Crazy Fiona

1.1K 49 37
                                    

(Bago nabaliw si Fiona) 


Fiona's POV

"Ma, nandito na ho kami." Sigaw ni Dex sa labas ng bahay nila habang tinitignan ang reaksyon ko.

"Sure ka bang okay lang na sinama mo ako dito? Next time nalang kaya?" Ngiting pilit ko at napakamot pa sa may noo.

Humalakhak naman si Dex. "Ayos lang yan. Mabait mama ko, promise." Tango pa niya.

Mas lalo lang tuloy akong kinabahan. Hindi kasi mawala sa isipan ko kung paano akong ipinagtulakan palayo ng mama ni Dex isang linggo na ang nakalipas.

Ano kayang itatawag ko sa kanya? Mama siya ni Mama diba?

So, Lola?

Pero baka kasi magtaka siya. So, Tita nalang muna.

"Ma, nandito na ho a---" Natigil si Dex sa pagsasalita nang bumukas na ang pintuan nila at iniluwa nito ang nakangiting Mama niya.

"Ginabi ka yata?" Bumaling ang mama niya sakin. "At first time mong magdala ng babae ah? Girlfriend mo?" Ngiti pa ng Mama niya na nagpakunot sa noo ko. Dinig ko naman ang halakhak ni Dex sa gilid.

Hindi ba ako natatandaan ni Lola?

"Good evening po, uhm Tita," Sana lang hindi halatang pilit na pilit yung ngiti ko.

"Pasok ka iha. Tamang tama, nagluto ako ng adobong manok." Masigla ang boses ni Tita at inakbayan ako saka iginiya papasok. Nauna namang pumasok si Dex dahil inutusan siyang maghain na.

Hindi ko alam kung sasabay nalang ba ako sa mood ni Tita o ipapaalala ko sa kanya na ako din yung sinama ni Dex last time na ipinagtabuyan niya.

"Huwag kang mahihiya ah? Upo ka." Tinabihan ako ni Tita sa sofa. At hindi ko alam pero mas lalo lang akong nahiya. "Dex naman anak, bakit ngayon mo lang dinala dito girlfriend mo?"

"Hindi ko siya girlfriend, Ma!" Dinig kong sigaw ni Dex mula sa kusina. At hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang muling paghalakhak niya.

Bakit ba tuwang-tuwa pa siya? At ako girlfriend niya? Kung alam niya lang na magkadugo din kami.

"Classmate ka ng anak ko, iha?" Tanong ni Tita at tanging iling lang ang naisagot ko. Hindi talaga ako komportable.

Napatango naman si Tita at tumayo na nang marinig ang boses ni Dex. Tinatawag na kami para kumain.

***




Masigla ang naging salu-salo naming tatlo. Aaminin ko nung una, hindi ako naging komportable pero nafifeel kong sobra akong welcomed kaya nakisabay na rin ako.

Nang matapos ang hapunan ay nagpasya akong tulungan si Tita na iligpit yung mga pinggan pero pinigilan niya lang ako.




"Ano ka ba, bisita ka namin. Ako na dito. Kaya ko na 'to." Kindat ni Tita sakin kaya nagthank you nalang ako.

Nang pumunta si Tita sa kusina ay hindi pa rin kami nagalaw ni Dex sa dining.



"Thank you sa dinner Dex ha," Ngiti ko.

"Ay nako. Walang anuman iyon. Ikaw pa." Gulo niya sa buhok ko.

Gusto kong itanong kung nasaan ba ang ama ni Dex. Pero parang nakakahiya kung itatanong ko pa iyon.

Buong chikahan kasi namin ay hindi ko narinig na binanggit ng mag-ina ang ama. Curious lang naman.

Bahala na nga.

Tumikhim ako at bumaling kay Dex. "Saan nga pala yung Papa mo, Dex?"

Kita kong natigilan si Dex doon sa tanong ko pero ngumiti rin agad sakin. Ngiting malungkot.

FionaWhere stories live. Discover now