo pala iyong gagong iyon. Jeez! Parehas kayong nakakainis!”

Kunwa'y naiinis siyang lumabas sa silid nito. Pero ang totoo ay nagmamadali na talaga siyang pumunta sa kabilang building. Gusto niyang malaman kung naroon ba ang hambog na iyon. Hmp! Sisiguraduhin niyang maglalaway ito sa Robbie's Seduction.

8ET: Sweet Temptation (COMPLETED) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon