TWO
AKI's POV
Buti nalang at mabilis lang natapos ang Economics namin. Haha, etong si Clayton tanong ng tanong tungkol sa school na 'to. Tapos 'tong mga kaklase kong mga babae hindi ko maipaliwanag ang mga mukha nila. Yung totoo, ngayon lang ba sila nakakita ng mukhang tao sa buhay nila?
"Uhm Aki, kelan ba tayong pwedeng mamasyal? Este mag-tour sa univ?"
Excited?
"Haha mamaya nalang. Kasama natin mga kaibigan ko."
Parang nagulat siya. Tumingin siya mula kaliwa hanggang kanan tas sa likod niya.
"Wala ba dito mga kaibigan mo?"
"Ah, magkakaiba kami ng section eh. Yung isa nasa Section 2, tas yung dalawa nasa Section 3."
"Ah, mabuti matibay pagkakaibigan ninyo."
Tas nagsmile siya. Nakaktuwa. Kasi parang kanina lang parang hindi ko po siya kilala tapos ngayon parang close na kami. HAHAHA joke lang. Nasa 'getting-to-know' pa naman kami kaya ganito.
So ganito lang kami, nagkekwentuhan. Habang nagkekwentuhan nga kami umeepal yung ibang kaklase kong babae eh. It's either tatawagin nila si Clayton or manghihram kay Clayton or mang-aaya kay Clayton pero hindi lang pinapansin ni Clayton. Ayaw niya daw sa mga papansin.
Dumating yung teacher namin sa Music. Then after this is Lunch. Nagkaroon kami ng activity. Sabi kasi ng teacher namin nakakasawa na daw yung 'introduce yourself' kaya daw para may thrill, yung seatmate mo is kapartner mo at ang gagawin ninyo ay aalamin niyo ang buhay ng isa't isa or should I say, kikilalanin ninyo ang isa't isa. This activity is called "Know me then I know you". Haha ewan ko ba kung bakit ganyan ang title, baliw lang?
"Okay class, I'll give you 1 week to work for that. You should make a biography (or autobiography? nakalimutan ko na eh) of your seatmate-slash-partner. You will present that next meeting."
"Aki, magpartner tayo?"
"Ikaw lang naman katabi ko eh, edi oo"
"Hmm. Saan ka ba nakatira?"
"Sa Alca ville, ikaw?"
"Sa Estron heights. Magkatabi lang ang village ninyo saamin"
"Ahh. So parang magkapit-bahay lang pala tayo."
"Oo nga eh."
Hindi lang dyan nagtatapos ang paguusap namin. Nasundan pa ito ng ibang topics. Nagtanong tanong siya about saakin. Tapos nagkekwento siya tungkol sakanya, kahit di ko naman tinatanong. Ayus nga eh, parang instant close na kaagad kami ng lalakeng pinagpapantasyahan ng mga kababaihan dito sa university. Feeler din ako eh no?
Kung saan saan na napadpad ang topic namin. Umabot pa nga sa outer space eh! At mayroon na'kong masasabi sakanya.
CLAYTON CLARENCE KIM is TALKATIVE AND HIS IMAGINATION IS SO WIDE.
*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
"Lunch na?" -Clayton
"Yep, sige una na ko."
Lalabas na sana ako ng room kaso..
"Hoy"
kunot-noo ko siyang tinignan.
"Bakit?"
"Pwede sumabay sayo?"
Sabay pout. Toinks.
MUKHA SIYANG TANGA. HAHAHAHAHAHA.
"Quit pouting!" nandidiring sabi ko sakaniya.
"Cute ba?" tas ngumiti ng pagka-lapad lapad
YOU ARE READING
Unexpected Catch
Teen Fiction"Aki, sa mga panahong mangmang pa 'ko sa lugar na 'to ikaw ang umalalay saakin. Walang gustong makipagkaibigan saakin. Pero ikaw. Ikaw na nakakaalam ng tunay na ako. Gago ako, tarantado, patapon ─ yan ang mga ugali 'ko na hindi mo inaasahan na meron...
