7. Rode to Heaven

48.2K 1.2K 34
                                    


~

MAKAILANG ulit ng napalunok si Robbie dahil sa bilis magpatakbo ni Jaguar ng sasakyan. Wala silang naging imikang dalawa magmula kanina. Basta nalang siya nitong pinasakay sa sasakyan nitong kapangalan nito at saka ipinasibad ito. Wala siyang ideya kung saan siya nito planong dalhin because obviously, nakalabas na sila ng Syudad dahil hindi na pamilyar sa kanya ang kapaligiran. Puro puno nalang at nakikita niya sa madilim na daan plus, napansin niyang wala gaanong dumadaan na sasakyan o talagang wala namang dumadaang sasakyan bukod sa kotse ni Jaguar.

Bigla nanamang gumana ang imagination niya. Na baka, horror pala ang love story niya tapos kukuhanin ng aswang ang taglay niyang kagandahan.

No way!

Napapikit siya at nagsimulang dumagundong sa kaba ang kanyang dibdib.

"Please sana walang multo! Sana walang multo! Sana walang multo!" Paulit-ulit niyang sinasabi habang naka-pikit at naka-cross fingers pa.

"What are you doing?! Stop it! Nagmumukha ka nanamang tanga." Inis na sabi ng binata sa kanya.

Aba't! "Hoy! Ikaw ang parang tanga dyan. Bigla bigla mo nalang akong hinatak paalis sa dream date ko! Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay Blaze. Paano ako makakaulit niyan?!" Kunwa'y umiiyak na aniya.

"Stop it! You're so annoying!" He hissed.

"Ibaba mo na ako! Gusto ko ng umiwi. Hayaan mo nalang ako dyan sa daam tutal walang hiya ka naman."

Nagulat nalang diya ng itinigil nga nito ang sasakyan. Ibig sabihin ay talagang iiwan siya ng lalaking ito sa gitna ng madilim na daan at wala man lang ni ilang sasakyang dumadaan.

How ungentle man.

"Aba't talagang pabababain mo ako sa dito? Iiwan mo talaga ako sa gitna ng daan? Wala ka talagang modo! Isang magandang prinsesa iiwan mo sa gitna ng dilim." This time totoong umiiyak na siya.

Ang kapal kapal kasi ng mukha ng lalaking ito. Matapos nitong sirain ang buong maghapon niya kahapon maging ang dream date niya kanina, balak pa talaga nitong sirain ang buong magdamag niya. Iyong totoo, nasa binata na ang lahat ng nakakainis na katangian ng isang nilalang sa mundong ibabaw.

Nagulat nalang siya ng tampalin siya nito sa noo.

"Aray ha!"

"Sira ulo ka kasi! Out of gas kaya tumigil ang sasakyan." Anito.

Halos lumabas ang eyeballs niya sa narinig. Out of gas? Napatingin siya sa kapaligiran. Madilim na madilim na at puro puno lang ang nakikita niya. God! Ibig sabihin ay dito nalang sila forever?

NOOOOOO! Hindi iyon maari. Agad niyang hinanap ang purse niya para kuhanin ang phone niya pero agad din siyang nanlumo ng maalala niyang naiwan niya iyon sa table kanina ng hilain siya ni Jaguar. No way! It can't be stuck with him.

Tumingin siya kay Jaguar at inilahad ang palad niya para hiraminang cellphond nito. Mabuti nalang at memorize niya ang number ni Robin. Magpapasundo nalang siya.

"If you are going to ask for my cellphone, it's no use. No signal." Anito.

Hindi niya mapigilang mapapadyak sa sobrang inis. "Hay, ano ba yan! Walang kwenta yang cellphone mo itapon mo na!"

Inis na lumabas siya sa kotse ng binata. Iniisip niya kung paano sila makakaalis sa lugar na ito. Damn! Bakit ba kasi hinayaan niya ang sarili niyang magpatangay sa lalaking ito. Hindi naman dapat, nakaka-bwesit. Siguro ay kung hindi siya nito kinuha kanina sa date niya with Blaze malamang ay nagme-make out na sila ngayon. Oh, God! That would be dream come true. But all of that was ruined by this chinky fart inside the car.

8ET: Sweet Temptation (COMPLETED) UNEDITED VERSIONDonde viven las historias. Descúbrelo ahora