Chapter 69

14.9K 184 0
                                    

Chapter 69

Someone

"Nakipagkita ko sa daddy mo," pagbibigay alam ko kay David.

Dumiretso ako sa office nya pagtapos naming mag usap ng daddy nya. Ayokong ilihim sa kanya ang bagay na iyon kaya sinabi ko sa kanya. Ayokong pagmulan ng away namin ang tungkol doon. Nakita kong nagulat sya at tumingin sa gawi ko.

"W-what?" gulat na gulat na tanong nya.

"Nakipagkita ko sa kanya kanina," ulit ko.

Tumayo sya sa swivel chair at naupo sa tabi sa sofa. Hinarap nya ko sa kanya.

"A-anong ginawa nya? Did he hurt you?"

Natatawa kong inalis ang kamay nya sa magkabilang balikat ko. I smiled at him.

"Ano ka ba? Bakit naman nya ko sasaktan? Nag usap lang kami. Nagthank you sya sa'kin. He thank me for loving you."

Nawala ang pag aalala sa mga mata nya. Napalitan iyon ng galit at nakita kong kumuyom ang palad nya. Hinawakan ko iyon at pilit kong pinagsalikop ang mga kamay naming dalawa.

"David.." tawag ko sa pangalan nya. "G-galit ka ba sa daddy mo?" Hindi ko alam kung tama ba iyong tinanong ko sa kanya. Hindi sya sumagot. Iniwas nya ang mga mata nya sakin.

"Wala ako sa posisyon para pagsabihan ka. Hindi ko naman alam kung ano yung mga pinagdaanan mo. Wala ako sa posisyon mo kaya hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo. Pero sana bigyan mo pa ng pagkakataon ang daddy mo. Kahit na anong gawin mo, sya pa din ang ama mo. Hindi nga siguro sya naging mabuting ama sayo pero ipakita mo sa kanya na mabuti kang anak na kayang magpatawad."

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya. Hinarap ko ang mukha nya sakin. Nang magtama ang mga mata namin ay halu halong emosyon ang nakita ko sa mga mata. It is a mixture of pain, loneliness and angry.

I don't know what exactly happened to their family. Ayokong magsalita ng kung anu ano dahil hindi naman ako ang nasa posisyon nya. Hindi ako yung nakaramdam ng sakit sa mga pinagdaanan nya. Pero sana bigyan nya pa ng pagkakataon ang daddy nya.

Everybody deserves a second chance. Bakas sa mukha ng daddy nya ang pagsisisi sa mga nagawa nito sa kanila. Kitang kita ko sa mga mata nya iyon habang nag uusap kami kanina.

"Why, Athena?" tanong nya sakin. Hindi ko alam kung para saan iyon. "Bakit madali para sa'yo ang magpatawad? Bakit ba ganyan ka kabait? Alam mo ba kung anong ginawa nya? Wala naman na kong pakelam sa kanila ng babae nya. What matters to me is nung pinangunahan nya ako na ipakasal sa iba ng wala akong alam. Kung anu ano din ang mga sinabi nya sayo na lubos na ikinagagalit ko. Damn that old man! He don't have the rights. Wala sya sa disposisyon para panghimasukan ang buhay ko. At hindi ka din nya kilala para pagsalitaan ng kung anu ano."

"Kung iyon ang dahilan mo kung bakit ka nagagalit sa kanya, kalimutan mo na lang yun. I understand your father. Natural lang na pag isipan nya ako ng masama. Pagsalitaan ng kung anu anong mga salita. He has the right, David. Because he's your father. He cares for you. Siguro kaya nagawa nya iyon dahil gusto nya na makasiguro na sa mabuting tao ka mapupunta. He wants the best for you."

Nginitian ko sya at pinisil ko ang palad nya. Hindi ko sya pipilitin na patawarin agad ang daddy nya pero sana wag nyang isara ang puso nya para dito.

"Nag usap na kami, David. Hindi ko alam kung nagustuhan man nya ang mga sinabi ko pero pinaliwanag ko naman sa kanya na mabuti ang hangarin ko sa'yo. Na totoo yung nararamdaman ko para sa'yo. Sinabi ko sa kanya na ikaw ang mahal ko at ikaw lang ang mamahalin ko."

"Damn! A-ano bang nagawa ko para bigyan ako ng isang tulad mo?"

Niyakap nya ako ng mahigpit at ginantihan ko iyon.

"You don't need to think a reason why I love you, David. Hindi ba pwedeng deserved mo lang ang magkaroon ng magmamahal sayo ng totoo tulad ko kaya binigay ako sayo?"

"I love you..." sabi nya at hinarap ako. Hinalikan nya ako sa noo at tinitigan ang mga mata ko. "H-hindi ko alam kung kaya ko bang patawarin si Daddy sa mga nagawa nya. But I'll give it a try. Kung ikaw nga napatawad mo ako sa mga nagawa ko sayo, sa tingin ko magagawa ko din iyon pero hindi ko alam kung kailan. I think I need more time..."

"Okay lang yan. Hindi madali magpatawad lalo na kung sobra kang nasaktan ng taong yun. Basta ang importante gusto mo syang patawarin. In time, mawawala din yang galit mo."

Hinalikan nya uli ang noo ko. Hinapit nya ko palapit sa kanya at pinasandal nya ko sa dibdib nya.

"Athena, nasabi ko na ba sayo kung gaano ako kathankful na minahal mo ako?"

Umiling ako sa kanya.

"Pwes sasabihin ko uli sayo. I am so thankful for having you, Athena. Hindi ko alam kung kailan ko unang naramdaman na mahal kita. Basta ang alam ko masaya ko kapag kasama kita. Everytime I see your smiles. I hear your laughter, napapasaya mo ako. H-hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala ka sa buhay ko. Your my life now. Your my everything. My heart is yours. Without you, I don't know if I can go on with my life."

Naiiyak ako sa sinabi nya. A-akala ko maririnig ko lang sya na magsalita ng ganito kapag lasing sya katulad nung nakaraan.

"I'm also thankful for having you, David. Wag kang mag alala hindi ako mawawala sa buhay mo. Dahil hindi ko din alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa piling ko. I can't imagine my life without you. H-hindi ko kaya. Iniisip ko pa lang nasasaktan na ko."

"I love you," sabi nya.

"I love you more."

Hinalikan nya ako pagkatapos kong sabihin yun. A deep kisses. Sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon.

Love is not all about relationship nor lust. It's not all about physical contact and being with him 24/7. Love is all about the feeling that finally you have that someone in your life you wanted to be with for the rest of your life. It's all about feeling respected, understood and appreciated. It's all about the feeling of being secured and having a peace of mind that you will wake up not being cheated. And I thank God that I finally found that someone. I am deeply inlove with David.

Just Lust (DMS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon