Part 7

6K 88 68
                                    

Part 7

Greg's POV

"F-fiona? B-buhay ka?"

Gulat na tanong ko sa babaeng nakatayo sa labas ng gate at nakatingin sakin.

"P-paanong... P-paanong..." Hindi ko makuha ang mga tamang salita. Ni hindi nga ako makapag-isip ng tama.

Naibaba ko ang daliri kong nanginginig at dahan-dahang naglakad doon sa babae.

Kinusot ko pa ang mga mata ko. Baka sakaling namamalik-mata lang ako. Na baka nga nagkamali lang ako.

Pero tangina naman. Hindi, e.

Si Fiona ba talaga 'tong nasa harapan ko?

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi nang makalapit na ako sa kanya pero bumitaw rin ako agad at saka napailing.

"Imposible... Imposible..." Namaywang ako at nag-iwas ng tingin. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong maluha.

Imposibleng si Fiona 'to. Imposible talaga. Kitang-kita ng dalawang mata ko isang buwan na ang nakalilipas kung paano siya pumanaw. Nandoon ako sa mismong libing ni Fiona. Kaya malabo talagang si Fiona ito. Malabo.

"Uhh, ikaw ba si Greg? Ako nga pala si Fiona. Tsaka itong kasama ko, si Red."

Tangina naman. Pati ba pangalan? Namamalik-mata lang ba talaga ako? Bakit ba dinig ko rin na parehas sila ng pangalan?

"Ikaw ba talaga yan?" Hindi makapaniwala kong sabi. Nakailang lunok na rin ako habang naghihintay sa sagot niya.

"Ah kasi, hindi naman talaga ak---"

Hindi ko na siya hinintay na tapusin yung sinasabi niya at saka niyakap siya ng sobrang higpit.

Ilang gabi ko ring ipinagdasal 'to. Na makita siyang muli at mayakap ng ganito.

Ang dami ko pang gustong sabihin sa kanya. Ang dami kong gustong itanong sa kanya.

Kung bakit niya nagawang magbigti. Kung bakit niya kinailangang gawin iyon.

"H-hindi ako makahinga..." Dinig kong sabi niya pero hindi ako kumawala.

Ayoko ng bumitaw. Natatakot akong baka panaginip lang ang lahat ng 'to. Natatakot akong baka mawala na naman siya sa tabi ko.

"Sobrang namiss kita, alam mo ba?" Nakuha ko pang hagkan siya sa ulo.

Bakit ngayon lang dininig ang dasal ko? Bakit ngayon lang nagpakita sakin si Fiona?

Nang bumitaw ako sa yakap ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya saka ako napangiti na naman sa kanya.

"Ikaw nga. Buhay na buhay ka." Masayang sabi ko at niyakap siyang muli. "Akala ko wala ka na. Akala ko hindi na kita ulit makikita pa. Kung alam mo lang kung gaano kita namiss. Bakit ngayon ka lang nagpakita sakin? Akala ko hindi na ulit kita mayayakap ng ganito. Akala ko talaga wala ka na." Tuloy-tuloy na sabi ko habang yakap-yakap siya.

Natigil lang ako sa pagyakap sa kanya nang biglang may humawak sa balikat ko.

Tinignan ko kung sino yung humawak na yun at doon ko nakita ang lalaking nasa gilid na nakuha pang ngumisi at nag-iwas ng tingin.

"Makayakap ka Pre. Future girlfriend ko 'yan."

Future girlfriend?

Nang tignan ko si Fiona ay ngumunguso siya at nag-iiwas ng tingin.

"Fiona? Anong sinasabi ng lalaking 'to? Tsaka sino ba 'to?" Tanong ko pa.

Napakamot naman siya sa noo saka nagsalita. "Si Red yan. At tsaka hindi ako si Fiona pero ako si Fiona." Tapos dinig kong may dagdag pa siyang sinabi na "Ay mali, paano ko ba sasabihin 'to?"

FionaWhere stories live. Discover now