Part 5

5.2K 100 71
                                    

Part 5

Fiona's POV

"Ayos ka lang?" Tanong ni Red na hinahawak-hawakan pa yung kamay ko.

Kanina pa rin niya ako tinatanong kung ayos lang ba ako kahit na wala naman siyang nakukuhang sagot mula sakin.

Matapos ko kasing marinig ang bulong na iyon ay mabilis akong tumayo na at kinaladkad si Red palabas ng bahay ni Lola dahil ayoko na.

Siyempre, tinawag kami ni Lola pero hindi na kami ulit lumingon pa at dali-dali na ngang lumabas.

Nagtataka nga si Red kung bakit bigla bigla nalang 'yung paghila ko sa kanya kahit na hindi pa man nagsisimula sa panghuhula si Lola.

Wala din naman siyang nagawa na at nagpatianod lang din sakin.

Ayoko ng magpahula. Hindi naman hula ni Lola ang makakatulong sakin, e. Ako lang. Ako lang ang makakasagot sa sarili kong problema.

Napailing ako at ipinikit muli ang mga mata ko.

Bakit ba kasi ako minumulto?

Ni wala akong natatandaang may atraso ako sa isang tao.

Nakakainis lang dahil matatakutin ako at ayoko ng mga ganitong problema.

Mas gugustuhin ko pang mamroblema sa pera o di kaya'y sa lovelife. Huwag lang kasi sa mga ganitong bagay.

"Uy, magsalita ka naman, o. Nag-aalala na ako." Dinig kong sambit ni Red kaya bumaling ako sa kanya saka siya nginitian.

Kahit papano talaga, maswerte din ako kay Red. Kahit wala ako masyadong mga kaibigan, hindi ko naramdaman yung feeling na nag-iisa ako. Lagi kasi siyang nakadikit sakin.

"Sorry..." Panimula ko. "Dahil bigla nalang tayong umalis. Pero thank you na rin." Nagsmile pa ako sa kanya.

"Thank you saan?"

"Dahil sinamahan mo ako doon kay Lola. Kahit na in the end, umalis din tayo at 'di na nagpahula."

Pinisil niya ang isang kamay ko saka ginulo ang buhok ko.

"Wala 'yun. Para sayo ang laban na 'to." Tumawa siya saglit pero huminto rin at nagsalita ulit. "Pero teka nga, bakit nga pala tayo umalis agad?"

Hindi alam ni Red ang rason kung bakit ko siya hinila. Hindi ko pa alam kung dapat pa bang ipagsabi ko iyon sa kanya.

"Huy," Wagayway ni Red sa harapan ng mukha ko. "Tulala ka na naman."

"Sorry. Ano nga ulit 'yung tanong mo?" Kamot ko sa noo ko.

"Tinatanong kita kung bakit tayo umalis agad. Sayang, hindi mo man lang naexperience 'yung hula ni Lola. Magaling kayang manghula 'yung si Lola."

Paano ko kaya sasabihin kay Red 'yung narinig ko kanina? Baka kasi hindi rin siya maniwala, e. Sabi pa naman niya hindi siya naniniwala sa multo.

"Hays," Bahala na nga. "Ano kasi, dinig mo 'yung sinabi ni Lola nang makita niya tayo?"

"Bakit? Ano ba 'yon?"

"Hindi mo natatandaan?"

"Yung sinabi niyang tatlo tayo?"

Tumango ako.

"Ah. Sanay na ako doon kay Lola. Laging ganoon iyon. Pag pumupunta kami ng barkada, palaging sumusobra 'yung bilang niya samin. May third-eye kasi. Madaming nakikita kaya ganoon."

Napabuga ako ng hangin sa narinig kay Red.

Ibig bang sabihin nun, totoong tatlo talaga kaming nakita ni Lola kanina?

FionaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon