Part 10

5.3K 80 44
                                    

Part 10 

Greg's POV

Madilim ang kalangitan habang naglalakad ako. Walang ulan. Pero may kulog. Walang bagyo pero malamig. Ganito lagi. Ganitong ganito.

Ilang araw na nga bang ganito? Tatlo? Apat?

Basta simula nung sumama ako kila Fiona doon sa matandang manghuhula, hindi ko na maunawaan kung ano yung panaginip sa totoo.

Minsan nakikita ko si Wigi sa loob ng bahay ko. Kinakausap niya ako na para bang normal siyang buhay na tao.

Tapos dahil hindi naman ako nasagot ay bigla nalang siyang maglalaho.

Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nandoon pa rin siya. Minsan nakatitig lang siya sakin. Yung titig na puno ng galit. At minsan naman ay ngumingisi siyang nakakapanindig balahibo.

Paulit-ulit lang naman lagi yung sinasabi niya.

"Hinding hindi kita mapapatawad."

Ganoon lagi. Hindi na ako magtataka. Ang laki ng kasalanan ko kay Wigi.

Iniisip ko ngang balikan yung matandang manghuhula. Para na rin magtanong kung anong dapat na gawin ko. At para na rin itanong kung normal pa ba itong pagpapakita ni Wigi sakin araw-araw.

Napahinto lang ako sa paglalakad nang may makita akong babaeng nakaupo sa labas ng gate namin. Nangunot ang noo ko at nilapitan yung babae.

Umubo ako para makuha ang atensyon nung babae pero hindi siya lumingon at hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagbibilang niya ng pabulong.

"Miss," Akmang hahawakan ko na sana siya sa balikat pero binawi ko rin ang kamay ko at kinuyom iyon.

"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima..." Pagbibilang ulit nung babae at saka pumalakpak ng masaya.

Natigilan lang ako ng mabosesan yung babae.

Si Fiona.

Hindi si Fiona ko. Kundi si Fiona na nakasama ko doon sa matandang manghuhula.

Hindi na ako nagdalawang isip na hawakan siya sa balikat at iharap sakin.

Dali daling tumayo si Fiona nang makita niya ako at niyakap ako ng sobrang higpit. Naguguluhan ako pero napayakap na lang din ako ng pabalik.

Anong nangyayari?

"Buti nalang nakita agad kita, bilisan natin Greg, papunta na si Wigi." Bulong niya na nagpakunot sa noo ko.

"Ano bang sinasabi mo?" Kinalas ko ang pagkakayakap sa kanya at doon ko lang napansin ang itsura niya.

Maputla ang kanyang labi at magulo ang buhok at butas butas na damit ang suot niya.

"Mga ganitong oras siya nagpapakita." Sagot niya. May bahid na takot sa mukha niya. Pinalipat-lipat niya pa ang tingin kaliwa't kanan para siguro i-check kung nagpakita na ba si Wigi.

"Teka nga, bakit ba ganyan ang itsura mo? At nakikita mo rin si Wigi?" Tanong ko agad na mas lalo pang nagpaputla sa mukha niya.

Nanlalaki ang mga mata niya at itinuro ako. "W-wigi?" Napalunok siya at kinagat ang daliri.

"Ha?" Lumapit ako sa kanya pero mas lalo lang siyang umatras na para bang takot na takot siya sa akin.

"Layuan mo ako!" Banta niya at nakuha pang ituro ako.

"Ano bang na---"

"Layuan mo na ako! Pwede ba!" Tulak niya sakin saka ako nilagpasan at tumakbo palayo.

FionaWhere stories live. Discover now