Chapter 4||Meet up

158 2 0
                                    

THERE she is! Wearing a tight blue denim jeans with an off shoulder loose royal blue blouse but with white inner shirt. Samantalang naka three inches close shoes na kulay blue din ang suot nito sa paa. Nakalugay ang mahabang buhok na kulay Ash Golden Blonde na bumagay sa kulay ng kutis nito. She's not wearing any make up except her nude lipstick. Madalas wala naman talaga itong make up hindi katulad ng karamihang babae sa school nila, lalo na ang mga nasa Accounting at Business Ad department.

Nang masalubong niya si Jason sa loob ng prisento kung saan pansamantalang nakakulong ang kaibigang si Moodee ay inaasam niya na kasama nito si Alessa. Kung kaya't pumunta siya sa parking kung saan doon din naka park ang sasakyan niya.

Akala niya ay wala ito dahil hindi niya ito makita doon. Akma niya ng itatapon ang sigarilyo para pumasok sa sasakyan ng bumukas ang passenger sit ng Monterong puti pangatlo mula sa sasakyan niya. Tila slow motion sa movie ang pagbaba nito, showing off her long legs first.

Nakatingin pa din siya rito. Sinusundan ang bawat kilos nito. Binuksan ang pintuan ng sasakyan sa likod saka tila may pinapababa. Nakita niyang si Keifer ang pinapababa nito. Kakilala niya din dahil na rin kay Moodee. Pagkababa ni Keifer, inaya nitong umupo sa bench sa ilalim ng puno. Nakasunod pa din siya ng tingin dito.

Gracefully walking as if like a model from a magazine. Laging nakangiti ang mga brown nitong mata. She always smile. Lalo na sa mga kakilala. And even on those rank in file employees of their school. Kaya kilala ito ng mga maintenance at guards ng school. Pero 'wag mo ding kakantiin at palaban din ito. She won't let anyone to step down on her, to abuse her. She will not start a fight at all but dont ever provoke her.

NAKILALA niya ito sa isa sa mga subject nila, Chemistry 2. He's taking Civil Engineering and of course Chemistry is one of their basic engineering subject. And that was last year. Nakaupo siya sa likod na upuan ng pumasok ito, hinihingal pa. Saka umupo sa tabi ni Irene, ang kaklase nila na Chemical Engineering din ang course.

"The road is a mess. Sobrang traffic, as in grabe! I thought, I will not make it on time." humihingal na sabi nito sa kaibigan at kaklase nila. At that time she's wearing a body hugging dress with black stripes printed horizontally. Naka flat sandals at lipstick. She's 5'5", he assume; kung kaya't matangkad pa din itong tingnan kahit naka - flat sandals.

"Then, why did you not leave the house earlier?" she heard Irene asked. Naririnig niya ang usapan ng mga ito dahil isang hilera lang naman ang pagitan nila plus elivated ang upuan nila.

"Nag off ang driver ko. I waited for my Kuya to arrive pa." mahinang sagot nito habang inilalabas ang notebook at libro sa bag. "Huh! You know me girl, I hate it to wait and to be late."nakataas ang kilay na baling nito kay Irene.

Akmang sasagot pa sana si Irene nang pumasok na ang professor nila. Simula noon kahit hindi niya gusto ang subject na Chemistry ay lagi siyang pumapasok doon. Bagama't tila hindi naman siya napapansin nito. She's the top of the class from classroom classes to laboratory.

Akala niya noon ay hindi man lang siya nito kilala, pero minsang may grouping sila sa isang laboratory activity for boot camp ng school; nagulat siya ng kausapin siya nito.

"You're Liam, right?" nakangiting tanong nito sa kanya. She is so beautiful, naka polbo lang at lipstick. "Liam, right?" ulit na tanong nito sa kanya ng hindi siya sumagot agad. "I am Alessa." sabi ulit nito saka inabot ang kamay sa kanya.

Kinamayan niya ito pero hindi nagpahalata ng nararamdaman. "Yes, Liam Ramos! Nice to meet you Alessa." binitiwan niya agad ang kamay nito sa takot na mahalata ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. He taught she's a snob, even if she smiles a lot. But he was wrong.

"Nice to meet you too!" nakangiti pa din ito sa kanya saka bumaling sa lahat. "We will have three days to come up with an idea guys. As your leader, I am requiring you to submit your ideas for the upcoming boot camp. Of course, the ideas includes with details - just a simple details." she said as she wink. "By tomorrow, we will discuss those ideas and voting will be included. Whatever the idea we concluded to submit, we will provide a proposal write up by Friday. If it will be approved, then we will start it by Saturday and will resume Monday next week, right after our class. Are you all okay with that?" tanong nito matapos sabihin ang plano. They all agreed anyway, all four of them.

Simula noon kahit makasalubong siya nito sa hallway ay binabati na siya nito. Kahit na tanguan lang niya ito, nakangiti pa din ito sa kanya. Nang matapos ang semester na iyon ay hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na makaklase ulit ito dahil karamihan ng klase nila ay nasa kabilang building - ang Alfredo Hall. Samantalang ito ay sa Esmeralda hall naman - kung saan iyon ang building ng Chemical, Physics, Humanities at Law Department. Samantalang ang Alfredo hall naman ang building ng ibang Engineering courses (maliban sa Chemical), Architecture at Marines Department. Habang ang Kristina hall naman ang building ng Accounting, Business Administration courses, at IT courses. Ito rin ang building ng library at school management offices.

Pero ganun pa man, kahit wala siyang business sa building ng mga ito; pumapasyal pa din siya. Kung minsan naman, doon siya kakain sa canteen ng Esmeralda building, kahit na may canteen naman sa building nila.

My Secret LoveWhere stories live. Discover now