CD (lima)

13.4K 293 32
                                    

Chapter 5

Maddison POV

"Hey guys, this is Denise. Denise, these are my friends. This is Maddison, Eli, Zach, Lucy, Andrea and you already know my cousin Gavin" pagpapakilala ni Danily kay Denise.

"Hi" wave niya kina Eli. Nag-wave back naman sila pero nung pagdating sakin umirap siya. Ano namang problema neto?

"Sit here" pinaupo ni Danily sa tabi ni Gavin si Denise at humarap sakin. Kumunot yung noo niya nung pagharap niya at di ko naiwasa na mapakunot din. At yun na nga, kinuha niya yung chichirya sa harapan ko at tinapon sa basura.

"Ikaw Rayis diba sabi ko sayo that junk food is not healthy. Wait here and I'll buy you food" umalis na siya bago pa ko makaprotesta. Napailing nalang ako sa pagiging oa netong si Parki. Haist! Nung napalingon ako kay Denise mas lumalim pa yung pagsimangot niya sakin. Ano bang problema ng babaitang to?

"Here, eat this" nilapag ni Danily yung spaghetti with meat balls at pineapple juice sa harapan ko at carbonara naman and iced tea kay Denise. Nasa gitna namin ni Denise si Danily.

Kainis! Nakakainis dahil hindi ko alam kung bakit ako naiinis! At mas lalo pa nadagdagan yung inis ko nung sinusubuan ni Denise si Danily. Anu siya paralyzed? At itong si Danily parang tuwang tuwa naman ang gago. Ay naku! gusto ko na nga siyang bigwasan ng matuluyan ng maparalyze tong anak araw na to.

"Uy! Bat nakasimangot ka diyan?" siko sakin ni Andrea sabay tingin sa tinitignan ko.

"Nay!!!! Nagseselos ka ba? haha" pang-aasar sakin ni Andrea.

"Nagseselos ka diyan. Hindi ah! Naaalibadbaran lang ako sakanila. Kelangan PDA? Ano ko nanonood Pbb teens?"

"Haha! kaw talaga Maddy. NBSB ka talaga" at ano naman ibig niyang sabihin dun?

"Eh ano naman kung NBSB ako? May kaso ba yun?" patataka kong tanong sakanya.

"You will soon find out my dearest friend" tinapik tapik lang ni Andrea yung balikat ko habang umiiling.

Loko talaga tong si Andrea? Tsk. Hay basta naiinis ako dito sa Danily na to. Hindi mo lang pinansin ng ilang oras eh naghanap na agad ng ibang ieentertain. Haizt. Okay dalawang araw. Pero kahit na no.

"Uy.. okay ka lang? Bat parang ang lalim ng iniisip mo?" siniko ako ni Danily at tumingin sakin.

"Wala ah. Okay na okay ako" sarkastiko kong sagot sakanya sabay ngiting nakakaloko.

"Okay" tipid niyang sagot at tumingin ulit dun kay Denise.

Mas sumobra lang yung inis ko sakanya at kulang nalang itaob ko sakanilang dalawa yung kinakain kong spaghetti eh. Natapos ang lunch break na hindi na ulit kami nagkibuan ni Danily. I mean hindi ko na pala siya ulit kinibo kahit kinakausap niya ko. Eh bakit ba. Sa naiinis ako sakanya eh. Tapos nadin yung last period at heto ako ngayon, naglalakad palabas na ng school ng biglang may bumusina sa likod ko.

"Hatid na kita Rayis" tumigil yung kotse ni Danily sa may harapan ko at biglang bumaba mula sa driver's seat.

"Wag na. Kaya ko namang maglkad eh" sagot ko at nagsimula na ulit maglakad.

"Bakit mo ba ko iniiwasan Maddison? Have I done something wrong?" pabulog niyang tanong sa likuran ko. Paglingon ko sakanya, parang guhit sa mukha niya ang kalungkutan. Hindi ko alam kung bakit peo para bang lumambot ang puso ko nung makita ko siyang malungkot. Bakit ganito nalang ako magreact pagdating kay Danily? Naglakad ako papalapit sakanya pero hindi ako makatingin ng diretso dahil ako mismo ay hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

"Hindi ko alam Parki eh" yun lang ang nasagot ko at napayuko.

"Is it about the almost kiss? I'm sorry Rayis. I will never do that again I promise. Wag mo lang akong iwasan"

CONCEALED Delegation (girlxgirl) [Filipino]Where stories live. Discover now