"Even if you hurted me, I still love you. I don't know how many days I count just to move-on." Huli kong sabi at lumabas na ng bahay, tinawagan ko si Alex para kunin ako sa condo niya. Iniwan ko nalang din ang susi kay Alex, mamaya.

Wala pang ten minutes ay nakita ko na ang kanyang kotse at kumayaw naman siya sabay baba tapos inlagay niya ang mga gamit sa kanyang trunk at binuksan ko naman ang shot gun seat. Sumukay na din si alex pagkatapos.

"So, saan ka pupunta? Do you want to eat first?"

Hindi pa din akong handang umuwi. Nakakahiya lang na lumayas ako para sa wala at lumaban ako para balewala. Lahat ay basura lang, walang kwenta ang mga sinabi ko, akala ko kasi magiging masaya ako kapag hindi ko sinunod ang sinabi ng mga magulang ko pero nawasak lang din naman ako eh wasak na wasak.

"Tapos nanaman ako kumain." Sabi ko, "Hindi ko din naman alam saan ako pupunta." Nanunuyo nanaman ang aking lalamunan, habang nagd-drive si Alex ay pinipigilan ko ang aking luha na tumulo.

"Si Zake lang naman kasi ang nasa isip mo eh." Hindi parin ako humarap at tahimik na umiiyak, "Crystal. Habang nasa loob ka pa ng kotse ko, ilabas mo na yung mga luha mo. After this, alam kong kakayanin mo na din. Hindi naman madaling magmove-on kaagad pero kung gugustuhin mo magagawa mo, umiyak ka manapak ka gawin mo lahat pero alam mo na ang limitasyon mo." Bigla nalang akong nag-break down sa sinabi ni Alex. Itinigil niya naman kaagad ang sasakyan at dun mas lalo akong nagbreak-down hindi ko parin maikalma ang sarili ko.

Hinagod-hagod lang ni Alex ang likod ko habang ako wala ng katapusang umiiyak, "I want this pain to die, S-sobrang s-sakit." Mas lalo pa akong umiiyak at pumapalo pa.

"Hush." Sabi niya, "Ilang babae na ang nakita kong pinaiyak ni Jader pero ito na yata ang nakakabuysit." Sabi niya habang umiiyak ako, "Gago talaga siya pero ngayon? Makakatikim na siya ng suntok ko. Ilang babae na ang nakita namin nila Marco na halos mamatay kakaiyak, pero ito... nakita namin 'yung sandaling pagmamahalan niyo, iba si Zake sa'yo pero hindi pala Damn that Asshole I will punch his face, bibili ako ng baril para lang sakanya!"

Nang nakakalma na ako ay tumambay na kami sa isang restaurant, tulala lamang ako doon.

"Eat, Crystal hindi deserve ni Zake na iniisip mo siya."

"Hindi mo din naman ako mapipigilan."

"Pero pwede mo namang itigil eh, mas lalo ka lang map-praning kung iisipin mo kumain ka muna para makaisip ka ng mabuti."

"Oo na. Kakain na ako,"

Pagkatapos naming kumain ay umalis na din kami dahil tinitignan na din kami ng tao dun, bakit ba kasi sikat sila? Putangina naman tong mundo nila ah!

"Saan naman tayo?"

"Punta tayo kung nasaan si Zake, ic-confirm ko lang na break na kami. Baka nandoon siya sa condo ni Mikaela kasi may nangyari yata sakanila."

"Crystal..."

"Diba tinatanong mo ako? Sinagot ko, sabi ko na pumunta tayo kung nasaan si Zake! Gusto ko na tapusin lahat, pwede ba?"

"Sure ka ba don? Hindi ka iiyak?"

"Hindi ako magmukmukhang kawawa, 'yun ang ipapangako ko. Tapos na akong umiyak kanina."

"Fine. Bahala ka kung anong gusto mo." Sabi niya, "Its just that baka hindi nanamin mapigilan mga sarili namin sa pagsapak kay Zake eh! He is a good person, Crystal ikaw pa nga lagi ang priority niya eh, tapos makikita ko na...shit."

Gusto kong magsisi si Zake pero hindi ko naman kayang makita na masasaktan siya dahil sa akin kaya sasaktan siya ng mga kaibigan niya. Hindi ko sila gagamitin.

Zake The Playboy Where stories live. Discover now