CD (dalawa)

15.3K 317 18
                                    

Chapter 2

Maddison POV

"Tay alis na po ko" paalam ko kay tatay sabay kuha ng isang pandesal sa table.

"Di ka na ba mag-aalmusal nak?" sigaw ng tatay ko mula sa may salas namin habang nanonood ng balita sa tv. Kinuha ko muna yung pandesal sa bibig ko tas lunok bago sagot.

"Di na po tay. Male-late na po ako eh. Maglalakad lang po kasi ako dahil nasa pagawaan pa yung bisekleta ko"

"Gusto mo ba ihatid na kita nak?" dumungaw yung tatay ko mula sa may salas.

"Wag na tay. Sige po alis na ko" humalik na ko sa pisngi nya at tumakbo na palabas ng gate na may nakasiksik pang pandesal sa bunganga ko.

"Hey!"

"Ay palaka!" napsigaw ako sa gulat na puno ang bibig nung nakita ko si Danily na nakasandal pa sa nakaparada nyang kotse sa labas ng bahay namin.

"Sorry. Did I startle you?" lumapit sya na tumatawa pa sa itsura ko habang tinatapik yung likuran ko. Kasi naman ginulat nya ko eh. Pag nagugulat pa naman ako eh kung ano-ano ang nasasabi ko.

"Oh shit!" tumakbo sya sa may kotse nya at may dala ng tubig pagbalik. Nilagok ko lahat ng tubig na binigay nya at napabuntong hininga nalang nung lumuwag na yung pakiramdam ko.

"Anong nga palang ginagawa mo dito?" tanong ko habang nakahawak parin sa dibdib ko at hinampas yung kamay nya. Nagulat talaga ko sakanya. 

Tumawa lang naman ito na parang wala lang yung ginawa kong paghampas.

"Picking you up" ngiti niya at hinablot yung bag ko tsaka bukas ng passenger's seat.

Aangal na sana ko pero nagsalita na sya "Hurry up Rayis! Male-late na tayo" panlalaki nya ng mata sakin tapos hablot nung isang pandesal sa kamay ko.

Pumasok na nga na ko sa kotse nya at hindi na umangal pa kasi mukang hindi din naman siya tatanggap ng hinding sagot. Tumakbo na sya papuntang driver's seat at dun ko lang nakita na naka white tank top pala siya, black skinny jeans at sneakers. Nakatali yung buhok nya pataas like a bun at naka light make up lang siya. Ang simple-simple nya pero sobrang lakas ng dating. Siguradong pagtitinginan nanaman siya ng mga lalake neto sa school.

"Uy! kanina ka pa tulala jan" kinalabit nya ko habang papasok na ng gate sa school namin.

"Eh kasi ginulat mo ko kanina eh" sinimangutan ko nga siya habang siya tumawa lang. Ang cute ng tawa nya. Teka! Anu bang pinagsasabi ko?

"Haha. I'm sorry, love. I'l make it up to you" sagot nya tapos kindat. Hindi ko alam pero biglang uminit yung mukha ko nung kinindatan niya ko. Tinanggal ko nalang agad yung tingin ko sakanya bago pa niya makita yung pamumula ng mukha ko. 

After niya magpark, tumakbo siya ulit papunta sa passenger's seat tapos pinagbuksan ulit ako ng pintuan. Nakakatuwa talaga pag ginagawa nya saakin yon. Para akong prinsesa kung ituring eh di hamak naman na mas mukha siyang prinsesa kung ikukumpara saken.

"Naku, kung gagawin mo saken lagi yan Parki iisipin ko may gusto ka saken" patawa kong biro sakanya. Ngumiti lang siya sabay sagot "That's exactly my point" tapos kindat nanaman.

Napalaki yung mata ko sa gulat sa sagot nya. Anong ibig nyang sabihin dun? Tatanungin ko sana siya kaya lang hinila na niya ko papunta sa locker hallway. Hindi din naman pala magkalayo ang locker namin.

"What the----" lumaki yung mata nya nung pagbukas ng locker niya sabay bagsak ng mga colorful envelopes.

"Are these...." lingon nya saken sabay kunot ng noo.

CONCEALED Delegation (girlxgirl) [Filipino]Where stories live. Discover now