Chapter 5

145 27 17
                                    

(Dedicated to Dark_StarDust)

Chapter 5: Tadhana

Ross' P.O.V.

"And, Ariane." Wait? May iba pa bang Ariane dito? Second name ko yun ah. Sino yun?

"Ross Ariane, I mean." Sabi ni Ma'am V.

Sus Ross Ariane naman pala. Ma'am V talaga.

WAIT. ANO DAW?

"Ate? Ross Ariane ba name mo?" Tanong ng magandang babae na yun na nasa unahan ko naka upo.

"Ha? OPO." Bigla akong natulala. Hindi nga?!

AKO NGA! Ohmoo! Si Razle at AKO?! Totoo nga!

Tadhana?! Ang bait mo sakin ngayon ah. SHEMS. HAHAHA

Tumayo ako at pumunta na sa harap.

Kaming dalawa ni Razle sa harap. Sa kanan ako banda ni Ma'am V at siya naman sa kaliwa.

Lahat sila nakatingin saming dalawa. Parang matutunaw na talaga ako sa mga tingin nila.

"Okay class, etong dalawang toh' napahanga nila ako. Hindi ko na sasabihin kung ilan ang nakuha nila. Basta exempted na sila sa ipapa assignment ko ngayon." Sabay ngiti niya saming dalawa. Siyempre napalitan naman ng ngiti ang kabadong mukha ko kanina.

"Hindi naman kayo nagkopyahan, hindi ba?"

"HINDI PO!" Sabay na sagot namin ni Razle sa nakakagulat na tanong ni Ma'am V.

"Haha. Joke lang. You two, you did great." Langya! Grabe sa joke Ma'am V ha.

Pero. I CAN'T BELIEVE IT. Pinuri ako ng terror. Este. Mabait kong guro. Maganda siya kahit mataba! HAHA

Pinaupo niya na kami. Inunahan pa nga ako ng supladong malamig na lalakeng yun. Haysstt. Parang wala lang sa kanya. Siguro sanay na siyang mapuri. Pwes ako hindi.

Malaking bagay na ito sakin. At masaya ako kasi may natitira pa palang talino dito sa utak ko. Biruin niyo may stuck knowledge pa pala ako. Yehey!

Natuwa naman ako kasi halatang nasiyahan sa'min yung mga new classmates ko.

"Congrats Razle!"

"Galing mo Razle!"

"Waaaaa! Gwapo na! Matalino pa!"

HAHA Flattered ako dun ah! SOBRA! Kanya kanya puri yung mga classmates namin. OO kay Razle. R.A.Z.L.E.

NASAAN NA ANG HUSTISYA? GHAD. Dalawa po kami. Mga Pashnea!

Bahala kayo basta alam ko matutuwa talaga si tita sa AKIN. HAHA. AKIN LANG. Tss

Buti na lang talaga exempted ako. Ang hirap ba naman ng pina assignment sa kanila. Ang hirap kasi intindihin yung binigay ni Ma'am V na mga math problems.Tumingin lang ako ha pero sila sasagot nun. Nahirapan na agad ako. Pano pa kaya sila nuh? Hahaha *evil laugh*

Magdusa kayo. HAHAHA

Ayan class dismissed na kami kay Ma'am V.

Next subject ay Research kaya nasa Computer Room kami ngayon. Ganun parin yung seating arrangements namin.

Pagpasok ko pa lang sa room na yun napansin ko na agad ang malaking screen sa harap, may projector. Makikita rin ang napakaraming computers.

Mukhang mga bago nga lahat at kompleto sa gamit. Bawat computer ay may sariling headset, camera, at flashdrive na pwedeng gamitin. Parang nasa opisina ka dahil sa lawak ng room.

As The Teardrops Fall (REVISED and On GOING)Where stories live. Discover now