23. The Awarding

40K 983 27
                                    

~

HINDI ALAM ni Jaguar kung paanong ang daming pusang diniliver sa bahay niya noong isang araw. Noong inakala niya na pinuntahan siya ni Ayana. Akala niya lang pala ang lahat ng iyon dahil pag gising niya ay ang kapatid niyang si Falcon ang naroon sa kanyang unit. Ito pa nga ang nag asikasong paalisin ang lahat ng mga pusang dumating sa unit niya. Sino naman kaya ang gagawa noon sa kanya? But maybe it's Leon, sadyang selos na selos na siguro ito sa kanya kaya nito nagawa iyon. Tsk.

Bumaba na si Jaguar ng building ng unit niya. May buyer na ito at desidido na siyang ibenta ang lugar. Hindi na niya iyon kailangan, nariyan naman ang ETHQ at ang bagong bahay ni Leon at nang pamilya nito, pwede siyang makigulo sa lugar na iyon.

Bago siya sumakay ng sasakyan niya ay dumiretso muna siya sa may convenience store. Sa tapat ng building ng condo niya. Natawa pa nga siya noong maala niya kung paanong parang tanga niyang nakita si Ayana na kinakausap ang standee doon ng mukha ng gagong si Blaze Chua.

Oh fuck! He really missed her.

Napabuntong hininga na lamang siya at pumasok sa loob. Natigilan lang lang siya ng makita niya si Ayana na eksakto namang nagbabayad sa may counter area. Maging ito ay natigilan at napatitig sa kanya. Kumurap kurap pa siya para makasigurong hindi talaga siya pinaglalaroan ng imahinasyon niya kagaya noong isang araw.

His heart skipped a bit. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. It's really awkward. Really. Nagulat nalamg siya ng binigyan siya ng tipid na ngiti ng dalaga.

“Hi.” Anito.

He cleared his throat. “Hi.”

Akmang hahakbang na siya para lumapit sa fridge ng muling magsalita si Ayana.

“Uhmm. Baka, pwede tayong magkape muna.” anyaya nito sa kanya.

Hindi na siya nakatanggi pa. Iyon naman ang gusto niya hindi ba? Ang kahit paano ay makausap niya si Ayana. Gustong gusto niyang malaman kung nakakaalala na ito. Kung kahit paano ay may pag asa pa silang dalawa. Pero iyon nga ang mahirap e! Mahirap ang umasa ng sobra. Mahirap talaga dahil mas malaki ang possibilities na masaktan ka kaysa maging masaya ka.

Sa malapit na Starbucks coffee sila nagpunta. Doon daw kasi gusto ng dalaga dahil maaliwalas daw ang ambiance doon which is wala maman problema sa kanya as long as makasama niya ang dalaga.

Sumisimsim ito ng kape. Pinagmamasdan niya lang ang galaw ng dalaga. Minenemorya ang maganda nitong mukha. Fuck! Gustong gusto niyang halikan ito ng mariin sa labi at maghapon at magdamag niya itong angkinin.

How he missed her body against his. How he missed her moans and groans in pleasure ever her yelling his name. Fuck! Nabubuhay ang alaga niya dahil sa pumapasok sa isip niya ngayon.

Inayos niya ang sarili. He cleared his throat. “So.. uhmm. How are you?!”

“I'm good. I-ikaw? K-kamusta ka na? Hindi ka na ba nilalagnat?!”

Her chinky eyes widened upon hearing that.. ibig sabihin ay naroon nga talaga ang dalaga sa unit niya noong nakaraan pero bakit wala na ito pagkagising niya kina-umagahan?!

“Y-you're there?”

Dahan dahan itong tumango. “Iyong pusa ko ngang si Mimi ang dahilan kung bakit ka nilagnat hindi ba? Hindi ko kasi alam na allergic ka pala doon. But how come na hindi ka allergy sa alaga mong jaguar?!”

“Mas makati kasi sa ilong ang balahibo ng pusa kaysa sa mga tigers and jaguars. Sensitive ako pagdating sa kanila.”

Natawa naman ang dalaga sa sinabi niya. “Mabuti nalang pala at hindi ka sensitive sa balahibo ni Jaja. Oh God! I missed that jaguar. Sana bumalik tayo sa Chui Island ano?! Gusto ko ulit siyang makita.” Kumikislap pa ang mga mata nito. Halatang gustong gusto nitong makita ang alaga niyang si jaguar.

8ET: Sweet Temptation (COMPLETED) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon