ONE
"Physics, is the pioneer of Science which is discovered by blah blah blah..."
Grabe. Inaantok ako. Super. 1st day na 1st day of class, heto kaagad inabot ko. Akala ko tuwing 1st day of classes eh may tradisyon na ginagawa which is called 'introduction'. Kung anong ginagawa doon, aba alamin mo! Ano ka siniswerte para turuan kita?
Pakiramdam ko naman habang nakayuko na nakapatong sa ulo ang naka closed-fist form na mga kamay ko na nakapatong ang siko sa desk ko eh palakas ng palakas ang boses ng teacher. Ugh here it goes.
"As what I have said, what is Physics?"
"Ay kabayo ka!"
Oo nagulat ako at nagising ang diwa ko ng wala sa oras. (As if namang natulog talaga ako) Bigla naman kasing pinalo ang desk ko ng malakas.
"I repeat, what is Physics?"
"Physics, *hinga malalim* came from the Greek word Physike which meand nature. It is a discipline of Science which deals eith the fundamental laws of nature." *sabay hikab* Pero syempre tinakpan ko naman yung bibig ko, hindi naman ako bastos nuu, kababaing dilag.
"That's not what I have said. But still you're correct. You did well... miss?"
"Alcaras"
"Oh. Miss Alcaras. You may sit down."
Mhrylle Aki G. Alcaras. 15 years old. 4th year HS at Alpha University. Nakatira sa Alca Ville. May business kami, ang pamilya namin, actually group of companies siya at isa ang Alca Ville ang pagmamayari namin. Kaya kung iniisip niyong mayaman kami, tama kayo.
*Riiiiiiiiiiiiiiing*
Yes recess narin sa wakas! Kanina pa 'ko nagugutom eh.
Pagkalabas ko ng room..
"Girl! Namiss kita!" *hug*
"Ako rin! Mas namiss kita!" *beso*
"Paano naman ako?" *pulupot sa braso*
Sila ang mga kaibigan ko. In order of lines, they are:
Ariella "Ella" Corpuz
-Sila ang may-ari ng isang sikat na shipping line hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Bigtime 'tong batang 'to dahil konting panahon nalang mapapasakaniya na ang resort nila sa Batangas. Mabait siya at Maganda. Pinagpapantasyahan ng karamihan sa kalalakihan dito sa University.
Ley Ann Enriquez
- Kung kela Ella shipping company, sakanila naman ay Mall. May lahi silang Ayala kaya obviously, sakanila lahat ng Ayala malls. 5 branches ang naka-assign sakanila. Isa pa 'tong bigtime. Katulad 'ko rin 'tong matalino kaya lang hindi siya nakaabot sa cut-off para sa section 1. Saaming apat, siya ang pinaka-manang! AS IN! Sa porma, sa salita, manang talaga. Ugh sayang pa ang ganda.
Kath Grazielle Santos
- They just own the biggest and the most popular clothing line IN THE WORLD. Take note, BUONG MUNDO. Tagalog na yan para maintindihan ninyo. Kaya no doubt, she's so fashionista in every inch of her. Siya nga ang palaging "Trendsetter of the year" sa isang magazine eh. OO SIKAT SIYA SA BUONG PILIPINAS pero hindi siya artista. She doesn't want daw na ma-over exposed (Nakiki-conyo eh no? Idol ko po si ate Frances eh sa Avah Maldita hihi) Tsaka pagsasayang lang daw ng oras iyon. She's known in her fashion statements kaya sya sikat. Saaming lahat, kung si Ella ay pinagpapantasyahan, si Kath naman crush ng bayan! Haha edi siya na. Pero humble yan, at mahinhin. At pag magalit, MAGTAGO KA NA KUNG MAHAL MO BUHAY MO.
KAMU SEDANG MEMBACA
Unexpected Catch
Fiksi Remaja"Aki, sa mga panahong mangmang pa 'ko sa lugar na 'to ikaw ang umalalay saakin. Walang gustong makipagkaibigan saakin. Pero ikaw. Ikaw na nakakaalam ng tunay na ako. Gago ako, tarantado, patapon ─ yan ang mga ugali 'ko na hindi mo inaasahan na meron...
