Chapter 9||Thrill

Start from the beginning
                                    

Umupo siya sa tabi ni Roy na siyang bakante, katapat ng inuupuan ni Liam na siya namang katabi ni Liza. Six sitter ang dining table nila Liza, maliit iyon kumpara sa dining table nila. Pero mas gusto niya iyon. Malaki nga ang dining table nila, pero once a week lang naman sila makompletong mag - anak. Madalas ang kasabay niyang kumain ay ang mga kasambahay.

"Ate, sabay ka na po." alok niya sa maid nina Liza.

"Naku! Hindi na po, ma'am. Mamaya na lang po ako pagkatapos ninyo." tanggi nito sa kanya

"Sabay na po kayo. Ok lang naman Liza, di ba?" baling niya kay Liza.

"Ah! Hindi talaga sila kasabay namin kumain, Alessa."

"Pero okay lang sa'yo na sumabay siya?" tanong niya rito. Hindi man nila nakakasabay lahat ng maids nila sa bahay pag kumain pero halos lahat ng maid nila ay nakasabay na niya, nilang pamilya.

Her parents, don't create boundaries in between an employee and employer. Kung kaya't iyon din ang nakagisnan nilang magkakapatid. But it doesn't mean that they don't respect the family. Kaya sanay siya na kasalo ang mga kasambahay nila sa kainan. Maliban na lang syempre kung may mga bisita or malaking handaan na ginanap sa bahay nila.

"Yes, of course!" napipilitang sabi nito pero nakangiti naman, hindi niya lang alam kung totoo ba o hindi.

"So, narinig mo po Ate Melody. Come and join us. Malungkot po kumain mag isa." aya niya rito. Nang hindi ito kumilos, tumayo siya at inakag ito, pinaupo sa tabi niya na siyang binakante naman ni Roy na pumunta sa kabilang dulo.

"Oo nga po ate! Malungkot kumain mag isa." susog naman ni Roy.

Wala na itong nagawa kundi ang umupo at sumabay na sa kanila. Naiilang pa din ito pero nginitian niya para mawala ang pagkailang nito. Matapos kumain ay bumalik na sila sa sala. Umupo siya sa carpet at sinimulan na ang editing ng write ups nila.

Natapos nila ang finalization bandang ala una ng madaling araw. Naghihikab na tumayo na siya. Kanina pa naidlip sa sofa ang dalawa - sina Roy at Wilson. Samantalang si Liza ay nagpaaalam na pupunta na sa kwarto nito. Ang tatlong lalaki ay matutulog sa guest room dito sa baba, samantalang siya naman ay sa katabing guest room din.

"Oh!" pigil na impit niya. Namintig ang kanang binti niya. Dagli siyang napaupo sa sofa.

"What happen?" tanong ni Liam na tumayo. Akala niya ay tulog na din ito. Nakapikit lang pala. Buti na lang napigilan niya ang sarili kanina na titigan ito.

"Namintig binti ko, marahil sa matagal na pagkakasalampak ko sa sahig." bulong niya, iniiwasang hindi magising ang dalawa. Pero wala din kasi nagising na ang dalawa.

"Anong nangyari?" tanong ni Wilson habang naghihikab.

"Namintig lang." ulit na sagot niya. "I'm fine, sige na matulog na kayo. Mag half bath pa ako, sunod na din akong matulog."

Hindi na sumagot ang dalawa, sa halip ay tumayo na ang nga ito at pumunta ng kwarto na nakalaan sa mga ito. Samantalang si Liam ay nanatiling nakatayo sa harap niya. Hinintay na makapasok ang dalawa sa kwarto bago lumuhod sa harap niya.

"Ah!" impit na sigaw niya ng hawakan nito ang kanang binti niya. "Bakit mo hinawakan, nakukuryente nga. Kakainis ka!" anitong hinampas ito sa balikat.

"Ah!" Grabe ka namang makahampas." nakangiting sabi nito halatang umarte lang.

"Eh! Bat kasi kailangan mong hawakan?"

"Eh! Bat kasi umupo ka ng ganun?" ganti nito sa kanya na nakangiti pa din. Nakangiti na naman ito sa kanya. Hindi na naman nakakunot ang noo. Dahil ba wala si Liza sa paligid? "Hmmp!" irap niya rito.

"Hold it a bit! We need to straighten up your legs to have the blood flows in your nerves." sabi nito sabay itinaas ang dalawa niyang binti sa ibabaw ng center table.

Hindi na siya nakapanlaban pa. Kinagat na lang ang mga labi ng maramdaman ang pangunguryente ng kanang binti. Pag angat niya ng tingin ay matimtim na nakatitig sa kanya si Liam. Itim na itim ang mga mata nito. Parang gusto siyang lamunin ng titig nito. Kinakabahan siya, pakiramdam niya ay hahalikan siya nito anumang oras.

Nang hindi matagalan ang titig nito ay siya na mismo ang nagbaba ng tingin. Walang sabi sabi ay tumayo siya, pero napaupo din ulit ng maramdaman pa din ang pangunguryente ng binti.

Muntikan na siyang mapasigaw ng dagli siya nitong buhatin, natakpan niya lang ang bibig. "What are you doing?" bulong niya rito. "Put me down!"

"Tigilan mo ang pagpalag mo at baka ma - out balance tayo. Can't you see, I am taking you to bed." anito habang nakayuko sa kanya.

"Open the door for me." utos nito sa kanya pagtapat nila sa pinto ng kwarto na ukupahin niya. Malapit lang naman kasi ito sa living area, ilang hakbang lang.

Ibinaba niya ang kaliwang kamay at pinihit ang seradora ng pinto. Pagpasok nila ay itinulak nito ang pinto pasara gamit ang isang paa. Saka siya dahang - dahan na inilapag sa kama.

Nakatunghay pa din ito sa kanya, habang nakatitig sa mukha niya. Nakatukod ang mga kamay sa kama upang suportahan ang bigat nito para di bumagsak sa kanya.

Siya naman ay tila nahihipnotismo na nakatingin lang din dito. Kusang pumikit ang mga mata niya ng makita niyang dahan - dahan ang pagbaba ng mukha nito.

My Secret LoveWhere stories live. Discover now