CD (sampu)

10.7K 257 86
                                    

Chapter 10

Maddison POV

"Tay, nahuli na po ba yung nambaril sa Univ?" tanong ko kay tatay habang kumakain ng breakfast.

"Hindi pa nak eh. Hanggang ngayon wala parin kaming lead. Mukang professional yung gumawa nun dahil sobrang linis nung lugar kung san siya pumwesto. Kahit may CCTV yung building wala parin kaming nakuhang kahit ano. Parang alam na alam niya kung san siya dadaan para hindi siya mahagip ng CCTV"

"Talaga?" pagtataka ko. Pano, nakapunta na kasi ako sa may building sa tapat ng Univ at kulang nalang tawagin namin itong headquarters ng NBI dahil punong puno ito CCTV sa loob.

"Tay, alis nga po pala ulit ako ngayon" pagpapaalam ko.

"Oh, hindi pa ba tapos yung project niyo?

"Wala pa po kasi sa kalahati yung nagagawa namin ni Dani. Bale parang baby thesis po kasi namin yun" pagsisinungaling ko. Ay naku! Natuto na ata akong magsinungaling dahil kay Parki. Siyempre hindi ko din pwedeng sabihin yung nangyari kay Parki na barilan dahil kung sasabihin ko yun kay tatay, siguradong palalayuin niya ko kay Danily.

"Ah sige, ikumusta mo nalang kami ng nanay mo sakanya. At sabihin mo dumalaw ulit siya dito" sabi ni tatay sabay higop ng kape.

"Ako din ate, pasabi bilhan niya ulit ako ng ice cream" masayang sabi ni Miggy.

"Ui Miggy mahiya ka nga. Eto! Ako nlang bibili ng ice cream mo"

"Ang kuripot mo naman kasi ate eh. Buti pa si ate Dani galante" sagot niya. Aba tong batang to marunong ng sumagot ah.

"Aba kung makakuripot ka ah. Sige lang Miggy. Hinding hindi ka na makakahingi ng pambili ng ice cream sakin" pagbabanta ko. Bigla namang parang naging maamong tupa yung itsura niya at lumapit.

"Kaw naman ate ganda di ka na mabiro" palalambing niya at niyakap pa ko.

"Kayo talagang magkapatid. Para kayong aso't pusa" singit ni nanay.

"Eh si Miggy kasi nay eh" sasagot pa sana ko ng pagkahaba-haba nung biglang nagring yung phone ko.

"Hello?" sagot ko habang nanguya pa.

"Maddy! It's Gavin!" sigaw nung nasa kabilang line.

"Oh Gavin?!"

"It's Dani! she-" hindi ko na pinatapos yung sinasabi niya at tumakbo nalang bigla sa may salas para kunin yung bag ko.

"Nak! San ka pupunta? Hindi mo na ba tatapusin ang pagkain mo?" sigaw ni nanay.

"Hindi na po nay, may emergency lang pong pupuntahan" sagot ko at nagmamadali ng tumakbo palabas. Pumara na ko agad ng taxi at sumakay.

"Manong, sa Royal Heights Subdivision. Pablisan po ah!" nangangatog kong sabi. Ano na kayang nangyari kay Parki?! Kinakabahan na ko ng sobra!

Pagdating sa gate nina Dani nagbayad na ko agad kay manong at bumaba ng hindi na hinintay pa ang sukli ko. Halos masira ko na yung doorbell kakapindot nung sa wakas bumukas nadin.

"Maddy! andito ka na ag-"

"Asan si Parki?" pumasok na ko agad sa gate at hindi na hinintay pa ang isasagot ni Gavin. Tumakbo na ko papasok.

"Parki anong-" hindi ko na natapos pa ang sibasabi ko dahil sa nakita ko. Si Parki ay nasa floor habang nakataas at nakatiklop yung tuhod at yung kanang kamay niya ay nakapigil sa baikat ni Isobel na nakadagan sakanya at may hawak na injection.

"Maddy! Help me!" sigaw ni Parki.

"Anong nangyayari dito?!" kunot noo kong tanong.

"Dani doesn't like injections" singit ni Gavin sa likod ko. Tae! Akala ko kung ano na nangyari sakanya?! Bwisit tong Dani na to!

CONCEALED Delegation (girlxgirl) [Filipino]Where stories live. Discover now