Chapter 1

27 3 0
                                    

Ashley's POV

Nandito ako sa bahay ni Wade.

Alam niyo, kahit sinabi niya na gusto niya akong pakasalan. Ganun pa rin yung ugali niya pagdating sa akin. Akala mo nga walang nangyari.

At ang sabi pa niya na 'wag muna daw naming sabihin kahit kanino.

Wala na ngang ring na binigay sa akin, hindi pa pwedeng sabihin sa ibang tao.

Arte ko? Gusto ko lang naman ng maayos na proposal. Maayos naman yun kaso parang hindi pinaghandaan. Pero gusto ko yung luluhod siya sa harapan ko at bibigyan niya ako ng ring.

Napaka-special nun sa mga babae.

Pero siya, parang wala lang sa kanya. Basta masabi niya lang ang gusto niya, tapos na.

Ganda diba?? Napaka-memorable at Unforgettable.

Hays.

"Anong itsura yan. Mukha kang nalugi." Sabi niya at tumawa.

Ayan na naman siya. Magsisimula na naman siyang mang-asar at pagtitripan na naman ako.

"Wala ka bang magawa sa buhay mo? Lagi mo na lang akong inaasar at pinagtitripan. Makaalis na nga." Sabi ko at umalis.

Nakakainis na siya.

Wade's POV

Sinundan ko siya. Tinignan ko kung makakaalis siya.

Binilin ko kasi dun sa guard namin na 'wag siyang papalabasin.

"Alis na po ako." Sabi niya dun sa guard.

"Ma'am, bawal po kayong umalis." Sabi nung guard.

"Ha? Bakit naman po?" Tanong ni Ashley.

"Pina-utos po ni Sir. Wade." Sagot nung guard.

Tumingin sa akin si Ashley.

"Alam mo pa lang nandito ako." Sabi ko at lumapit sa kanya.

"Syempre. Hindi ako tanga. Alam kong sinundan mo ako." Sabi niya.

"Ah. Matalino." Sabi ko.

"Nang-iinis ka ba talaga?" Tanong niya. Ang sama ng tingin sa akin.

"Bakit ba kasi ang init ng ulo mo?" Sabi ko.

"Wala kang pake!" Sabi niya.

"Okay." Sabi ko at bumalik na loob ng bahay.

Alam ko namang sinundan niya ako.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko.

Walang sumagot.

"Ashley, ano? Tulala ka na lang diyan? Bahala ka." Sabi ko.

Ashley's POV

"Gusto ko ng umuwi." Sabi ko.

"Ano?" Gulat niyang sabi.

"I want to go home!" Sigaw ko.

"Pagabi na. Delikado na sa kalye." Sabi niya.

"Nakauwi na siguro ako kung hindi mo ako pinipigilang umuwi. Kanina ko pa kayang gustong umuwi. Kaninang-kanina pa." Sabi ko.

Alam niyo ba na ayaw niya akong pauwiin.

May ibibigay kasi akong cake kay Tita. Kaso inakit niya akong mag-almusal kasama sila. Nahiya naman akong tumanggi dahil nga dun sa nangyari. Kahit alam kong matagal na yun. Syempre, nakakahiya pa rin yun.

Kanina pa ako ditong umaga. Dito na nga ako nag-almusal at nagtanghalian. Gusto pa ni Wade na dito ako maghapunan. Nakakahiya na siguro yun.

Umalis na nga si Tita at Tito para pumuntang trabaho at si Niccolo may tutor class.

Fate Played WellWhere stories live. Discover now