Chapter Thirty-One: Shutter Island

Magsimula sa umpisa
                                    

Madalas kasi silang mag-usap sa teleponi ni Gin noong nasa Amerika pa ito.

Hindi ito kumibo. Tumingin uli sa malayo. Napabuntong-hininga uli si Ricky. Silent mode na naman.

"Is it new girl?" nakakunot ang noong sabi. Natigilan si Ricky ng makitang nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Gin. Napakurap si Ricky. "You mean to say...may babae ka sa Manila?" nakangangang tanong. "Kakauwi mo pa lamang may bago ka na naman!"

Tiningnan nito nang masama si Ricky. "Two months na ako dito!"

Natawa si Ricky. Napailing-iling. "So may new girl nga. So anong problema?"

Inis na ipinikit nito ang mga mata. At sa paputol putol na kwento ay nakatanga lamang si Ricky.

"S-Si Alex Monteverde ang bago mong babae?" nakangangang tanong uli.

Gin's Point of View

Kung pwede ko lamang dagukan si Ricky ay ginawa ko na sa haba ng kwento at ng sinabi ko eh pangalan lamang ni Bella ang nakuha.

I could feel my longing. Ngayon na nabanggit ang pangalan niya. I swallowed hard. Inalis ko doon ang isip.

"You know her?" Nakakairita na halos lahat yata ng lalaki sa ginagalawan kong mundo ay kilala si Bella.

Sabagay, she owns St Michael and she is the only heir ng MGM Group of Companies.

Napakurap si Ricky, parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Kung ang Alexandra Monteverde na sinasabi mo ay may-ari ng St Michael, then I know her," sa natitigilang sabi. "Siya ang babaeng muntik ng pakasalan ng pinsan ko."

Napaunat ako sa pagkakaupo nang marinig ang sinabi nito.

"What?!"

Ilang saglit na hindi ito kumibo. Tila nag-iisip.

Inis na sinigawan ko ito. "Hoy, Ricky magsalita ka! Paanong papakasalan niya ang girlfriend ko?!" Bigla akong nakaramdam ng kaba. Alam ko na maraming lalaki na nauna sa akin.

Pero ngayon ko lamang nalaman na may lalaking ginusto ni Bella na pakasalan. Sa naisip bigla parang gusto kong magwala sa galit.

Napatingin sa akin si Ricky. "Akala ko ba nagpapanggap ka lamang na boyfriend niya?"

Naningkit ang mga mata ko. "Pwede ba sumagot ka na lamang. Sinong pinsan mo ang balak pakasalan si Bella?"

He sighed. "Si Lance. They have met during her 1st year."

Shit! Ganon katagal?

"And what happened?"

He didn't speak. Tumayo na ito. Nakatangang napasunod ang tingin ko dito. "Hoy! San ka pupunta!"

Tumigil ito at nilingon ako. Seryoso na ang mukha ni Ricky.

"A piece of advice. Ibaling mo na lamang sa iba ang pagtingin mo kung meron man, Gin. Alex loved my cousin and she hurt him dahil inayawan siya nina tita. Inayawan siya dahil sa eskandalo sa pamilya niya. And I am sure aayawan din siya ng pamilya mo dahil doon."

Umalis na ito.

Naiwan akong natitigilan.

GABI na and yet hindi ako dalawin ng antok.

Umaalingawngaw sa akin ang sinabi ni Ricky. Ang kwento ni Bella at ng Lance na yon. Nakaramdam ako ng galit. Ni hindi nito nagawang ipaglaban si Bella sa mga magulang.

Pakakasalan nito si Bella. At pumayag naman si Bella...

I filled my lungs with air. Bakit ganito ang bigat sa dibdib? Hindi ko matanggap na may ibang pinag-ukulan si Bella ng pagtingin maliban sa akin.

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon