Extra chapter: Kite

5.9K 176 7
                                    

Break muna tayo sa kwento ni Demo. XD

/KITE/

Nakakagaan talaga ng pakiramdam malaman na hindi sila Tenyu ang nakakuha ng 1st rank sa legions war. Isang linggo na 'kong nag diriwang dahil sa pagkatalo ng Jinniuzuo, pero syempre hindi pa rin maalis sa isip 'ko yung impustor na 'yon!

"Oy Kit, masira naman yung screen ng 3DS sa kakadiin mo ng stick."

Nagiseng ang diwa 'ko sa pag tawag ni Dexter, at tama nga 'to nag karoon tuloy ng scratch na maliit yung screen.

Bumalik na muli ako sa paglalaro, nasa classroom kami ngayon at breaktime namin kaya free kami na kung anong gawin dito. Naka upo ako sa pwesto 'ko habang nag lalaro lang, sa gilid 'ko naman nag-uusap sila Dexter, Jiro at Lead.

Wala namang kwenta ang mga pinag-uusap nila na puro tungkol sa SSO bagong binabalita na Vrmmorpg ngayon, may mga balak ata mag beta ang mga loko.

Hanggang ngayon stuck pa rin ako sa nilalaro 'ko at ang magandang araw 'ko napapalitan ng pag kairita.

"Paano mo malalaman na gusto ka ng babae?"

Napahinto ako sa pag pindot sa narinig 'kong sinabi ni Jiro, anong kinalaman ng babae sa kanina nilang pinag uusapan?

"Hmm... May mga sign!"

"Sign?" Sabay-sabay namin sabi ni Dex at Jiro.

"Si Kit nagkaroon ng pakialam sa'tin ngayon." Pang aasar ni Dexter, umiwas lang ako ng tingin pero ang focus ng pakikinig 'ko ay nasa kanila pa rin.

"Ano ba kayo mga loko, sign katulad ng---"

"KITEE!"

Nahinto sa pagsasalita si Lead ng biglang may sumigaw bandang pinto, ano nanaman kailangan nito?

"Klemento! Sino nag sabi sayong tapos na tayo!" Bumukas muli ang pinto at kinaladkad na nito pa labas ang loko.

"KITE MAMAYA SA LIBRARY, UWIAN!" Ang ingay niya talaga.

"Isang sign yun." Napabalik muli ang mga paningin namin 'kay Lead ng muli itong nag salita.

Paanong naging sign yun? Hindi 'ko maintindihan mga pinagsasabi nitong loko na to.

"Sign? Dahil ba yun sa habang nagkwekwentuhan tayo about sa ganun at suminggit si Klement at tinawag niya si Kit?" Si Dexter, anong koneksyon nun?

"Tukmol!" Biglang kinutusan ni Lead si Dexter. "Ang sinasabi 'ko ang inasta ni Lara! Walang kinalaman si Kit dito."

"Anong meron sa tutor ni Klement?" Pagtatanong 'ko muli.

"Isa siyang tsundere! Ang tsundere in-eexpress nila ang pag mamahal nila gamit ang pagiging sadista. Sa asta ni Lara makikita mo naman na mahal na mahal niya si Klement." With feelings nitong sinasabi, at tumatanggo-tanggo pa.

Ibig sabihin may gusto si Lara 'kay loko, hindi 'ko alam na may nag kakagusto pala sa lokong yun. May silbi rin pala si Lead kahit papaano sa mga ganitong bagay.

"So lahat ng galos na natatamo ni Ment 'kay lara sign ng pag mamahal yun?" Tanong muli ni Jiro.

"Yeah!" At nag thumbs up pa ito habang ngiting-ngiti.

"Paano naman yung sinusunggitan ka nung gusto mo? At iniisnob ka? Sign din ba yun?" Tanong muli ni Jiro habang kumikinang-kinang ang mga mata.

"Basta na fefeel mo ang pagiging sadista niya at nag papaka masohista ka sign nga yan bro!" Sabay akbay ni Lead 'kay Jiro.

Hindi na namin natuloy ang pag uusap dahil sa pag dating ng teacher dahil tapos na ang breaktime namin. Nag turo na 'to at sa sandaling oras na yun nakalimutan 'ko ang pagmumukha niya, pero ngayon naalala 'ko nanaman!

"Natapos din, tara na Dexter mag huhunting pa tayo ng girls." Sabay akbay ni Lead 'kay Dex.

"Sama 'ka sa'min Kit?" Tanong naman ni Dex.

"Nah, pupuntahan 'ko pa si Klement. Kayo nalang sige." Sabi 'ko at lumabas na ng room, kasabay 'ko maglakad ngayon si Jiro sa hallway.

"Hindi ka sasama sakanila?" Tanong 'ko rito.

"Pupuntahan 'ko pa si crush eh, tsaka hindi 'ko na kailangan mag hunting dahil siya lang sapat na."

Mukhang adik na adik 'tong si loko sa babaing yun ah. Kahit naman sino ata sa'min magiging kasing sabik ni Jiro dahil una sa lahat 7-9hrs na nasa loob kami ng iskwelahan na ito na puro ka-uri namin ang lagi namin nakikita at mga babaeng mga titser lamang, si Lara naman ni walang may gustong lumapit dahil sa pagiging mataray at amazona. All-boys school nga 'to, at kung bakit nakakapasok si Lara dahil private tutor siya ni Klement pero isang taon lang ang tanda ni Lara rito. Dumiretso na ako sa library at si Jiro naman lumabas na ng school.

"Ilang beses 'ko bang uulitin na mali ginagawa mo!" Narinig 'ko na ang malakas na hampas ng ruler ni Lara.

"E, kahit anong gawin 'ko hindi lumalabas yung tamang sagot." Maiyak-iyak na sagot ni Klement.

Umupo ako rito, malapit lang sa lamesa nila. Nilabas 'ko nalang muli yung 3DS 'ko at nag laro habang nakikinig sa sermon ni Lara.

"Paano lalabas kung mali ang ginagawa mo! Sampung beses 'ko na 'tong in-explain, kailan ba gagana yang utak mo!"

Ang totoo niyan kahit ang mga bantay dito sa library ay takot 'kay Lara kaya hinahayaan nila itong mag ingay lang at hindi sinisita.

"Ah, Kite! Sabay na tayong umuwi."

Napatingin ako sa gawi nila ng bigla bigkasin ni Klement ang pangalan 'ko, dinampot na nito ang bag niya at akmang tatayo na ng bigla itong inupo ni Lara ng pwersahan, at kinamot niya ang pisngi ni Klement ng matulis niyang kuko.

Wala akong nagawa kundi hintayin silang dalawa matapos, at ganun din si Klement dahil kung susubakan niya muling tumakas hindi lang kalmot matatamo niya. Tatlong oras bago sila na tapos dalawa.

"Kailan kaya ako uuwi sa bahay na walang kalmot sa mukha." Sabay buntong hininga nito.

Magkasabay na kaming nag lalakad pauwi, gabi na rin sila natapos. Si Lara naman may sumundo sakanyang sasakyan.

"Wala ka na talagang balak bumalik sa Tianxiezuo?" Sumeryoso na ang boses nito.

"Wala na."

"Then I'm not going to hold back, when we meet in battlefield."

"Who told you to hold back?" Seryoso 'kong sabi habang nakafocus sa kalye ang paningin 'ko.

"Nah." Tumawa ito at ginulo ang buhok 'ko.

Zodiac War Online: Shizizuo (ZowaN)Where stories live. Discover now