CD (labing-dalawa)

10.3K 264 86
                                    

Chapter 12

Maddison POV

"Soooo... kumusta naman kayo ni Dani?" tanong sakin ni Andrea habang tinitignan ako ng nakakaloko. Umiling lang ako at naglagay ng mga junk foods sa cart namin. Nandito kami sa supermarket ngayon para bumili ng food and iba pang mangangata para sa group study namin sa bahay nila.

"Walang kami noh" yun lang ang sagot ko tapos pumunta na ulit sa ibang section.

"Alam mo girl, kung ako sayo sasagutin ko na siya kung ayaw mong maagaw pa siya sayo"

"Anong ibig mong sabihin?" bigla naman akong naalarma sa sinabi niya.

"Naaalala mo yung senior na nanalo sa pageant nun?"

"Oo, si Siobhan ba yun? Yung half Irish?"

"Oo yun! Nabalitaan ko lang naman na crush niya si Danily mula nung niligtas siya sa bastos na manliligaw nito" kumunot tuloy yung noo ko sa sinabi ni Andrea.

"Niligtas lang crush na? Baka naman chismis lang yan. Tsaka wala naman sinasabi si Dani sakin ah"

"Bakit Maddy, girlfriend ka ba at kelangan niya sabihin lahat sayo?" napatigil ako dun sa sinabi niya.

"Oh napatigil ka ngayon? Sagutin mo na kasi ng magkaron ka na ng karapatan" natatawang sabi ni Andrea. Kelangan ba talaga ganun? Hindi ba pwedeng pakiramdaman nalang?

"Hindi pwedeng pakiramdaman lang Maddy, minsan kelangan din ng confirmation para hindi mag-assume" teka, malakas ba pagkakasabi ko nun?

"Oo, kaya mag-ingat ka sa mga sasabihin mo" natatawang sabi ni Andrea sabay lagay ng alak sa cart.

"Uy bat may alak?!" gulat kong tanong.

"Siyempre hindi mabubuo ang isang group study kung walang alak no!"

"Bahala kayo, hindi naman ako iinom eh" naglakad na ko papunta ulit sa mga pagkain. Haha! Eto titirahin ko mamaya pag nainom sila.

Nakarami na ko ng nakuhang junk food nung may magsalita sa likod ko.

"What did I tell you about junk food?"

"Parki?" gulat kong sabi sabay lingon sa likod ko.

"Anung ginagawa mo dito?"

"Same as what you two are doing. Ang pinagkaiba lang is we're actually buying 'real' food" kinuha ni Parki yung mga junk food sa kamay ko at ibinalik sa shelf.

"Hoy! Pulutan namin yan" saway ni Andrea sakanya.

"Are you guys going to drink?!" excited na sigaw nung nasa likod ni Parki.

"Oo, tapos konting group study" sagot naman ni Andrea. Grabe! So singit pa ang group study ganon?

"Oh I wanna come! Dani can we go?!" excited na sabi ni Isobel.

"If that's okay with Maddy" lingon naman ni Dani sakin.

"Oo naman no, bat naman hi-hindi si Maddy? Baka nga tuwang-tuwa pa yan eh" patawa-tawang sagot ni Andrea. Bigla naman siyang lumingon kung saan nung tinignan ko siya ng masama. Bwisit to! Ibubuking pa ko.

"Oh shit!" biglang bulyaw ni Isobel at sa isang iglap, nakay Andrea na siya at nakahalik na sa.... lips!

"What the-" yun nalang ang nasabi ko with wide eyes and mouth ajar.

"Tsk tsk" si Dani sa gilid ko.

"Isobel! What the hell?!" napalingon kami sa isang maganda, sexy, at mukhang sophisticated na babae. Siya na ang tumuloy ng sasabihin ko sana.

CONCEALED Delegation (girlxgirl) [Filipino]Where stories live. Discover now