Chapter 70

16.8K 222 14
                                    

Chapter 70

We Can Make It

"David, nagugutom na ko," sabi ko sa kanya.

Bumalik sya sa swivel chair nya at pinagpatuloy yung ginagawa nya kanina. Binaba nya yung ballpen na hawak nya at tumingin sa'kin.

"What do you want to eat, baby?" malambing na tanong nya.

Umakto akong nag iisip pero wala akong maisip na kainin hanggang sa bigla akong nagcrave sa mga Italian food.

"Gusto ko kumain sa Stromboli's and Rolls."

Isang beses pa lang akong nakakakain dun. Medyo matagal na din yun dahil kasama ko pa si Lance nun.

"Okay, if that's what you want."

Tumayo sya sa swivel chair nya at hinila ang coat na nakasabit doon. Nagulat ako ng bigla syang lumapit sakin at hapitin ang bewang ko.

"Let's go," aniya ng nakangiti.

"May trabaho ka pa."

"Pero nagugutom ka na. Di ba sabi ko sayo lahat ng gusto mo gagawin ko. Tara na!"

Nagpatianod ako sa paghila nya sa'kin. Paglabas namin ng office nya ay nagbilin sya sa sekretarya nya.

Pagdating namin sa Strombili's and Rolls ay tumawag agad sya ng waiter. Inabutan nya sakin ang menu.

"I want this one.. Ellis Island Stromboli.. And this one, Broadway Chicken Bacon and Ranch Roll."

"Ayun lang?" tanong nya sakin.

Tumingin uli ako sa menu at tinuro ko iyong Wall St. Pepperoni Roll.

"Yun lang po, Sir?" tanong ng waiter.

Tumango si David at humarap sakin. "Madalas ka ba dito?"

Umiling ako. "Isang beses pa lang. Si Lance lang ang nagdala sakin dito dati."

Tumango tango sya. Kinuha nya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Hinawakan nya iyon ng mahigpit. Nagulat ako ng dalhin nya iyon sa tapat ng labi nya at hinalikan.

"I love you," sabi nya.

Nginitian ko lang sya. Kinikilig ako sa ginawa nya kaya hindi ako makapagsalita.

Mabilis na dumating yung order namin. Hindi ko na napansin gaano si David dahil naging abala ako sa pagkain sa mga inorder namin.

"Baby... dahan dahan," paalala nya sakin. I just smiled at him. Sobrang sarap ng pagkain nila. Pakiramdam ko gusto ko pa.

"Gusto ko pa."

Nakita kong nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko.

"H-ha? Ang dami mo ng nakain baka sumakit yung tyan mo."

Napanguso ako sa sinabi nya. "Gusto ko pa." Feel ko para kong batang nagtatantrums pero kasi gusto ko pa. Ang sarap ng pagkain nila.

Inorder ko iyong Mulberry St. Sausage Roll. Hindi pa ko nakakalahati doon ay naramdaman ko ng sumakit ang tyan ko. Pakiramdam ko masusuka ko.

Nang hindi ko na mapigilan iyon ay nagmamadali akong tumayo sa upuan ko at hinanap ang cr. Pagpasok na pagpasok ko doon sa sinuka ko lahat ng kinain ko.

"Athena!" Nagulat ako ng pumasok sa loob si David. Pinagtitinginan sya ng ilang mga babae na nasa cr. "A-are you okay? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"

Umiling ako sa kanya. Biglang sumakit ang tyan ko. Pakiramdam ko masusuka na naman ako. Nakaramdam din ako ng biglaang pagkahilo.

"U-uwi na tayo," sabi ko sa kanya. Kumapit ako sa braso ni David at hinila sya palabas ng cr.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon