"Hear that, Megan? Lahat ay ikaw ang dahilan. Ganoon kalakas ang naidulot mo saakin. Hindi ko alam kung ano pang matitira sakin kung sakaling talikuran mo ako. Siguradong ubos ako, Megan. Ubos.."

Mariin akong pumikit at sumandal sa bintana ng kanyang kotse. Nanginginig ang mga binti ko. Nagdiriwang ang mga insekto sa tyan ko. Naghuhuramentado ang aking puso at hindi ko alam kung paano pakakalmahin ito.

"Hey..Meg. Wake up.." naalimpungatan ako nang may marahang tumatapik sa pisngi ko.

Nagkusot ako ng mga mata at tumingin sa labas ng bintana. Nasa parking lot na kami ng isang sikat ba mall. Pinagmasdan ko ang langit na kukay dark blue. Mag gagabi na pala.

Napatalon ako nang biglang bumukas ang pinto ng passenger seat. Nakalabas na pala si Kyle. Ni hindi ko man lang namalayan. Tinanguan ko sya at tinanggap ang kamay byang nakalahad.

Sinarhan nya ang pinto at pinatunog ang kanyang kotse. Nagsimula syang maglakad. Nauuna sya dahil sobrang bagal ko. Nakatingin lang ako sa kamay naming magkawak. Napalunok ako.

Huminga ako ng malalim at sumabay sa paglalakad nya. Ngayon ay feel na feel ko na talaga. Holding hands while walking, huh? Shiit.

Kahit noong papasok kami ng entrance ay hindi nya binitawan ang kamay ko. Kaya ang kinalabasan ay napapila ako sa pila ng mga lalaki. Pinagtinginan kami ng tao. Pero itong katabi ko ay parang may sariling mundo. Hindi nya parin binitawan ang kamay ko!

Paulit ulit at tahimik ko syang minura. Nakakahiya iyong kanina! Grabe! Baka ang isipin noong mga tao ay ako pa yung ayaw bumitaw! Tsk!

"Tapos ka na bang murderin ako?" Natatawang sabi nya. Napairap nalang ako.

"Saan ba tayo pupunta?"

Nagkibit balikat lang sya. Napasimangot ako. Kahit kailan talaga!

"Wala ka man lang plano?!" Madramang saad ko. Pero ngumisi lang sya at tinitigan ako.

"Wag kang ganyan. Mas lalo kang gumaganda sa paningin ko.." umiwas sya ng tingin at kitang kita ko ang bahagyang pag pula ng pisngi nya. Napanganga ako.

DAMN. SHIT. FUCK. BAKIT ANG GWAPO GWAPO NYA?! ARGHHH!

Umiwas nalang din ako ng tingin. Panigurado ay para kaming timang tingnan. Nakaharap ang ulo nya sa gilid at ako naman sa kabilang gilid. Magkaholding hands pa kami ah?

Ang awkward!

"A-ah, siguro sa arcade nalang tayo?" Suggest ko. Hindi masyadong awkward ang atmosphere sa arcade dahil maingay at masaya!

"Yeah. Let's go.."

Hinila nya ako papasok sa Quantum. Nilibot ko ang paningin ko para makahanap ng pwedeng laruin. Ngumuso ako at tinuro iyong mga puting bear na nasa loob ng glass. Ang alam ko ay kailangan mong kunin iyon gamit noong pangkuha sa loob. Mahirap daw to eh.

"Yun, Kyle. Kuhanan mo ako non."

Ngumisi sya at pumunta sa counter para bumili ng tokens. Nanlaki ang mata ko nang makitang halos isang plastic ang binili nya. What the..

"Ang dami naman nyan!" Tinuro ko iyong plastic na hawak nya. Sinimangutan nya lang ako at hinila patungo doon sa machine na tinuro ko kanina.

"Hold this, Meg.." Binigay nya iyong plastic ng token sakin. Umupo sya upuan sa tapat ng machine at kumuha ng limang token sa akin.

Tinagilid nya ang ulo nya at bahagyang nagbend para ihulog ang dalawang token. "Let me get this damn bear.."

Ang unang limang token ay naubos na pero hindi parin nya nakuha. Kumuha ulit sya ng sampu pero wala pa rin! Napanguso ako. Ang hirap nga nito. Tiningnan ko si Kyle na halatang frustrate na frustrate sa machine na kaharap nya.

Hindi ko naiwasang tumitig sakanya. Mula dito sa kinatatayuan ko ay naka side view sya. Lumunok ako. Medyo magulo ang buhok nya dahil sa pagka frustrate. Tapos yung mata nya, those long beutiful eyelashes. Ang matangos nyang ilong... napatitig ako sa ibabang lips nya dahil kagat kagat nya ito. Mariin akong lumunok.

Ang lalaking ito ay hindi tao. Isa syang anghel! O di kaya ay diyos na bumaba mula sa lupa! Masyado syang gifted! Nag uumapaw ang mukha nyang biyaya sa lahat ng babae! Nagsusumigaw ng perfection! 

"Fuck! Scam ba to?!" Sigaw nya ng hindi nya ulit nakuha sa panghuling subok nya. Napanguso ulit ako, nagpipigil ng ngisi.

"Sa iba nalang tayo, Kyle. Mahirap talaga yan.." nilingon ako ni Kyle. Tinitigan ko sya pabalik, nanatili akong nakanguso. Suminghap si Kyle at umiling. Kumuha ulit sya ng ilang
token at inihulog ito sa baba.

"No, Megan. I'll get that damn bear.."
Desidido nyang sabi. Niluwagan nya ang neck tie nya. Tumango nalang ako.

Bahala ka dyan, Buenaventura.

Sobrang lapit na ng mukha nya sa glass. Nanliliit na rin ang mata nya na para bang sobrang nag fofocus sya. Para bang pag inistorbo mo sya ay bigla syang sasabog dahil nawala sya sa concentration! Ganoon ang itsura nya!

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nagcoconcentrate sya dahil lang sa tedy bear na iyon? Dahil gusto ko? Shiit.

Napakagat ako sa ibabang labi ko ng hindi parin iyon nakuha ni Kyle pagkatapos ng ilang subok.

"Shit! Bibilhan nalang kita ng teddy bear, Megan. Yung malaki pa! This is insane!" Sabi nya at bahagyang hinampas iyong machine.

"Mas maganda kasi pag pinaghirapan."

Gusto kong batukan ang sarili ko. Saan ko nanaman napulot yon? Leche.

Nakakunot ang noo ni Kyle, pero agad din iyong napalitan ng buntong hininga.

"Then I'll buy this machine.." Lumingon lingon sya na para bang naghahanap ng pwedeng umassist sa kanya.

Nanlaki ang mata ko. "HUH?!"

Hindi nya ako pinansin at dire diretsong naglakad papuntang counter. Syempre ay sinundan ko sya.
Nahihibang na talaga sya! Anong pinagsasasabi nyang bibilhin nya ang machine na iyon? Aish! Baliw!

The Jerk's Possesion (Jerk's Series #1)Where stories live. Discover now