Chapter 6||Memories

113 4 0
                                    

AGAD na lumapit si Jason sa kanya ng makita sila nito. "I'm sorry baby if it took us long." sabi nito sa kanya saka siya hinapit sa bewang palapit dito.

Nagtataka man sa inasal nito na kahit minsan ay hindi ginawa sa harap ng ibang tao ay hinayaan na lang niya. Kalimitan ay maingat ito sa mga kilos na siyang ipinagpapasalamat niya. Ayaw niya ang public display of affection or PDA. Kahit nga holding hands ay hindi niya gusto. Una dahil mga bata pa sila, nineteen lang siya samantalang ito naman ay twenty one na.

Ganoon pa man ay pasimple niyang tinanggal ang kamay nito sa bewang niya at lumapit kay Keifer. "Let's go girl! Time to go home."

"Wait lang! Wala pa si Moodee! Sabay sabay na tayo." pigil nito sa kanya ng akma niya itong aayain sa sasakyan.

"Don't worry Keifer, sa akin ko na isasabay si Moodee. Susunod na lang kami sa inyo." sambit ni Liam ng mag - alinlangan si Keifer. Tumingin siya rito at nagulat siya sa reaction ng puso niya ng tumitig ito sa kanya.

Parang ang lalim ng tingin nito. At parang kahit magsalubong lang ang mga mata nila ay nag - uusap na. Na para bang nagkaintindihan sila na huwag mag alala si Keifer at ito na ang bahala kay Moodee.

"Sure?" mahinang tanong nito kay Liam bagama't narinig niya din dahil katabi niya ito at sa kabila naman nito si Liam.

"Yes!" assurance ulit nito saka ngumiti.

"So, let's go?" akag niya ulit dito. "We'll wait for him sa school kaya 'wag ka ng mag - alala. Liam will keep his promise, right?" baling niya kay Liam na tumango. Kumabog ulit ang dibdib niya ng tumitig ito sa kanya. Siya na ang unang nagbaba ng tingin dahil pakiramdam niya ay nanghihina siya sa titig nito.

"Let's go babe!" nagulat pa siya ng hawakan ni Jason ang kamay niya at hilain na siya papunta sa passenger area ng sasakyan nito.

Gustuhin man niyang lingunin si Liam at magpaalam dito ay hindi na niya ginawa. Nag - aalala siya na baka mapansin nito ang nararamdaman niyang kaba sa titig nito.

Sumunod na din sa kanila sina Keifer, Psyche at Creep na kasabay ulit nila sa sasakyan. Habang si Moodee at Liam ay sa sasakyan ng huli na Nissan Patrol. At si Momoy naman ay sa Ford Mustang nito.

Habang daan ay tahimik lang din siyang nakatingin sa daan. Iniisip niya pa din ang pagkabog ng dibdib niya kanina. When was the last time na naramdaman niya ang damdamin na iyon?

LAST Saturday na ng overnight nila. Pina - finalize na nila ang project nila para sa boot camp. Electrolysis ang theme na napagkasunduan nila since iyon ang sa tingin nila edge nila sa ibang group. Una dahil tatlo sa grupo nila ay Electrical Engineering ang course, tapos siya naman ay Chemical at si Liam ay Civil. Iyong tatlo nilang ka - grupo ang naka - assign sa electrical wiring or anything that involves electricity or current. Liam for the design while she's of course assign for the chemicals and analysis.

Napagkasunduan nila na magkita sa Mcdo Gil Puyat bago sabay - sabay na pumunta sa bahay ni Liza - ka grupo nila na nakatira sa San Andres Manila. Nauna siya sa tagpuan. Mga tatlong minuto na siyang nag aantay ng mamataan niya si Liam na papasok. Kinawayan niya ito at nakakunot pa din ang noo na lumapit sa kanya.

"Hi!" bati nito sa kanya saka umupo sa tapat niya. "Kanina ka pa?"

"Nope! Three minutes pa lang."

"Sinong naghatid sa'yo dito?" tanong nito sa kanya.

"Si Tatang Domeng, my driver. Ikaw?"

"I have my car." sagot nito sa kanya. Ahead nga pala ito sa kanya, third year na ito samantalang siya ay first year pa lang. "Order tayo, while waiting for them."

"Sure!"

"What would you like to eat?" tanong nito sa kanya na tumayo na. "My treat!" mabilis na sagot nito ng akma siyang kukuha ng pera sa wallet niya.

"Burger will do." nakangiting sagot niya rito. Gentleman as always. Iyon ang napansin niya rito. Gentleman pero parang rough. "And ice tea for drinks."

"Yes, Ma'am!" nakangiting sabi nito saka sumaludo.

Natawa siya sa inasal nito na ginatihan din nito ng mahinang tawa bago tumalikod papunta sa counter. Nakangiti pa din siya habang nakasunod ang tingin dito.

At dahil nga burger meal lang naman ang order nila ay bumalik agad ito sa mesa nila makalipas lang ang limang minuto. Dahil na din hindi masyadong madami pa ang tao.

"Here's your order, Ma'am!" nakangiting sabi nito bago nilapag sa tapat niya ang cheese burger at large fries sa harap niya. "And sundae for your fries."

"Paano mo nalaman, aber!" nagtatakang tanong niya rito. Hindi niya alam paano nito nalaman ang combination niya ng fries at sundae.

"We've been doing the project for almost two weeks now. And I noticed that whenever we have some snack - Jolibee, Mcdo, Wendy's, Burger King - you always have an ice cream along with your fries." simpleng sagot nito.

"Ah! I see! Thank you." pasasalamat niya dito. "By the way, ahead ka sa amin di ba? Bakit ngayon ka lang kumuha ng Chemistry 2? Don't tell me, you failed the first one?" tukso niya dito. Bagaman duda siya na bumagsak ito.

"I just don't like the subject. I skipped it since its not part of any pre - requisite subjects of my course. I took it this sem, since I have no choice but to enroll it anyway." paliwanag nito.

"I see. Akala ko binagsak mo." tukso niya pa din dito.

"I may not like the subject but I will not fail it." confident na sagot nito nahalatang ginagantihan ang panunukso niya.

They chatted about the project, about personal life. At nalaman niya na ang mommy nito ay Doctor samantalang ang Daddy naman nito ay isang businessman. Malalaking hardware sa Manila at Quezon City at part owner din ng isang construction firm sa bansa. Kung kaya naman Civil Engineering ang naisip nitong kunin na kurso para daw ito na ang pumalit sa Daddy niya bilang tagapag mana ng Construction Firm.

Nang dumating ang dalawang kasama ay sakto namang tapos na silang kumain. Nagtake out na lang ang mga ito. Saka sila lumabas na para pumunta na sa bahay nina Liza.

My Secret LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant