ONE ─ First

Mula dari awal
                                        

Sila ang mga kaibigan ko. but unfortunately, magkakaiba kami ng sections. Section 1 ako dahil matalino ako (BWAHAHA) Section 2 si Ley at Section 3 sina Kath at Ella. Kami ni Ley nahiwalay. AWTS. Pero ayos lang, magkakasama naman kani tuwing recess at lunch eh.

"Kayooo! Ang O-OA lang ha?" -ako

"So hindi mo kani namiss?" -Ella

"Namiss! Hehe GROUP HUUUUG!"

*huuuuuug*

"tara na!"

So ayun, nagpunta na kami sa canteen. Tas nakita namin, may commotion. Ano yun?

Puro nagtitilian. Puro nagsisigawan. Puro naghihiyawan. May rally ba?

"Ang gwapo niyaaaa!"

"Oo ngaa!"

"Akin ka na lang!"

"No! saakin siya!"

"Akin!"

"HINDI! Mga imbyerna kayo! Ambisyosa! Para saakin lang siya!"

Sige mag-agawan pa kayo. Mabuti yan.

"Ang gwapo nga" -Ley

Kaming tatlo nila Kath at Ella napatingin ng hindi kapani-paniwla kay Ley. Kasi naman, known for the fact na manang manang sya, eh hindi siya madaling maattract sa guys.

"Joke lang mga bruha. Haha tignan niyo kasi oh"

Tinuro niya yung lalaking pinagkaguluhan. So siya pala 'yun. Sa tingin ko bagong student lang dito, ngayon ko lang nakita pagmumukha niya eh.

"Ang gwapo nga!" -Ella

"You sure? Hmm pwede narin" -Kath

"Eh ikaw Aki, ano impression mo sakanya?"

Ako? Ano nga ba impression ko sakanya? Hmm eh mukhang normal naman siya. May bibig, mata, ilong, buhok, and etc. HAHAHA. Pero seryoso..

"Impression ko? Uhmm --"

Bago ko pa i-state yung impression ko nagtilian nanaman yung mga daga este babae. Eh kung hindi ako nagkakamali tumayo yung guy. TUMAYO LANG PALA EH, KELANGANG TUMILI?

"He's so gwapo talagaaa!"

"Tamaaa! Nakakainlove siyaaa!"

"Sana classmate ko siyaaa!"

"Whaaaaaa!"

Etc.

Whatever to them. Muntik ko nang makalimutan na nagugutom pala ako. Tsk. Dumiretso nako sa food stall, ewan ko kung sumunod yung mga kasama 'ko kasi for sure tulo laway nang mga yun.

Well I admit, that guy is good looking, yeah handsome for short. Pero hmmm, oo nga gwapo nga siya.

Yan tapos na 'ko magorder. Sumunod na pala yung mga kasama ko, mabuti naman at hindi sila tinamaan ng husto sa guy na yun.

Umupo muna ako saglit habang naghihintay. Nakita ko ulit yung guy na pinagkakaguluhan kanina, actually pinagkakaguluhan parin siya hanggang ngayon. Paalis na siya ng canteen, halatang new stude kasi magisa niya lang. Wow ha, magisa siyang pinagkakaguluhan, buti kinaya niya. Baka nawawalang artista 'to?

Pero bago siya makaalis, napatingin siya sa direksyon kung nasaan ako. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko our eyes just met. Then after that he smiled (at me?) Tapos tumingin na ulit siya sa dinadaanan niya at umalis. Halos mabingi na nga ako sa mga babaeng nasa likod ko hindi dahil kinilig sila saamin (chos!) kundi akala nila sila ang nginitian nung guy.

I wonder kung sino kaya 'yun? Ohwell.

Tapos na ang recess at may klase na ulit kami. Pero this time ganado na ulit ako, syempre may energy ulit eh.

Pero biglang pumasok yung adviser namin (Yung teacher din sa Physics kanina) eh hindi naman Physica ang klase namin ngayon, Econimics kaya. Hmm anong meron?

"Okay class before you start your class in Economics, I'll just introduce to you your new classmate. He's a late enrollee kaya ngayon lang siya nakapasok."

Oh new classmate. Sakto may bakanteng upuan sa tabi ko.

"Pasok ka na iho."

Sht! Nalaglag CP ko. Ene be yen. Pero habang pinupulot ko CP ko, naghihiyawan naman yung mga babaeng classmates ko. Kanina sa canteen, pati ba naman dito?

"Class, I mean girls. Be quiet, He'll gonna introduce himself"

Nag-scoff muna yung guy habang ako naghuhunting parin para sa CP ko. Letche kasi 'di ko alam kung saan bumagsak.

"Clayton Clarence D. Kim. I came from uhh.. other school obviously."

Yun lang? Yun lang sinabi niya? Pang speech na yun ah. Grrr gotcha! Nakita ko na rin ang mahal kong CP. Makikita ko narin sa wakas ang new classmate namin.

Pagkatayo ko, nakita ko ang isang pamilyar na mukha na nakatayo sa harap. Parang nakita ko na siya eh. Errrr.. Saan na nga ba yun? Hmmm.

AHHHHH. Siya yung guy na pinagkakaguluhan sa canteen kanina! Siya pala yun! So classmate ko pala siya. Owwww.

"Clayton! Dito ka nalang oh!"

"Dito oh sa tabi ko, malapit sa aircon"

"Sa tabi ko nalang Clayton, mabango naman ako oh"

Mga babaeng 'to. Napakadedesperada.

"Keep quiet! Clayton you may sit beside miss Alcaras."

May narinig akong side comments. Merong "Tss!" merong "Amp! asar!" meron ding "swerte naman". Hahaha natatawa nalang ako. Ang sarap kasing inisin yung mga kaklase ko lalo na yung mga babae.

"Okay miss Alcaras since you and mister Kim are seatmates, I assign you to assist him in his first days here. Tour him in the campus then give him a brief orientation about our school. Class, be good to Clayton, okay I'll go ahead."

Magtitilian pa sana yung mga kaklase kong babae kaso pumasok kaagad yung teacher namin sa Economics kaya naudlot. Haahha.

"Miss"

Uhh-okay? Parang may bumubulong  sa tabi ko ah. Weh, hangin lang yan.

"Psst!"

Ibang klaseng hangin naman yan, nag p-psst?

"Miss Alcaras"

This time mas firm at malakas yung boses. Huh boses? Akala ko ba hangin lang?

Napatingin ako sa tabi ko. Tinatawag pala ako ng guy este ni Clayton pala.

"Hi, I'm Clayton. You are?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Haha

"Ang pormal ah. Nosebleed ako."

"Oh ganun ba? Hmm sige"

Tas inayos niya sarili niya. Then again..

"Ako nga pala si Clayton, ikaw?

Tas inabot niya yung kamay niya saakin. Parang makikipag-shake hands.

Nakakatawa talaga 'tong lalaking 'to. Kung nakatrip siya, sakyan ko na nga lang.

"Ako si Mhrylle Aki. Just call me Aki"

Then nakipagshake hands ako at ngumiti sakanya.

"Nice meeting you"/"Nice meeting you"

Naks, sabay pa. Hahahaha.

Unexpected CatchTempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang