Chapter 7

126 23 3
                                    

(Dedicated to deeyosaxx)

Chapter 7: Mr. Bait

Razle's P.O.V.

Nakakapagtaka.

Bakit ganun makatitig si Ross kanina? Nung kinausap ako ni Zeyn? Ahy Oo. Zeyn Marie nga ata name nung girl na nagbigay sa akin ng gift na ito.

Biglaan naman ata ito. Ano kayang nasa isip ni Ross kanina? Tsk. Ang sama talaga ng tingin niya eh.

Nung lumingon ako sa kanya, bigla naman siyang umalis at mukhang nagmamadali. Ano kayang problema ng babaeng yun? Hay naku. Ewan.

"Ah Mister? Excuse me lang. Pwede makisuyo? Nakalimutan kasi nung babae na kakaalis lang ngayon, yung mga gamit niya. Parang nagmamadali kasi siyang umalis eh. Naiwan niya tuloy yung bag niya."

Narinig ko na inutusan ng librarian yung isang lalake dun banda nakaupo sa harap ni Ross kanina. Lumapit din naman agad yung isang yun. Sino kaya yun?

"Ahh sige po Ma'am. Saan po ba yung gamit niya?" tanong naman niya sa librarian.

"Mister, yun oh. Yung bag na nasa baggage area. Kulay red na may black and white na tatak." Pamilyar ako sa bag na yon. Kung hindi ako nagkakamali kay Ross yun. Oo sa kanya nga talaga yun.

Hay naku burara talaga yung babae na yun. Nawawala sa sarili kapag nakikita yung kagwapuhan ko HAHA *evil laugh*

Kinuha narin nung lalake na yun yung gamit ni Ross. Pero hindi ko talaga mamukhaan kung sino yun. Nakatalikod sa deriksyon ko eh.

"Mister! Halika muna saglit. Pati library card niya naiwan rin. Pakibigay nalang sa kanya ha. Salamat."
Papaalis na sana yung lalaki para sundan si Ross pero tinawag siya bigla nung librarian.

"Ahy sige po Ma'am welcome. Ahh okay Ross pala pangalan niya. Riss Ariane." Nakita ko namang tinitigan nung lalake na yun yung library card ni Ross. Mukhang kinikilatis yung mukha niya. Hay naku upakan ko toh' eh. Parang matutunaw na yung picture ni asungot sa kakatitig nun.

Umalis narin yung lalake at hinabol na nga ata si Ross. Hindi pa naman siguro nakakalayo yung babaeng yun.

Nakakaboring na dito. Lalabas na rin nga ako.

Kinuha ko na yung library card ko sa librarian at hindi ko kinalimutan yung mga gamit ko. Hindi ako malilimutin noh. HAHA palibhasa yung babaeng yun ulyanin na, asungot pa! HAHA nakakatawa siya.

Lumabas na ako ng library at sakto paglabas ko ng pintuan. Nakita ko naman na nag uusap na nga si Ross at yung lalakeng yun dun sa hindi kalayuan.

Hay naku. Tsk. lumihis ako ng deriksyon at naghanap ng ibang madadaanan.

Lumiko na ako at dumeritso sa paglalakad. Wala narin namang pasok ngayong hapon kaya maglilibot muna ako.

Nakita ko naman yung basketball court o tinatawag rin nila ditong "covered gym". Gusto ko munang maglaro ng basketball. Matagal-tagal narin nung last time na naglaro ako at nagdrible ng bola. Nakakamiss.

Pumasok na ako sa loob at kumuha ng bola. Nagbasketball na ako. Nakakaenjoy kahit mag isa lang akong naglalaro.

......

Ross' P.O.V.

Nakakainis talaga yung mokong na yun. Dahil sa kanya! Yung gamit ko naiwan ko!

Pero ako naman talaga nakaiwan eh. Pero kasi ano. Eh! Ahh basta siya parin may kasalanan!

"Ross... Ross Ariane?" WAIT. May tumatawag ata sa akin? Tumingin naman ako sa likod para tignan kung sino ba yung tumatawag sakin. Parang boses kasi ng isang lalake?

As The Teardrops Fall (REVISED and On GOING)Where stories live. Discover now