Chapter 61

14.8K 176 5
                                    

Chapter 61

His Fears

"Are you happy right now?" tanong sakin ni David.

Nandito kami ngayon sa rooftop ng condo unit na binili ko kung saan una ko syang nakita pagbalik ko galing Amerika. Pinaalis kami nila Lance kanina para makapag usap daw kami ng maayos.

"Oo naman," nakangiting sagot ko sa kanya.

I can't feel the pain anymore unlike before na sa tuwing tinitignan ko sya may kirot pa din akong nadarama.

"Thank you for giving me a second chance, Athena. Don't worry, this time I'll make it to you. No more secrets. No more lies. Hindi ko na itatanggi yung nararamdaman ko para sa'yo."

Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Tinignan ko sya ng diretso sa mga mata. Ano nga bang dahilan kung bakit tinanggi nya iyon noon?

Tila nabasa naman nya ang nasa isip ko. Kinuha nya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko at hinawakan nya iyon ng mahigpit.

"I've been such a jerk before, Athena. Kung naaalala mo lagi kong sinasabi sa'yo nun na maghintay lang tayo ng tamang panahon. Natatakot kasi ako..." Tumahimik sya at inalis ang tingin sakin. Muli nya ding binalik iyon at lalong humigpit ang hawak nya sa kamay ko.

"The moment I heard from you that you love me hindi ko mapaliwanag yung sayang nararamdaman ko. But I'm a jerk. I'm a coward. Natakot ako. Natakot ako na ipakita sayo yung totoong nararamdaman ko. Natatakot ako na masaktan. Natakot ako na baka kung kailan mahal na mahal na kita bigla mo kong iwan."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Seeing him at this moment parang hindi ko kayang tumagal na titigan ang mga mata nyang punong puno nh emosyon. I can clearly see how afraid he is.

"My mom passed away when I was seventeen years old. I was in first year college during that time. She has a cancer. Then we found out that my father has another girl... Hindi ko matanggap iyon. Na habang nagsasuffer ang mommy at nahihirapan sa mga therapy nya nagpapakasaya ang daddy ko sa babae nya. But what hurts me the most is, kahit na alam ng mommy ko na may ibang babae ang daddy hindi sya tumigil na mahalin ito. Naiinis ako. Nagagalit ako sa daddy ko. Wala syang kwenta. Ni hindi nya man lang inalagaan ang mommy ko. Kahit dalawin sa ospital hindi nya nagawa. Namatay ang mommy ko na wala syang ginawa para humingi ng tawad sa kasalanan nya."

Hinigpitan ko din ang hawak ko sa kamay nya. I didn't know na ganito pala ang naranasan nya. Kaya pala. Now, I know. Now, I understand everything. Hindi madali yung mga pinagdaanan nya.

"I-I can't open myself to you. Akala ko kasi okay na yung ganoon. My mother passed away. My father cheated on her. Then, I found that my ex girlfriend also cheating on me. Pinilit kong kayanin lahat ng iyon. Nakaya ko naman na mag isa... akala ko kaya ko din yun ngayon. Until you gone.. Akala ko pinakamasakit na karanasan ko na yung nawala ang mommy ko. Pero mas doble pala yung sakit nung nawala ka... pati yung baby naten."

Tears falling down from his eyes. Lumapit ako ng kaunti sa kanya para mayakap ko sya. Pinikit ko ang mata ko ng marinig ko ang paghikbi nya. Nanlamig ang buo kong katawan ng maramdaman ko din yung sakit na dala dala nya.

All this time, akala ko ako lang ang nasasaktan. Hindi ko alam na nasasaktan din pala sya. Hindi ko alam na nahihirapan din pala sya.

"S-sorry... I didn't know. If only I knew that you we're pregnant hindi ko sana hinayaan si Crizelle na itulak ka. Hindi na sana kita sinigaw sigawan pa," umiiyak na sabi nya. Hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya.

Natanggap ko na yung nangyari na yun. I can no longer feel the pain everytime I remember that horrible thing. Sinabi ko na lang sa sarili ko na kailangan ko na lang mag ingat sa susunod para hindi na uli maulit yun.

"Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari nung mga panahon na iyon... Sorry kung nadamay ka pero totoong mahal na kita. Mahal na mahal kita. Hindi ko lang naparamdam dahil naging kumplikado ang mga sitwasyon." Tumahimik sya sa pagsasalita. Kumalas sya sa pagkakayakap at tumingin sa mga mata ko. "My dad went to see me. He's asking me to marry Crizelle. Maniwala ka sa hindi ginawa ko ang lahat para hindi matuloy yung gusto nya. The hell I care with him! Ang tagal nyang hindi nagpakita sa'kin tapos bigla syang babalik sa buhay ko at didiktahan ako kung ano ang dapat kong gawin."

So, totoo pala na ikakasal nga dapat sila. Hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon at hinayaan ko sya na ituloy ang susunod pa nyang sasabihin.

"Our engagement are all over the world. Mabilis na kumalat iyon sa social media.. I'm afraid that you might read it kaya nagsagawa ako ng interview dahil ayokong isipin mo na si Crizelle ang talagang mahal ko."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Naalala ko yung interview na nya na nakita ko sa Youtube noon. Hindi ko tinapos iyon dahil hindi ko kayang marinig na iaannounce nya sa buong mundo na ikakasal na sya kay Crizelle. Hindi kaya ng puso ko.

"Sinabi ko na sa kanila na hindi ako magpapakasal kay Crizelle at sa kahit na sinong babaeng nalilink sa'kin. I won't marry them unless that girl named Princess Athena Agustin."

Damn it! Akala ko tungkol sa kanila ni Crizelle iyon. Hindi ko alam.

Nagsimula na din tumulo ang mga luha ko. Nasasaktan ako para sa'min ni David. Dahil lang sa hindi kami nagkaintindihan lumaki na nang lumaki yung problema namin.

Now, that I understand his reasons. All I need to do is to trust him. Naiintindihan ko na kung bakit natatakot sya. Nakakatakot naman kasi talaga ang mga nangyari sa kanya. Ngayon, mas lalong umigting ang pagnanais ko na makasama sya. I want him to be happy. I want to take away all his pain. His fears. I won't leave him. That's promise..

"I love you, David." I kissed him after saying those words.

"I love you more," he replied.

I can't promise him the forever but as long that I have him I wouldn't mind it spending with him.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon