Chapter 10||Tension

87 8 0
                                    

"BABE!" untag sa kanya ni Jason.

"What?" nagtatakang tanong niya rito.

"Kanina pa ako nagsasalita, hindi ka sumasagot. Ano bang iniisip mo?" seryosong tanong nito.

Hindi siya sumagot at tumingin sa labas. Nasa parking sila ng Starbucks hindi kalayuan sa school nila.

"Bakit nandito tayo?" naguguluhang tanong niya rito. Wala na din sina Keifer sa loob ng sasakyan. "Where are they?" tanong ulit niya na tumingin sa entrance ng coffee shop. Doon niya nakita na papasok din si Liam.

"So, hindi mo nga naririnig ang pinag uusapan at ang pinagsasabi ko kanina?" naiiritang sabi nito sa kanya. "Ano bang iniisip mo at sobrang lalim yata para alin man sa mga sinabi ko ay wala kang narinig?" galit na tanong nito na hinarap siya.

Hindi siya nakasagot. Ganoon pala na kalayo ang tinakbo ng isip niya. Nang dahil lang sa titig na iyon ni Liam, naalala niya na naman ang nakaraan.

"Dahil ba kay Liam, ha?" galit na tanong nito. Hinablot ang braso niya paharap dito.

"Huh! Ano bang pinagsasabi mo?" kaila niya rito.

"Don't try to deny it. Nakita ko ang titigan niyo kanina. And you never did it to me. Bakit ha? Is he good enough? Is he better than me?" galit na galit na sabi nito habang hawak ng mahigpit ang dalawang braso niya.

"Bitiwan mo nga ako! Ano ba? Nasasaktan na ako sa ginagawa mo." saway niya rito habang pigil ang ang dalawang kamay nito na nakahawak sa braso niya.

"Is he the reason why I can't get through more than just a smack kiss from you?" nanggagalaiting sabi nito.

"What are you talking about? You know the reason, I am too young for such an intimate act."

"Too young? Your past eighten years old, Alessa. Meaning, you are no longer a baby."

"Whatever!" naiinis na sagot niya rito. Hindi nila kailanman pinag - awayan ang ganun. Hindi niya din alam bakit hindi niya magawang lumagpas sa smack kiss lang ang kaya niyang ibigay sa kasintahan. Mahal niya si Jason. "Mahal mo nga ba?" sabad ng konsensiya niya.

"Hindi si Liam ang dahilan, huh? So, can I kiss you now? A real one at hindi iyong dampi lang." hamon nito sa kanya.

"Please, let's just stop this conversation. Bumaba na tayo at baka inaantay na din nila tayo." malumanay na sabi niya rito saka niyuko ang seatbelt at tinanggal.

"It's really Liam!" sigaw nito.

"Don't be such a child Jason! Gather your act together and let's get out." sabi niya rito.

"No!" galit na sabi nito at pinigilan ang tangka niyang pag bukas ng door knob ng sasakyan.
Hinarap siya nito at hinalikan.

Pilit siyang nagpupumiglas dito. Kung kaya't sa halip na sa labi ay sa pisngi niya tumama ang halik nito. Tumigil ito at nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya.

"We've been together for three months now! Pero ang kaya mo lang ibigay sa akin ay smack. You don't even hold my hands in public. You won't even let me hold your waist. What am I to you, Alessa? A boyfriend or just a companion?" seryosong sabi nito.

Hindi siya makasagot. Totoo ang mga sinabi nito. It is so unfair for him. Other couple of their age, hold their hands. Isinasandal ang ulo sa balikat ng boyfriend. Let them carry their bag. But not them. Akala niya ay okay lang din iyon dito, pero sa inasal nito ngayon mukhang pinagbibigyan lang din siya.

"Ni hindi mo man lang ako titigan ng katulad ng tingin mo kay Liam kanina. Don't you think, I did not notice that? Magkaibigan lang ba talaga kayo? Magkaibigan lang ba talaga ang parents niyo? O may namagitan sa inyo?" tanong pa din nito na sa pagkakataon na iyon ay sumandal na ng upuan pero nakakuyom pa din ang mga kamao.

Alam niya na ngayon kung bakit. Alam niya kung bakit hindi niya magawang mag give in sa kasintahan.  Hanggang ngayon naroon pa din ang apoy na iyon para kay Liam. And she feel guilty towards her boyfriend.

"Babe, please!" lumapit siya rito at sumandal sa balikat nito. Hindi ito sumagot at nag - buntong hininga. "There is nothing between me and Liam. Noon at ngayon! So, please let us stop this argument." malambing na tingala niya rito.

Hindi ito sumagot sa halip ay niyuko ang labi niya at hinalikan nito. Pinigil niya ang sarili na umiwas. Karapatan nito iyon dahil boyfriend niya ito. Hinayaan niya na tumagal ang halik na yon, ngunit umiwas din ng maramdaman na lumalalim na at umaakyat na ang kamay nito sa likod niya.

"Opps!" sabi niya na lumayo dito.  "Shall we?" aya niya ulit dito. Tiningnan ang sarili sa salamin. Nang makitang nawala ang lipstick. Kinuha ang lipstick sa bag at naglagay ng sapat lang. Kinuha din ang press powder at nag re - touch.

"How do I look? Hindi ba ako mukhang kakagaling lang sa halik?" tudyo niya rito. Natawa naman ito sa sinabi niya at bumuntong - hininga.

"Waah! Give me a minute, babe! To get back to normal." sabi nitong sunod sunod na huminga. Tiningnan niya ang mukha nito at sinipat kung may lipstick. Bagama't walang nakita ay kumuha pa din siya ng tissue at pinunasan iyon. "Making sure ha?" tudyo nito sa kanya.

Tumawa na lang siya. Salamat naman at nawala na ang galit nito. Ipinangako sa sarili na iiwasan si Liam kahit anong mangyari sa di obvious na paraan.

"Let's go!" sabi nito at pinatay ang makina ng sasakyan. Sa tantya niya ay limang minuto lang naman sila nagtagal sa sasakyan. Sinulyapan ulit ang sarili sa salamin bago bumaba.

Nauna na itong pumasok sa loob habang siya naman ay nakasunod dito.

"Java chips grande with added caramel syrup on top and one ham and cheese crossant for me." aniya sa kasintahan pagpasok nila sa loob. Hindi na niya inantay na sumagot ito at dumiretso sa pwesto ng mga kaibigan.

Umupo siya sa tabi ni Keifer. Hindi pinansin ang nanunuring tingin ni Liam.

"What took you so long?" tanong ni Keifer sa kanya.

"Tumawag si mommy noong pababa na ako." kaila niya nakayuko habang nagsasalita. Nagkukunwaring inaayos ang pagkakaupo at ang bag sa harap.

Pag - angat niya ng tingin ay nasalubong niya ang mga mata ni Liam. Alam niya na alam nito na nagsisinungaling siya. Ngumiti siya rito para iwaksi ang kung anumang nasa isipan nito. Ngumiti din ito pero halatang pilit lang.

"So, anong plano?" tanong ni Creep sa lahat. "Isn't it good to celebrate? Let's have a tofu dinner for Moodee." panunukso nito kay Moodee.

"Sure! My treat!" sang - ayon naman nito.

"But, we have to go home before seven, right?" sabad ni Keifer.

"Tatawagan ko na lang si Tita, sabihin ko maya pa tayo uuwi." sagot naman nito.

"Pero hindi si mommy ang nagpapauwi sa atin ng maaga, your mom."

"Then, I'll call mom!" nakangiting sagot nito kay Keifer.

Hindi na ito sumagot. Nang dumating si Jason ay umupo ito sa arm rest ng couch na inuupuan niya. Kinabig nito ang ulo niya pasandal sa tagiliran nito. Tatanggi sana siya ng maramdaman niya ang pagpisil nito sa balikat niya. Kung kaya't hinayaan niya na lang ito.

Ayaw niya dito pa ito magalit at baka kung ano pa ang mangyari. She didn't like arguments at any kind. Lalo na ang physical arguments. Napabuntong hininga na lang siya. Inabot ang inumin na inabot nito at tahimik na sinipsip iyon.

Ramdam niya ang titig ni Liam sa kanya, kung paanong ramdam niya din ang inis na namumuo sa katawan ng kasintahan. Iniiwas niya ang tingin kay Liam at isinandal na lang katawan sa katawan ng kasintahan. Humarap na lang siya kay Keifer.

My Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon