Chapter 1||The Start

760 8 0
                                    

NAPAPITLAG ng bahagya si Alessa nang maramdaman ang vibration ng cellphone niya na nakalagay sa bulsa ng pantalon niya. Hinantay niya muna na tumalikod ang professor nila sa Physics 2 bago ito pasimpleng kinuha at inilagay sa pagitan ng mga hita saka binuksan ang mensahe.

"Sis, nasa klase ka pa? May emergency...kay Moodee." ito ang text ng kaibigan na si Keifer. Magreply sana siya ng biglang humarap ang professor nila kung kaya't pasimple niya ulit itong isinilid sa bulsa.

Tumingin siya sa relo sa kanyang braso, may nalalabi pang kalahating oras bago matapos ang klase nila. Kung sa ibang professor okay lang ang magtext, kay Sir Malab ay hindi ito pupwede. Tinagurian itong "terror professor" sa school nila. Sa katunayan, noong unang linggo ng semester ay thirty pa sila sa klase pero bago pa man matapos ang unang linggo ay lima agad ang nag drop out. At ngayon ngang kalahati na ng semester ay kalahati na lang din sila sa klase. At kahit siya at ang mga kaibigan ay gusto na ding mag drop out noong una, pero naisip nila na baka pakana lang ng mga estudyante iyon. Ngunit napagtanto din nila na hindi iyon kathang isip lamang ng mga estudyante, he's really living with his name. But on the other side, you tend to learn from him.

She hated Physics whith capital "P"! She can cope on with other areas of Physics but not the "electronics part" - series and parallel, specifically Kerchoffs Law. Nagagamay niya pa ang series pero nang pinagsama na ang series at parallel, ay grabe hirap na hirap na siya. Or maybe because she's more into chems as she's taking up BS in Chemical Engineering. Pero ganoon pa man nagpapasalamat pa din siya dahil top 2 siya sa klase nila.

"That's all for today! Class dismissed." Napapitlag siya ng sabihin iyon ng professor nila. Tila wala siyang naintindihan sa lesson nila ngayon dahil lumipad na ng husto ang isip niya. Dali - dali siyang nagligpit ng notebook at libro, saka ito isinilid sa loob ng bag.

"Guys, una na ako sa inyo, may emergency lang." paalam niya sa mga kaibigan.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ng kaibigan at kaklase na si Irene.

"Di ko pa alam, nagtext lang si Keifer. May emergency daw kay Moodee." sagot niya dito habang sinusuklay ang buhok. Saka kinuha ang polbo at nag polbo saglit.

"Si Moodee? Baka may binugbog na naman." sabad naman ni Afons. Kapatid ito ng ka - brod niya na pulis na ngayon.

"Hindi naman siguro." sagot niya rito saka isinukbit na ang bag sa balikat. "Paano? Una na ako sa inyo, ha?"

Hindi na niya inantay na sumagot ang mga ito at dali - dali ng tumayo at naglakad palabas ng classroom nila. Habang naglalakad ay dinial ang number ng kaibigan. Tatlong ring bago nito sinagot ang tawag niya.

"Nasan ka?" bungad na tanong niya agad dito.

"Tambayan, nagmi - meeting." pabulong na sagot naman nito.

"Ok, sige." sagot niya rito saka in - end ang tawag ng hindi hinihintay ang sagot nito.

Nagmamadali na siyang naglakad pababa ng hagdan. Malapit lang naman ang tambayan nila. Nasa loob mismo ito ng campus, sa may study area mismo. Inuukupa nila ang dalawang study table sa bandang gitnang dulo malapit sa bookstore. Hindi man nila iyon minarkahan o di kaya'y inaring kanila pero parang ganoon na din. Walang nagtatangkang umupo doon na ibang estudyante maliban sa grupo nila.

Mayroon kasi silang organization or samahan ng mga estudyante na lahat ay taga Makati o mas kilala sa tawag na ASAM (Alliance of Students from Makati). Kung hindi naman ay tumira o may kamag anak na taga Makati. A recognized organization or fraternity (as what other students assume). Karamihan ng miyembro nito ay may sinasabi sa pamilya, from middle class to upper class family.

Ang grupo nila ang kauna - unahang nagtayo ng ganitong samahan bago nagsunuran ang mga taga ibang lugar. At ang pinaka mahigpit nga nilang katunggali ay ang mga taga - Quezon City at Manila. Kung saan nakatayo ang dalawang sangay ng eskwelahan nila, EAK (pronounce as Iyak) University. The name was taken from the wife and children of the owner - Esmeralda, Alfredo and Kristina.

She was actually against in joining such organization but curiosity kills her. Aside from the fact that his boyfriend is the current President of the organization. Hindi niya alam ang tungkol dito noong una, nalaman niya na lang ito noong sila na.

Curiosity, because she couldn't understand why there are students joining them. She was really terrified during the initiation. She thought that initiation is just a word of mouth to creates thrills but it was really true. She actually had bruises from that initiation. Literal na nagkulay talong ang likod ng mga hita niya. Sa katunayan, nang aksidente itong makita ng Daddy niya ay akala niya mabubuking siya. Buti na lang iyong babang bahagi lang ang nakita dahil na din naka short siya noong time na yon. At mabuti na lang ay pinaniwalaan nito na na out of balance siya at tumama sa gilid ng kama.

"Oh, ayan na pala si Alessa." bungad ni Ajan ng makita siyang palapit.

Tumango lang siya at tumabi sa upuan na bakante sa tabi ng boyfriend na si Jason. "Anong nangyari?" bulong niya sa kasintahan.

"Nakakulong si Moodee. Di pa namin alam kung anong totoong nangyari. Nagtext lang si Lance." ganting bulong nito sa kanya. Si Lance ay ang ka brod din nila na miyembro din ng Gamma, isang fraternity na hindi lehitimong rehistrado sa school nila. Ganoon pa man, karamihan ng miyembro nito ay anak ng mga Abogado, Doctor, Engineer, Accountant, Businessman, may pwesto sa Gobyerno o mga anak ng politician. Ang grupo nila bagama't rehistrado ay baby organization ito ng Gamma. At si Moodee ang kanilang Chairman o Founder na miyembro din ng Gamma, anak naman ito ng negosyante.

Hindi na siya kumibo ulit at nakinig na lang din sa plano. Kasama sa plano ay kung paano mailalabas sa kulungan si Moodee at kung sino sino ang pupunta.

My Secret LoveWhere stories live. Discover now