Chapter 7||Small world

110 3 0
                                    

SA bahay nina Liza nila napagkasunduang gumawa dahil ito ang may pinakamalapit na bahay. Si Liam ay may condo unit sa may Taft kaya nga lang ay studio type lang daw iyon kung kaya't kina Liza na lang sila.

Sa bahay sana nila, kaso sa Dasmariñas Village pa iyon sa Makati. Ang bahay naman nina Liam ay sa Corinthian Garden naman sa Quezon City habang ang iba ay sa Pasig pa nakatira.

Final testing na nila ngayon plus paper works. Bukas ay dadalhin na lang ito ni Liam sa condo nito para mas malapit sa school. Ito na din ang magdadala sa school nila.

Kay Liam siya sumakay dahil nga umalis na din ang driver niya at napagkasunduan na sabay - sabay na lang pupunta. Iyong dalawa naman ay sa sasakyan ni Roy, dahil hindi pa naman umalis ang naghatid dito.

Pagdating sa sasakyan nito, inalalayan siya nitong sumakay matapos ipagbukas ng pinto. Napapitlag siya ng tila may kuryente na dumaloy sa siko niya ng hawakan nito. Pasimple niya iyong binawi at umakyat na papasok. Napabunting hininga siya matapos nitong maisara ang pinto. Kinalma ang sarili bago pa man ito pumasok sa loob.

"Fasten your seatbelt, Ma'am!" nakangiting baling nito sa kanya. Kumabog na naman ang dibdib niya kung kaya't halos hindi niya maisuot ang buckle ng seatbelt.  "Let me." agaw nito sa seatbelt at ito na ang nag buckle up.

"Thank you!" pasasalamat niya dito habang lihim na kinakastigo ang sarili. Hindi ito sumagot at pinaandar na ang makina ng sasakyan nito. Isa iyong brand new customized Nissan Patrol na kulay magnetic Silver.

"Do you think we can finish it up tonight?" tanong nito sa kanya habang binabaybay nila ang Quirino Avenue.

"Yes. I think, provided that the final test will be as successful as the last one." kalmado na niyang sagot dito. "Why? Do you need to go somewhere tonight?" agad na lingon niya dito.

"No. I don't have any plans tonight and even tomorrow." sagot naman nito.

"Okay. But just in case, you need to go. Okay lang naman. We can cope on. Afterall finalization na lang naman."

"Sabi ko nga po, wala po akong plans tonight at maging bukas. So, we will finish and finalize the project together, ok?" saglit itong tumingin sa kanya at ngumiti.

Sasagot sana siya ng marinig ang pagtunog ng cellphone na nakalagay sa duffle bag. Ang bag niya ay inilagay ni Liam sa likod ng sasakyan.  Tinanggal ang seatbelt saka dumukwang sa likod. Hindi sinasadya ay nasagi ng dibdib niya ang braso nito na nakapatong sa arm rest ng sasakyan. Nagulat siya kaya biglang bawi at balik siya sa pagkakasandal ng upuan.

"Sorry." sabi nito saka tinanggal ang kamay. Saka na lang siya ulit dumukwang at kinuha ang bag.

Pagbukas niya ng bag ay hindi na nagriring ang phone. Ganoon pa man kinuha niya pa din ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nakita niya sa screen na mommy niya ang tumatawag.

Nag buckle up ulit bago nag return call sa mommy niya. Hindi pa nga pala siya nagtetext sa mga ito na papunta na siya kina Liza. 

Ang mommy at daddy niya ay nagmamay - ari ng isang furniture shop. Hindi lang basta furniture shop iyon dahil sila mismo ang ang susupply sa mga opisina sa Makati, BGC, Quezon city at maging sa mga technopark sa south Luzon. Sa kanila din bumibili ng mga mwebles ang mag may sinasabi sa buhay na pamilya. Nag - i - export din sila sa ibat ibang bansa. Kaya nga lang ay wala siyang hilig doon. Mas gusto niya ang nagtetest at nag - aanalyze. Hindi naman siya pinilit ng mga magulang pero tumutulong naman siya sa mga ito pagdating sa Finance or Accounting report as she loves dealing with numbers.

"Mom, I'm on my way to Liza's house." sambit niya agad dito ng sumagot ito sa linya. "I'm with Liam." sabi niya rito. Tumingin siya kay Liam ng sumulyap din ito sa kanya. "My groupmate. Yes, lalaki po."

"Mom, Liza and I are the only girls in the group." sagot niya rito. Bakit daw lalaki ang kasabay niya at sino daw ito. Sana daw nagpahatid na lang siya kay Mang Domeng.

"Mom, you're exaggerating. Ok! I'll put you on speaker." sagot niya rito saka nilingon si Liam.

"My mom wants to talk to you. Sorry!" hinging paumanhin niya dito.

"No problem!" nakangiting sabi nito.

"Mom, you are now in speaker mode. Liam is listening, you can talk to him." balik niya sa mommy niya.

"Hello!"

"Hello, Ma'am! This is Liam Ramos. Groupmate po ako ni Alessa along with Roy, Wilson and Liza. I brought my car kaya sa akin po sumabay si Alessa." sagot naman ni Liam sa mommy niya.

"This is Natalie Atienza, Mr. Ramos. Please be gentleman enough not to harm my child."

"Mom!!!!" napalakas na tawag niya sa mommy niya.

"Mrs. Natalie Atienza! How are you related to Mr. Ricardo Atienza, ma'am?"  ngunit hindi naman iyon pinansin ni Liam.

"How did you know my husband?" nagtatakang tanong ng mommy niya. Maging siya ay nagtataka din paano nito nakilala ang daddy niya.

"Does Christopher Ramos ring a bell, Ma'am?" nakangiting sagot nito na tumingin sa kanya.

"Christopher Ramos, the owner of CR Hardware and co - owner of Magna Construction?" tanong ng mommy niya.

"Yes, Ma'am! And I am the son."

"Oh! Nice to meet you, Iho. I don't know that you are my daughter's friend." hindi man niya nakikita ay alam niya na panatag na ang kalooban nito. "But still, please take good care my daughter."

"I will, Ma'am!"

"Mom, okay na po? Can I hang up the call now?" tanong niya rito.

"Yes, but don't forget to call when you arrive at Liza's house, ok?"paalala pa din nito.

"Yes!" inend niya na ang call bago pa man ito sumagot.

"I didn't know that you are the daughter of Mr. Atienza." baling ni Liam sa kanya matapos niyang tapusin ang tawag sa mommy niya.

"How did you know my dad?" nagtataka pa ding tanong niya rito.

"I met your dad last year, sa bahay namin. Your parents was invited in my parents silver wedding anniversary. Your mom was not with him that time as she was not feeling well, according to my mom. After that, I think five times ko ng na - meet ang daddy mo sa office ni daddy." paliwanag nito.

"Ah! Small world huh?"

"Yeah! Small world!" nakangiting sabi nito.

Hindi na sila nagkwentuhan ulit ng malapit na sila sa bahay nina Liza. Nakita na rin niyang huminto na sina Roy sa tapat ni Liza na nag - aantay sa labas ng gate. Hinayaan muna ni Liam na mag maniobra ang driver ng sinakyan nina Roy bago ito huminto din sa tapat ni Liza. Binuksan niya ang bintana sa tapat niya para na din makita sila ni Liza.

My Secret LoveWhere stories live. Discover now