Chapter 11

100 20 2
                                    

(Dedicated to ConnSummers)

Chapter 11: The Return

JK's P.O.V.

Hanggang ngayon nakahiga pa rin ako dito sa kama ko. Nakalagay ang headset na naka full volume sa leeg ko. Hindi ako mapakali. Halos hindi ko nga marinig ang liriko ng kung anong kantang pinapatugtog ko.

Just shit. May kung sino kasing tumawag sa akin. "Meet me at the park or else something bad will happen to your best friend slash love?, Ross Ariane." Sa dinami-dami ng sinabi ng pakshet na lalaking yun. Eh yan lang ang natandaan ko.

Anong gagawin ko? Baka patibong lang ito or what? Sabihin ko kaya toh sa kanila? Nope. Hindi. Madadamay lang sila.

Eh paano si Ariane? Anong mangyayari sa kanya? Damn. Dapat ayusin ko ito. As soon as possible.

-------------------

"Hello, honey? Sigurado ka bang hindi mo na kailangan ng bodyguards dyan?"

"Yes dad, I can take care of myself. I'm not a baby anymore."

"Just call me if you need something. Okay?"

"Yeah, basta isure niyo lang na nakatransfer na kayo ng money sa bank account ko. I need to shop a little bit."

"Okay sure honey. Basta ingatan mo yang sarili mo. Bye love you baby."

"Bye dad. Love you too."

Muntik ko na talagang maitapon tong cellphone ko! Nakakairita si Daddy!

Naiinis na ako minsan sa kanya eh!

How many times do I have to tell him that I AM NOT A BABY ANYMORE!

Hindi na ako bata at higit sa lahat hindi na ako baby!

GOSH!
Nakakahaggard ng napakaganda kong face. After ng nakakalokang biyahe from U.S., finally. Nandito narin ako.

Paanong hindi ako maloloka? Eh, pinag-antay ba naman ako ni Dad ng halos 25 minutes bago ako makasakay sa aming private plane? Eh halos kalahating oras na yun!

Ayoko talaga sa lahat eh yung pinag-aantay ako eh! Hay naku, bakit ba parang masyado na akong mainitin?

I think, i need to relax muna. Para mas maging handa ako rito.

Pinabitbit ko na yung mga bag at gamit ko dun sa P.A. ko. Yep. That's right. My "Personal Alalay".

Eh si dad kasi plano ba namang padalhan pa ako ng isang batalyon na bodyguards. Syempre I refused.

Ikaw kaya? Anong pakiramdam na laging may mga nakabuntot sayo na nakasuot ng overall black na damit at shades, tapos may suot pa na wireless earphones?

My gosh. Good thing pumayag siya na P.A. ko lang ang kasama ko. Napaka overprotective niya talaga. Simula baby pa siguro ako ganyan na gawa niya sakin.

Eh ako ang nag iisang prinsesa nila eh. Pero I'm so happy na spoiled ako.

Lahat ng gusto ko nasusunod. LAHAT. And nobody or anything can stop me. PERIOD.

Papasok pa lang ako sa gate ng bahay. I mean mansion. Nakita ko na agad si Mommy. Namiss ko talaga siya. As in SUPER.

Eh halos two years din ako sa U.S. kasama si dad. May sariling house din kasi kami dun. At dun narin nagstay si dad para mas makafocus sa business ng family namin.

Si mommy naman mas pinili niyang dumito muna sa philippines. So that she can take care of our another business here.

Ngayon I've realized. Mas okay pala na tutok sila sa business kasi mas nakakalakwatsa ako. I can do whatever I want.

As The Teardrops Fall (REVISED and On GOING)Where stories live. Discover now