Kahit limang pisong butas itatago ko pa iyan kasi kailangan.

Sa wakas umandar na rin ang jeep dahil hindi na ko makahinga, mabilis na byumahe ang jeep dahil anong oras na naman ng gabi kaya hindi gaanong traffic.

Bumaba ako sa school at na kita ang guards ni Daniel na nakaabanga sa gate. Sila 'yung mga inutusan ni papa napaglayuin kaming dalawa.

Nakakairita lang pati upuan namin sa room pinaghiwalay nila feeling naman ni papa hihingi ako ng tulong sa kakambal ko, kahit bigyan nila ako hindi ko tatanggapin kung galing lang din sa pera niya.

'Yung kay kuya Daryl kinuha ko kasi alam kong ipon niya iyon at saka pangako ko babayaran ko siya makaipon at makaahon lang kami ni Runo sa problema na ito.

"Kambal ko!" iyan na siya tumatakbo sa hallway na akala mo ilang taon kami hindi nagkita.

"Rious miss na kita!" niyakap ko rin siya at sumampa sa kaniya hahaha, miss ko na rin naman siya kahit ganoon.

"Kakambal ko ang pogi mo talaga," sabi ko sa kaniya.

"Hahaha, sinasabihan mo ba sarili mong pogi?" Tanong niya at binaba na ko.

Mukha kaming timang pero anong magagawa namin ganito kami ka-close ng kambal ko ito 'yung parte kong hinding hindi ko maiiwan.

"Kamusta na kayo ni Kaelynn?" Sabi niya sa'kin at inakbayan ako.

"Ayos lang, ganoon pa rin pinaglilihihan niya ko hahaha," proud kong sabi sa kaniya at nag-apir kami.

"Nice tatlo na tayong magdadala ng legendary face na 'to." tumawa kami at nag akbayan habang sabay na pumasok sa room namin.

Hiwalay man ang upuan namin lagi pa rin kami nagdadaldalan pagtapos ng klase, parang wala naman din nagbago pwera na lang sa kinasanay namin pagtulog na magkatabi,

Alam naman namin na darating sa puntong ito ang lahat, 'yung magdedesisyon kaming dalawa nang hiwalay at magkaibang buhay.

Hindi naman pupwede na habang buhay kami magkadikit at nakakulong sa mundo namin dalawa, kailangan lang namin sanayin ang isa't sa sa bagong buhay na meron kami ngayon lalo na ako.

"Gustong gusto ko kamo makita ang pamangkin ko kaso bantay sarado ako." inabot ko sa kaniya 'yung juice niya.

"Takas ka," sabi ko sa kaniya at tumawa siya saka ngumisi.

"Talagang tatakas ako dahil alam mo ba 'yung bagong crush ko sa village niyo lang din nakatira," bulong niya sa'kin sabay tingin doon sa table nila Red at Nana.

"Sino si Nana?" tanong ko sa kaniya at umiling siya.

"Hindi gwapo! Si Gabs," muntik ko na maibuga ang iniinum ko at napatayo, tawa naman ng tawa si Six at Kidd na kasama namin kumain.

"That reaction was priceless dude," sabi ni Kidd at pinasakan ko ang bibig niya ng tinapay.

"Are you out of your mind? Bro tigasin ang isang 'yun!" Sabi ko dahil tomboy naman ngayon ang trip niya, una amasonang si Runo ngayon tomboy? Okay, inaamin ko trip ko rin 'yung amasona pero tomboy? Men hindi na ko aabot d'yan.

"Ahaha, tomboy man siya babae pa rin siya, ang cute niya kaya tignan mo bibigay din sa'kin 'yan." sabi niya samin at tumawa na naman 'yung dalawa.

"Hahaha, iba talaga ang mga taste niyo magkakapatid no?" Sabi ni Six sa'kin sabay kuha ng baon ko na niluto ni Runo.

"Oy, wag iyan kutong lupa!" ngumisi siya sa'kin.

"Yieee gawa sayo ito ni Kaelynn no?" Namula ako at lalo nila akong inasar.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now