Bonus Chapter

4.3K 65 65
                                    

Bonus Chapter


Red's POV

"Class dismissed."

Walang gana kong kinuha ang bag ko saka iyon isinabit sa balikat ko.

Pakiramdam ko mababaliw ako sa mga nangyayari sa paligid ko.

Kanina ngang nagkaklase kami ay lumilipad kung saan ang isipan ko.

Parang nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay.

Paano ko naman kasi tatanggapin?

Nabaliw si Fiona at nagpakamatay si Greg?

Isang beses ko lang nakita si Fiona. At doon pa sa kalsada at palaboy-laboy. Magulo ang buhok at butas-butas ang suot na damit.

Nung nilapitan ko siya ay kumaripas siya ng takbo. Hinabol ko pero hindi ko na naabutan.

Minsan nga binibisita ko si Tita para kamustahin. Naaawa ako sa kanya. Lagi siyang umiiyak. Pinapahanap niya pa rin si Fiona na hanggang ngayon ay wala pa ring balita.

"Sabay ba tayo mamaya?" Nag-angat ako ng tingin nang makita ang dalawang babaeng kaklase kong nag-uusap sa harapan ko. Hindi pa rin kasi ako natayo simula ng dinismiss kami sa klase.

"Oo. Malapit lang naman yung kila Dex, e. Tinext naman niya sakin yung address."

"Sigurado ka? Eh paano yan? Diba sabi ni Dex, sa dulo pa yung sa kanila? Eh di ang dilim non? Tapos tayong dalawa lang?"

"Saan ba kila Dex? Tsaka anong gagawin niyo doon?" Nakisawsaw na ako sa usapan at lumapit sa dalawa.

"Hindi mo alam?" Nagtatakang tanong nung isa.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

Nangunot ang noo ng kaklase ko saka siya umiling. "Nitong mga nakaraang araw Red, pansin ko ang pagiging matamlay mo. Parang lagi mong pasan ang mundo. Tapos madalas ka pang pilosopo." Hindi ako sumagot at naghintay lang na magsalita ulit yung kaklase ko. "Pero ano kasi, pupuntahan namin si Dex. Makikiramay lang. Wala na yung Mama niya, e. Ano? Sama ka?"

Wala naman akong gagawin kaya, "Sige. Tara."

***



"Condolence tol." Tapik ko sa kaklase kong si Dex nang makarating na kami sa bahay nila.

Totoo ngang sa dulo pala talaga yung bahay nila. At buti nalang talaga may ilaw sa bawat posteng nadadaanan namin.

"Salamat." Ngiting pilit ni Dex sakin at iginiya kami papasok.

Pumasok na nga kami at nauna na yung dalawang babae sakin.

Tinapik ako ni Dex at tinuro ang mga kamag-anak niyang nasa gilid. "Puntahan ko lang sila." Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

Lumapit na nga ako sa mismong kabaong ng ina ni Dex.

At ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala ang nakahiga doon.

Paano nangyari iyon?

Ang ina ni Dex at ni Tita ay iisa?

Hindi naman ako namamalik-mata diba?

"Huy, ayos ka lang?" Napamura nalang ako nang biglang may tumapik sa balikat ko.

Kaklase ko pa lang lalaki.

Tumango ako saka siya nagpaalam na mauuna na. Kanina pa pala siya dito.

Ibinalik ko ang tingin sa kabaong. Sa mukha ng Mama ni Dex. Hindi siya malungkot tignan ngunit hindi rin siya nakangiti.

Namatay pala ito sa sakit na cancer ayon sa dalawang kaklase kong babae.

FionaWhere stories live. Discover now