Ang Pagtatapos

5.6K 72 63
                                    

Ang Pagtatapos


Year 1976...


Salubong ang kilay ko nang madatnan kong lasing si mama at may kahalikang di ko kilalang lalaki sa sala.

Nakakadiri para sakin ang larawang nakikita ko sa ngayon.

Umubo pa ako para makuha ang atensyon nila pero hindi naging sapat iyon. Kaya wala akong choice kundi ang batuhin ng tsinelas yung lalaking kahalikan ni Mama.

Bingo.

Sapul sa ulo yung lalaki kaya naman nahinto siya sa pakikipaghalikan sa Mama ko. Nilingon niya ako saka siya ngumisi.

Ang kapal din naman ng taong 'to.

"A-anak? Kanina ka pa riyan?" Nagmamadaling tumayo si Mama at inayos ang nagusot na damit at pagpupunas ng labing may nagkalat na lipstick.

Hindi ako umimik at sinamaan lang ng tingin ang lalaking patuloy pa rin ang pagngisi sakin.

Kung hindi lang krimen ang pumatay ay baka nasaksak ko na to kanina pa. Nanggagalaiti ako sa galit.

"Anak? May problema ba?" Dinig ko ulit na sabi ni Mama na nakuha pang lapitan ako at hawakan sa magkabilang braso.

Ayokong maging bastos pero tinabig ko iyon. "Ano bang nangyayari sa'yo Ma?" Hindi ko na tinago ang inis na nararamdaman.

Hindi sumagot si Mama at sinenyasan pa yung lalaking kahalikan niya na lumapit.

Kita ko kung paanong mas lumaki ang ngisi nung lalaki sakin. Para bang tuwang-tuwa pa siya sa mga nangyayari.

"Anak, this is your Tito Tom. Simula ngayon, dito na siya titira at gusto k---"

Hindi ko na hinintay na matapos sa pagsasalita si Mama dahil mabilis akong pumasok sa kwarto saka padabog na sinara yung pinto.

Kinuyom ko ang kamao ko at ramdam ko na ring nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha sa magkabilang pisngi ko.

"Huwag kang bastos! Kinakausap pa kita!" Katok ni Mama sa labas ng kwarto ko pero hindi ko iyon pinansin at ibinagsak lang ang sarili ko sa kama.

Ano na bang nangyayari sa pamilyang ito?

Simula nung nawala si Papa, wala na akong maintindihan. Laging lasing si Mama kung umuwi.

Nung una, hindi big deal sakin iyon. Kasi alam kong masakit kay Mama yung pagkawala ni Papa. Kaya inintindi ko na lamang ang paglalasing niya.

Inisip kong baka alak lang ang makakapagpawala ng lungkot kay Mama kaya hinayaan ko iyon.

Pero ngayon? Bakit may dala-dala na siyang lalaki at tama ba ang dinig ko kanina? Na dito na iyon titira?

Ilang araw pa ang lumipas at kumpirmado ngang dito pinatira ni Mama sa bahay ang lalaking lagi niyang kasama.

Hindi naman ako lumalabas ng kwarto dahil wala akong oras para salubungin ang mga kalokohan ng sarili kong ina.

Nalabas lang ako pag naririnig kong aalis sila. Doon lang ako nagkaka-oras para kumain.

Para ngang wala ako dito dahil hindi ko na ramdam si Mama. Ni hindi na niya ako kinakatok para kumain na.



Biyernes ng gabi nang marinig kong may gala na naman ulit si Mama at yung lalaki niya.

Nang wala na akong marinig na ingay ay saka lang ako lumabas ng kwarto para maghapunan.

Halos mapatalon pa ako sa gulat nang may marinig akong umubo sa gilid ko.

Pag-angat ko ng tingin ay doon ko nakita ang lalaking kinamumuhian ko.

FionaWhere stories live. Discover now