Nerdy Glasses 17

4.5K 78 26
                                    

                     Dedicated na lang sa lahat ;) Enjoy

Nerdy Glasses 17

[Sophie POV]

Nakarating na ako sa condo ni eya na hindi pa rin mawala sa isip ko kung sino yung kasama ni maddi kanina. Kilala ko si maddi hindi yan basta-basta sumasama sa kung sinu-sino lang at lalo na sa isang lalaki, kung sino man ang lalaki na yun ay wala na akong paki-alam. Dahil sasakit lamang ang ulo ko sa kakaisip kung sino man iyun pwede ko naman tanungin si maddi tungkol dun, ang problema kung sasabihin ba nya sakin ni maddi iyun?. Si maddi kasi yung taong maraming lihim sa buhay, dinaig pa ata nya ang isang baul sa dami ng sikreto sa buhay (-___-)

“hhuuhh” napa-iling-iling akong pamunta kay eya nang marinig ko ang ungol ng pag iyak nya. Tss kailan kaya ito makakapag-move-on sa crush nya? at magbalik sa kanyang katinuan para naman mabayaran nya na ako ng buo sa pagsira nya sa bar ko. Aba’t ang laki kaya ng nagastos ko dun para lang magawa yung mga damages and properties ko at isama mo na rin  yung mga nabugbog  sa mga bouncer ko (-___-)

“Drink this.” Sabay kong abot sa kanya ng isang basong tubig matapos ko syang alalayan maihiga ang ulo nya sa headboard ng kama nya.

“Kukuha lang ako ng bimpo at maligamgam na tubig ok. Wag kang aalis dyan!” Talagtang pinagdi-inan ko ang salitang WAG KANG AALIS DYAN baka kasi takasan na naman ako nyan. Ng nakakuha na ako ng kailangan ko para mapunasan ko na sya laking gulat ko na lang ng Makita ko syang umi-iyak ito yung pangalawang beses na Makita ko syang umi-iyak matapos yung pang gugulo nya sa bar ko.

 

“S-sophie.” Tawag nya sa akin sa pagitan ng hikbi nya, Agad akong napalapit sa kanya.

 

“Yes?” sagot ko habang sinisumulan kong punasan ang braso nya.

 

“I-im Ge-getting Ma-married.” Natigil ako sa pag punas sa braso nya dahil sa sinabi nya at tuluyan na syang napaiyak talaga ng sabihin nya iyun.

“What? When? Alam ba nito nila tito and tita? Buntis kaba? Sino sya?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Alam kong OA itong pag react ko pero Iike duh! Si eya magpapakasal na! Kaya pala ganyan na lang sya makapag-drama sa buhay ngayon.  Siguro kung ako rin ang nasa kalagayan ni eya ay mas matindi pa dyan ang gagawin kong pag da-drama.

“Ang dami mo naming tanong, pwede isa-isa lang mahina ang kalaban oh.” Sabi nya sa pagitan ng pag hikbi nya habang pinupunasan ang mga luha nya. (-____-)Hindi ko alam kung sinadya nya yung sabihin para lang mabawasan ang lungkot nya o talagang wala sa isip nya na sinabi yun.

Behind My Nerdy GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon