16. Chasing My Man

35.8K 974 15
                                    


~

ILANG LINGGO na mangmula ng umalis sina Jaguar at Robbie sa Isla nilang magkakapatid sa Laguna. Magmula noon ay naging abala na si Jaguar sa mga bagay bagay tungkol kay Lizana. Hindi niya na sinunod ang sinabi mg Reyna. Alam niyang may punto ito ngunit kailangan niyang panindigan ang kanyang mga hakbang, isa pa, kailangan na ding masiguro na ligtas si Ayana. Hindi niya kakayanin kapag may nangyaring masama sa babaeng mahal niya.

Inaayos na din ni Jaguar ang lahat ng kabalastogang ginawa ng kapatid niyang si Leon! Fuck! Tama nga ang lahat ng sinabi sa kanya ni Lizana noong nagpunta ito sa Isla. Nagpakasal si Leon sa isang babae para lang malaman kung nasaan ang babaeng mahal nito ngayon. Sakit talaga sa ulo ang kapatid niyang iyon. Ngayon, inaayos na niya ang gulong ginawa nito sa dalawang babaeng nasaktan nito.

Noong nakaraan ay nagpunta na siya sa tinutuloyan ng asawa ng kapatid niyang gago. Sinabi niya rito ang lahat ngunit mukha namang walang planong iwan ni Miss De Vera ang hayop niyang kapatid. Kaya kailangan niya pang ipaintindi dito ang lahat. At isa pa, mas makakabuti din na malayo muna sa tabi ni Leon si Miss De Vera at si Vinia, lalo na ngayon na unti-unti ng sinisira ni Lizana ang mga bagay bagay sa paligid ni Leon.

Inihilamos ni Jaguar ang palad sa mukha bago lumabas ng kanyang silid. Magdamag na siyang babad sa laptop niya at walang tulog, inumaga na nga siya dahil sa kaka-hack niya sa lahat ng data base na pwede niyang pagkuhanan ng impormasyon tungkol sa kapatid ni Zereph Ybarra.

Nagsindi siya ng sigarilyo. Mataas na ang araw kaya magpapahangin muna siya sa hardin ng headquarters nila. Nang makarating siya doon agad niyang tinapon ang sigarilyong hawak niya ng makita ang anak ng Reyna at ng Master nila na si Aiszel, kalaro nito ang anak ng kaibigan niyang si Ross, si Rocky.

“Hey there kids!” Masiglang aniya sa mga ito.

Agad namang napalingon ang dalawa. Ngumiti si Rocky sa kanya samantang humalukipkip naman si Aiszel at saka tinaasan siya ng kilay.

“I'm not a kid, I'm a Queen.” Inirapan siya nito. “Q-U-E-E-N!!” Giit pa nito kaya natawa siya ng labis.

“Hey don't bitch him out! He's our Uncle.” Sabi pa ni Rocky.

Muling umirap ang anak ng Reyna at ni Master Demon. “Whoever won't acknowledge me as a Queen is my enemy.”

He smiled. Lumapit siya dito at hinalikan ito sa pisngi. Natutuwa talaga siya sa anak ni Queen Aisne kapag nakikita niya ito, kahit na sobrang bitch ng batang ito.

“You're always be a Queen on my eyes, Queen Aiszel.” He sweetly said.

“Eww!” Pinunasan nito ang pisngi nito sa parteng hinalikan niya. “Daddy Jaguar! So clingy! Yuck!”

Ginulo niya ang buhok nito at saka ngumiti. Gustong gusto niya talaga ang mga bata. Hindi niya alam ngunit bigla nalang nabura ang ngiti niya sa labi ng magsalitang muli ang anak ng kaibigan niyang si Ross.

“When are you going to have a kid Uncle Jaguar?!”

Malungkot na ngiti ang isinagot niya doon. Unang pumasok sa isip niya si Ayana. Yes, he was planning to marry and settle down with that woman but not now. Gusto niya iyong tapos na ang lahat ng mga issues na nakapaligid sa kanya. Gusto niya ay tapos na ang mga problema niya lalo na sa Lizana na iyon.

Nagpaalam na siya sa mga bata. Papasok na sana siyang muli sa loob ng building ng makasalubong niya si Queen Aisne. She was wearing a Red knee length dress, paired by a red killer heels and a bloody red lipstick. Narito lang ito sa loob ng ETHQ pero napaka-elegante pa din nitong tingnan. Mas lang ngayon, magmula nang malaman nilang nagdadalang tao na itong muli.

8ET: Sweet Temptation (COMPLETED) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon