CD (labing-isa)

10.3K 234 73
                                    

Chapter 11

Maddison POV

Tae tong Danily na to! Asan na ba yun?! Kanina pa ko naghihintay dito sa bahay! 8 ang usapan namin pero quarter to 9 wala pa siya! Lagot talaga yun sakin pagdating niya. Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang mga taong nalelate.

"Nak, akala ko ba magsisimba ka? Bat andito ka pa?" tanong ni nanay nung nakita niya ko.

"Hinihintay ko po kasi si Dani eh. Sabi niya sunduin niya po ko dito" iritable kong sagot.

"Eh bat di mo tawagan? Baka naman tulog pa"

"Kanina ko pa nga po tinatawagan pero hindi naman sinasagot" sabi ko tapos check ulit ng phone ko kasi baka may txt na siya.

At ayun! Wala parin! Puteeekk! Bahala siya! Ako nalang isa magsisimba. Pero medyo nag-aalala na din ako kasi nagpaalam siya sakin na magbbar daw sila nina Gavin and Isobel. Ewan ko nga kung bakit siya nagpaapam sakin eh. Pero natuwa naman ako dun.

Tumayo na ko at nagpaalam kay nanay. Umalis na kasi si tatay papunta sa prisinto eh.

Nung pagkalabas ko ng gate at papara na sana ng tricycle, yun naman ang pagbusina isang kotse. Linuwa nito ang nakashades na Danily at nagmamadaling pumunta sakin.

"I'm soooo sorry Rayis. I was held up with some emergencies and didn't manage to get out of it until this morning" pagpapaliwanag niya. Pero hindi ko siya pinapasin at pumara pa ko ng tricycle sa harapan niya.

"Hey! bati na tayo oh. Sorry manong hindi siya sasakay" sabi niya dun sa driver. Bwisit to! At dun na talaga ko nainis sakanya.

"Ano ba?! Magsisimba ako no!" bulyaw ko sakanya at dahil inis na talaga ko. Pero nung pagkatingin ko sakanya, dun ko napansin yung medyo putok niyang labi at yung may sugat niyang kilay. May mga konting pasa din siya sa braso pero hindi naman siya masyadong halata.

"Ikaw! Nakipag-away ka nanaman no! Ano bang nangyari sa bar kagabi? Di ka na nga din nagtxt kung nakauwi ka na eh" sobrang alala ko kaya sakanya. Di nga ko masyado nakatulog eh.

"Haizt! Si Isobel kasi eh. Nakipagsayaw ba naman sa may boyfriend kaya ayun. Napaaway tuloy kami. Siyempre hindi naman namin siya pwedeng pabayaan" pagpapaliwanag niya ulit. Inirapan ko lang siya at magsasalita na sana ulit para sermonan siya pero nahila na niya ko at binuksan yung kotse at pinasok ako.

Grabe! ambilis niya. Tumakbo na ulit siya papunta sa driver's seat at pinaandar na ang kotse. Nakasuot siya ng shin chan white t-shirt, black skinny jeans at flat shoes. Kahit sobrang simple ng suot niya namumukod tangi parin yung kagandahan niya. Alam mo yung effortlessly beauty? Ganun ang ganda ni Dani.

Hay.... Kaya sino ba naman ang hindi magkakagusto sakanya? Maganda na mayaman pa. Kaya pila-pila ang mga lalake at babae sakanya eh.

"Maddy, I'm really sorry. Let me make it up to you okay?" sabi niya tapos lingon-lingon mula sakin at sa daan. Di naman ako sumagot at nakatingin lang sa labas. Sobrang inis talaga ko.

Nakarating nadin kami sa simbahan at alam kong masama na may ganito akong nararamdamang inis habang nagsismba pero hindi ko talaga mapigilan eh. Sakto naman na ang sermon ni Father ay "sa lahat ng may mga kinikimkim na galit sa dibdib, tanggalin niyo na yan upang tayo'y mabuhay ng mapayapa at walang bigat sa dibdib. Pangako mga kapatid, magiging magaan ang pakiramdam niyo" sabi ni Father sabay ngiti pa.

"You heard him Rayis, come on! Have a heart" lingot ni Dani sakin sabay pout. Tumango nalang ako at pinilit na hindi mapangiti sa pagka-cute niya. Hay! Inalis ko na agad yung tingin ko kasi pag nakikita ko yung green niyang mata at para akong nahi-hypnotize.

CONCEALED Delegation (girlxgirl) [Filipino]Where stories live. Discover now