Chapter 5||Unrequited Love

143 3 0
                                    

NAKATINGIN pa rin siya dito nang mapansin ang pag - angat ng ulo nito. Marahil naramdaman na may nakatingin dito. Pasimple na hinithit ang paubos na yosi at kunwari lagpas ang tingin sa mga ito. Nakakunot din ang mga noo niya na tila ba naiinitan.

Nakikita niya sa peripheral vision niya na kumakaway ito. Inantay niya ang pangalawang tawag nito bago kunwari saka lang niya ito napuna.

"Alessa? What are you doing here?" patuloy na pagpapanggap niya.

"Liam, join us." nakangiting sabi nito sa kanya.

Itinapon niya muna ang yosi na paubos na din bago dahan - dahan ang lakad na lumapit sa mga ito. Nakakunot pa din ang mga noo niya.

"Kasama ba kayo nila Jason?" tanong niya pa din sa mga ito kahit na alam na niya ang sagot.

"Yes! But they don't want us to be inside." sabi nito. "Kumusta si Moodee? Is he okay?"

"He's fine but as I talked with the complainant it seems that they won't give in easily. We wanted not to let the old folks know, as much as possible. Pero matigas ang nakalaban niya." sabi niya sa mga itong umupo sa isa sa ugat ng puno katapat ng bench na kinauupuan ng dalawa.

"What happened?" tanong ni Keifer sa kanya. "Katext ko pa siya kanina, papunta na siya sa tambayan namin para sunduin ako. Tapos nagulat ako, ganoon na ang nangyari."

"Ang alam ko nga din susunduin ka, kasi siya daw ang maghatid sa'yo dahil wala kang sasakyan ngayon. Tapos nalaman namin kay Lance, dinampot daw si Moodee ng mga Pulis habang naglalakad papunta na sa building ninyo."

"Anong dahilan bakit siya dinampot?" tanong ni Alessa sa kanya.

"May binatukan daw na estudyante, anak pala ng Chief of Police dito. Nagsumbong sa tatay, kaya ayon dinampot si Moodee."

"If I am not mistaken, that's illegal right? They can't just do that without a warrant." nakakunot ang noong tanong nito sa kanya.

Nakatitig ito sa mga mata niya. Gusto na niyang hilain ito at halikan. Tila napakalambot ng mga labi nito. Kahit ang mga kamay nito ay napakalambot at hindi niya iyon makalimutan simula noong nakipagkamay siya dito.

"I think so!" sang - ayon niya dito.

"So, anong gagawin natin. I can't tell Tita about his situation, right now. They actually called a while ago. They were asking how long will it take for us to get to the house." nag - aalalang sabi ni Keifer. Kahit saan niya tingnan, tila may pagtingin ang dalawa sa isat - isa - si Moodee at Keifer. Pero ang hindi niya maintindihan, bakit may ibang girlfriend si Moodee.

"Don't worry, Keifer! As we don't want to let the old folks know about this though, I called Momoy and asked for his dad influence." Si Momoy ay ang kaibigan niya at ni Moodee na anak ng General.

"Anong sabi ni Momoy?" agad na tanong ni Keifer sa kanya.

"Papunta na siya. In fact, kaya ako lumabas para hinatayin siya. Traffic lang daw, pero sabi niya nasa Quiapo na daw siya."

"Iyon naman pala! 'Wag ka nang masyadong mag - alala sis. All will ends well, okay?" baling dito ni Alessa habang hinahagod ang likod nito. He bet, Alessa feel what he felt for the two. Lihim na nagmamahalan ang dalawa pero hindi inaamin.

Parang siya, mahal niya si Alessa noon pa pero kahit kailan ay hindi siya nagkalakas ng loob na sabihin iyon sa kanya. Kahit na napakarami niya nang pagkakataon na gawin iyon. Naunahan pa tuloy siya ni Jason na kaibigan at kaklase niya din.

Kung sana ay hindi niya itinago ang nararamdaman dito. Si Jason na inaaya niya lang sa canteen ng Esmeralda Hall dati para doon kumain at nang makasulyap saglit dito. Si Jason na ipinakilala niya lang dito nang minsan ay makita siya na nakatingin dito.

Napangiti siya ng mapait nang maalala ang kaduwagan. Sana siya ang kasama nito lagi. Sana hindi niya ito hinayaang sumali sa organization. Sana siya ang nakakayakap at nakakahalik dito. Sana siya ang naghahatid dito kahit ang alam niya ay hindi naman ito naihahatid ni Jason.

"Why?" nagulat siya ng magtanong ito.

"What?" balik na tanong niya rito. Hindi maintindihan kung para saan ang tanong nito.

"Ang lalim ng buntong - hininga mo tapos parang sarkastiko ang ngiti mo." sabi nito na matiim na nakatitig sa kanya.

"Nah! Something just crossed my mind." iwas na sagot niya rito.

"Ah! I thought there is something more that we don't know yet."

"Liam!" sasagot pa sana siya ng marinig ang tawag sa kanya. Paglingon niya, si Momoy ang nakita niya. Tumayo siya at sinalubong ito. Kinamayan saka "brotherly hug", iyong tila nagbubungguang dibdib katulad ng ginagawa ng mga basketball player pag nakashoot.

"Musta brod? Okay na ba?" agad na tanong niya rito.

"Okay na, tinawagan na ni Daddy. Nakausap na din niya ang complainant. Inaayos lang ang papel para walang record si Moodee. Galing na din ako sa loob." paliwanag nito.

"Does it mean, he can go now?" masayang tanong ni Keifer kay Momoy.

Tumingin ito sa kanya, nagtatanong ang mga mata kung sino ang nagsalita o ang mga kasama.

"Oh! I'm sorry I forgot." nakangiting sabi niya saka humarap kina Alessa at Keifer. "This is Keifer, kababata ni Moodee. And this is Alessa." pakilala niya sa dalawa.

"Hi Keifer! And Oh! So you're Alessa!" malapad ang ngiting sabi ng kaibigan saka kinamayan si Alessa.

"Hi! Do you know me?" nakangiti ito habang tinanggap ang pakikipag kamay ng kaibigan.

"You bet! I heard so much about you."

"What?"

"I heard so much from Jason. I am one of his classmate and a friend." agap na sagot nito ng akbayan niya at pasimpleng pinisil ang balikat.

"Ah! I see! Nice to meet you!"

"Shall we go and get Moodee out of here, brod?" sabi niya kay Momoy. Akmang aakagin na ito nang siya namang lapit ng grupo nila Jason kasama si Moodee.

"No need brod!" nakangising sagot nito sa kanya.

My Secret LoveWhere stories live. Discover now