Chapter 9||Thrill

84 6 0
                                    

"MATAAS na naman daw ang lagnat ni Fely. Kaya pinauwi ko na muna, dala niya ang kotse mo. Pinadala ng daddy mo at baka daw kailanganin, coding kasi sa Monday ang dati niyang dinadala." paliwanag ng mommy niya.

"It's okay, mom! Did you give him cash?" tanong niya sa mommy niya. Pero syempre alam niyang bibigyan iyon ng mommy at daddy niya.

Dalawang dekada na sa kanila ang Tatang niya. Halos kasing edad lang din ito ng daddy niya, nasa sengkwenta. Nakasanayan niya na lang tawagin na Tatang kasi iyon ang tawag ng mga anak nito. Driver pa daw ito ng mommy niya, na naging driver din ng dalawa niyang kuya. At ngayon nga siya naman ang nagmana.

"Of course, darling. Alam mo ng pamilya na ang turing natin sa Tatang mo. Ayaw niyang tanggapin pero kilala mo ang daddy mo, hindi noon matatanggihan."

"Ok! Thank you, mom. Tatawagan ko na lang sila pag nakapag charge na ako, I forgot my charger and the power bank sa kotse."

"Ok! And darling, papahatid ka na lang kay Liam bukas, ok?"

"Mom, I'll give you details with regards to that. Out of way siya and he needs to take the model to his unit." bulong niya sa telepono, dahil ramdam niya na nakatingin sa kanya si Liam. "And don't argue, mom. I will call you or dad tom. Bye! Need to start the project." paalam niya sa ina ng hindi inaantay ang sagot nito.

Pagbalik niya sa sala ay nakaupo na sa may dating inuupuan ni Liam si Roy at ito na ang nakaupo sa inuupuan niya kanina. Humarap siya rito at ibinigay ang cellphone dito. Tumayo ito at hinila siya paupo sa inuupuan nito saka siya namang umupo sa arm rest.

Yumuko ito at bumulong, "Whatever the case, I will give you a ride. I made a promise to your mom. And don't argue, that's final." pinal na sabi nito nang akma siyang sasagot.

"Fine! Whatever you say!"

Bumaling siya sa grupo na noo'y sina Liza at Roy na ang magkatabi, samantalang si Wilson ay nasa dati pa ding pwesto nito. "Shall we start?" tanong niya sa grupo.

Tumango naman ang mga ito. Kinuha niya ang laptop at nagsimula ng buksan ang files nila. Nagbigay na din siya ng instruction ng mga gagawin. Sina Wilson, Roy at Liza ang lumabas na para i - set up ang model nila. Samantalang siya naman ay inaayos na ang write up. Si Liam ang naka - assign sa video editing. They were able to get a good shot yesterday.

Kukuhanan pa din nila ng video ang final testing ngayon. Kung anuman ang sa tingin nila mas maganda ay iyon na ang final video nila. Ang video ang mag play habang naka display ang model nila sa boot camp.

They are really making it perfect because not only they will get it to get the highest mark but whatever model to choose by the judges will be the one to represent the school for the Chemistry Fair Manila. Dalawampung eskwelahan ang maglalaban - laban doon.

Matapos ma - insert sa write up ang new calaculations ay tumayo na din siya at sumunod kay Liam ng tumayo ito.

It took them five hours to finalize the model. Saka iyon dini - assemble at inilagay sa kahon - hard box to avoid deformation of the model.

"Dinner na muna tayo guys!" tawag sa kanila ni Liza pagpasok nila sa loob. Nagpatiuna na ang tatlo samantalang siya ay kinuha muna ang cellphone para icheck kung nag reply na ang Tatang niya.

Pagpasok niya sa dining area ay naka - pwesto na ang apat habang nakatayo naman sa di kalayuan ang maid nila Liza. Ito din ang nagbigay ng merienda sa kanila kanina. Kanina napag - alaman nila na nasa probinsya ang Papa, Mama at Kuya nito. Bukas pa daw ang uwi kung kaya't pumayag din si Liza na dito nga mag overnight.

My Secret LoveWhere stories live. Discover now