Chapter 13

81 12 6
                                    

(Dedicated to Annanananana20)


Chapter 13: Manliligaw

Ross' P.O.V.

Kringggg. Kringg. Kringgg.

ANO BA YANG TUMUTUNOG NA YAN! ISTORBO EH!

Nakakainis. Nakakasakit sa tenga ang tunog!

Unti-unti kong tinanggal ang unan na nakatabon sa mukha ko at minulat ang mga mata ko.

Kringgg. Kringg.

Ahy takte!

Nagset nga pala ako ng alarm kaninang madaling araw. At ang maganda dun pinindot ko sa full volume.

Muntik na akong mapatalon sa kama ko nang makita ko kung ano yung nakalagay sa alarm.

"May practice ang tropang makulet! Hindi ako pwedeng ma-late! :)"

Shit. May practice nga pala kami ngayon at susunduin ako ni JK!

Natauhan narin ako at tinignan ko ang cp ko. Waaah! Time check. 7:30 a.m.

GHAD. LATE NA ANG GISING KO.

Pero eh. Tinatamad ako. No choice. *hikab*

Tumayo agad ako. At pumunta sa cr.

*naligo at naglinis ng sarili*

*pumili ng damit*

*pumili ulit ng damit*

*nakapili na ng damit*

*nagsuklay. suklay. sukla. sukl. suk. su. s* Napapahikab ako dahil sa antok.

"Ross! Bumaba ka na dito! Si JK kanina pa nag-aantay." Hala. lagot na.

"Uhmm. Opo tita! Bababa na po  diyan." Sabi ko naman agad kay tita. Tumingin mo na ako sa salamin. And tadaaaa. Im done.

Dali-dali kong kinuha ang bag ko. Actually, wala naman masyadong laman yung bag na dala ko kaya magaan. Mga girly things lang hehe.

Tumakbo na ako pababa sa hagdan.

Nakita ko agad si JK sa sofa. Nakaupo at mukhang masaya naman silang nagkukwentuhan ni tita.

Ganun na ba ako katagal? Mukhang andami na nilang napag-usapan eh.

"Good morning Ariane." Wow. Bago yun ah. HAHA Bumungad naman sa'kin ang maamong mukha ni JK. Bigla siyang tumayo nung sinabi niya yun.

"Good morning din JK." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Good morning din tita." *smile*

"Magandang umaga rin Ross, mukhang pinag-aantay mo ang manliligaw mo." Bigla namang nang-asar si tita na parang gustong bumuga ng tawa.

"Tita! Hindi kaya!" *pout*

Nakita ko namang nagpipigil lang ng tawa si JK. Isa pa to eh. Ang aga-aga naninira sila ng araw.

As The Teardrops Fall (REVISED and On GOING)Where stories live. Discover now