13

676 42 4
                                    

13

Sa buong oras na magkakasama sila ay hawak kamay ang dad niya at si taehyung. Natutuwa siya sa nakikita niya. Sarap palang makitang masaya ang tatay mo pag nagkaa-apo na sila..

Nasa toy store sila ngayon at tinitignan lang niya ang dalawa na nag uusap..

"Taehyung, you want toys?" Naka eyesmile na tumango tango ang bata sa dad niya. Mr. Park pinched taehyung's cheeks.

"Pumili ka na sa mga toys dito. Pick everything you want okay?" Nakangiting sabi ni mr. Park. Nanlalaki naman ang mga mata ng bata na tinignan ang matanda. Hindi makapaniwala sa sinabi nito.

"Really?" Tanong ni taehyung, tumango tango ang dad niya.

"Yes, kaya go on. Pili ka na.." sabi ng dad niya . Tumakbo naman agad ang bata at tuwang tuwa na pumunta sa section ng marvel heroes.

Natawa naman si chanyeol, parang bumabalik ang childhood memories niya. Napalingon si mr. Park sa kanya, binigyan siya nito ng bakit-ka-natatawa-look.

"You used to spoiled me like that when i was a kid.. You never changed dad, ang lambot lambot talaga ng puso when it comes to kids." his dad chuckled, naalala bigla ni mr. Park noong panahon na lagi niyang binibili ng laruan si chanyeol. Malaki ang tuwa niya sa tuwing nakikita niya ang ngiti sa mukha ng anak niya.

"I can't help it. This kid... taehyung... may something sa kanya.... He resembles you a lot when you were just a little kid." sabi ni mr. Park. Kung iisipin, ngayon lang ulit sila nagkaroon ng matinong usapan ng dad niya.

"I think so too...  dad, i have this weird feeling pag nakikita ko si taehyung.. i don't know pero ang gaan ng loob ko sa kaniya.." tumingin sa kanya si mr. Park na sinasabing tama siya. Chanyeol smiled at tumingin kay taehyung na hindi makapili kung si ironman or captain america ang bibilhin niya.

Lumapit sila sa bata.. Tumingin naman ang bata sa kanila na parang namomroblema.

"Daddy dobi! Tito yoda! Sino pong mas malakas? Si ironman or captain america?" Umupo si mr. Park at tinignan ang bata. Natawa siya sa itsura nito.

"Why don't we buy both of them?" Once again nanlaki nanaman ang mga mata ng bata

"Talaga po?"

"Yes, so yan lang ang gusto mo? Pili ka pa. Daddy dobi will pay for it" lumawak ang ngiti ni taehyung. Kinuha niya si ironman, captain america at spiderman.

Pumunta sila sa cashier at binayaran na ito. Nang makalabas sila ng toy store ay kinalabit ni taehyung si mr.park. agad naman tumingin ang matanda.

"Ano yun taehyung? May gusto ka pa?" Tanong ni mr. Park. Taehyung shook his head at kinuha si captain america sa plastic bag. Inabot niya iyon kay mr. Park. Nagtataka lang na nakatingin ang dad niya kay taehyung.

"Daddy dobi, thank you po." At inabot ulit ang laruan kay mr. Park. Kinuha niya ito sa kamay ng bata, pagkatapos ay hinalikan siya nito sa pisngi.

"Akin to? Binibigay mo?" Tumango tango ang bata. Kinuha din ni taehyung ang spiderman sa plastic at ibinigay kay chanyeol. Nagulat siyang tinanggap ito at hinalikan din siya nito sa pisngi.

Napangiti ang dalawa sa bata. Binuhat ni mr. Park si taehyung at hinalikan din ito, taehyung giggled.

Sa tingin ni mr. Park , ito na ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay niya.

----

"Nag enjoy ka ba?" Tanong ni mr. Park kay taehyung .

"Opo!" Nagpaalam na si mr. Park na babalik sa office niya at bago umalis ay hinalikan siya ni taehyung sa pisngi. Bumaling naman si chanyeol sa bata.

"Are you tired? Sleepy?" Tumango si taehyung, binuhat ni chanyeol ang bata at iniupo sa couch ng office niya. Inialis niya ang sapatos nito at inilagay ang throw pillow sa dulo ng kama. Inihiga niya si taehyung sa couch at kinuha ang jacket niya para ikumot sa kanya. Umupo lang siya sa harapan ni taehyung hanggang sa makatulog ito.

Hinalikan niya ang noo nito bago bumalik siya sa desk niya. Isa isa niyang binuksan  ang drawers ng desk niya, pero sa pinaka huling ay hindi niya mabuksan.

Tinry niyang buksan ulit pero mukhang naka-lock pa rin ito.  Tatanungin na lang daw niya ang secretary niya bukas.

Tumayo ulit siya at umupo ulit sa harapan ng couch kung saan natutulog si taehyung.

Napagod na din siya sa pamamasyal kanina, hanggang sa di na niya namalayan na nakatulog na pala siya.

---

Binuksan ni baekhyun ang pinto ng office ni chanyeol at bumungad sa kanya ang higante na natutulog kasama ang anak niya. Napangiti siya at lumapit sa mga ito.

'Mukhang nag enjoy sila sa pamamasyal ah'

Hinaplos haplos ni baekhyun ang buhok ng anak at hinalikan ang noo nito. Nagawi naman ang mata niya kay chanyeol na mahimbing din ang tulog. Umupo din iya sa sahig at tumitig kay chanyeol.

May part sa utak niya na sinasabing tumitig lang siya. May part naman na sinasabing mahiya siya. Pero mas nanaig yung unang sinasabi ng utak niya.

Ang gwapo nga pala talaga si chanyeol, ni wonder na nagkagusto si kyungsoo sa kanya. Ang ganda ng pilikmata niya kapag natutulog, yung ilong niya na ang tangos at ang labi niyang mamula-mula.

Hinawakan niya ang pisngi nito, at dahan dahang hinaplos ito. Agad naman iminulat ni chanyeol ang mata niya nang maramdaman ang kamay sa mukha niya.

Nakita niya ang gulat na si baekhyun, aalisin na sana ni baek ang kamay niya sa mukha ni chanyeol nang pigilan siya nito.

Mas nagulat siya sa ginawa ni chanyeol. Napaiwas siya ng tingin dahil hanggang ngayon ay nakatitig pa rin si chanyeol sa kanya.

Hindi mabitawan ni chanyeol ang kamay ni baek . Feeling niya, pamilyar sa kanya ang pakiramdam na yun. Parang ang sarap sa pakiramdam.

Naramdaman agad ni chanyeol na hindi na komportable si baek sa ginawa niya kaya bumitaw agad siya.

"S-sorry... nandito ka na pala.." aniya at tumayo.

"A-ahh oo. Ano... uwi na kami, gabi na. Salamat nga pala sa pagbantay kay taehyung" umiling iling lang si yeol, sinasabing okay lang. Dahan dahang binuhat ni baek si taehyung para hindi magising.

"Hatid ko na kayo.." insist ni chanyeol pero umiling si baek.

"Hindi na,salamat na lang yeol. Nasa baba si kris eh. Sinundo niya ako."parang kinurot ang puso ni chanyeol sa narinig. Tumango nalang siya at nagpaalam na si baek sa kanya.

Napaupo siya sa swivel chair niya at napasandal...

'No yeol, mali yang nagawa mo.'

---

Unknown▶▶ChanbaekWhere stories live. Discover now