Bakit ganoon? Ano bang turing niya sa'kin? Kinakabahan ako maigi at bigla hinawakan ng mahigpit ni Rious ang kamay ko.

"Pagtapos po? Edi magkaka-anak ulit kami tapos titira sa iisang bahay." matapang niyang sagot sa papa niya na nagbibigay lakas sa'kin.

"Ganoon ba?" tinignan niya ulit ako.

"Sige mamaya ulit kita kakausapin, mapunta tayo sa magaling kong anak." Tumingin siya kay Daniel at ngumiti sabay biglang sampal niya dito kahit na mahina pa si Daniel.

Tumilapon si Daniel sa sahig na kinagulat naming lahat, lalapitan ko sana siya kaso pinigilan ako ni Danrious.

"Mahal kong anak, ito ba ang isasalubong mo sa'kin pag-uwi ko?" Hawak-hawak ni Daniel ang mukha niya na may dugo galing siya ilong niya.

"Alam mo ba malaking parte ng kompanya na'tin ang mawawala dahil sa katangahan mo?" Nakangiti pa rin siya habang sinasabi iyon sa anak niya. Ngiting hindi ka matutuwa.

"Pasensiya na po papa," inalalayan niya si Daniel tumayo at hindi binibitawan ang kamay nito.

"Ayos sana eh, kung hindi lang tanga ang kuya Daryl mo," at bigla n'yang tinulak nang malakas si Daniel kay Sir Daryl kaya napasigaw na ko at sila ate Sol.

Natumba silang dalawang at humampas sa pader, na nginig ako sa takot dahil sa lakas niya. Lalong humigpit ang kapit ko kay Danrious dahil baka saktan din siya ng papa niya.

"Ate Sol ipasok mo si Darenn sa kwarto." utos ni Sir Daryl kay ate Sol pero pinigilan siya ni Sir Danilo.

"Teka lang bakit mo naman ilalayo ang bunso ko sa'kin? Ito ang welcome party niyo sa ama niyo pagtapos ng lahat hindi ba? Maganda na 'yung bata pa lang siya ay alam niya na kung kanino siya susunod." nakangiti pa rin siya habang sinasabi 'yon, hindi na wawala ang nakakatakot niyang ngiti sa mukha habang isa-isa niyang sinasaktan ang bawat isa sa anak niya.

"Daryl anak ko, akala ko matino ka? Bakit pumatol ka sa pinsan mo?" Napaiwas ng tingin si Sir Daryl sa ama niya.

"Asan na siya ngayon? Bakit hindi ako masalubong ng magaling kong pamangkin?" Walang umiimik samin kahit isa.

Puro takot at kaba ang nararamdaman mo sa bawat isa. Lalo na ng muli niyang ibalik ang tingin samin dalawa ni Danrious.

"Ms. Alberona tama ba?" Tumango ako at bigla akong tinago ni Danrious sa likod niya.

"Wala siyang kinalaman dito papa." depensa agad ni Danrious sa papa niya.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko, kinakausap ko ang munting binibini sa likod mo." inilahad niya ang kamay niya sa'kin na parang inaaya akong sumama sa kaniya pero hindi siya pinayagan ni Danrious na kinagalit ng papa niya.

"Lahat talaga kayo suwail ano? Lahat kayo nagmana sa mga ina niyo!" tahimik lang kami at siya ay palipat-lipat ang tingin sa bawat isa sa kanila.

"Ikaw Daryl, para kang si Scarlet masyadong mataas ang pangarap at gusto lahat ay sa kaniya iyan tuloy maaga na wala lahat sa kaniya." umupo ito sa sofa at masayang ipinamukha sa bawat anak niya ang kamalian nila.

"Kayong kambal, mana rin kayo sa ina niyo na walang ginawa kundi ang magpakasaya. Hindi niyo alam huling huli ko bawat galaw niyong dalawa." At Tumingin siya kay Sir Darenn na ngayon ay papaiyak na.

"At ikaw mahal kong bunso, mahal na mahal ko ang mama mo pero katulad mo sobrang ilap niya rin sa'kin. Hahaha, kaya lahat sila pinatay ko." 'yung huling salita na iyon.

Salitang umeko sa buong silid at nagbigay ng sobrang bigat napakiramdam sa bawat isa samin.

Nanginginig sa galit si Sir Daryl na tumayo at tumingin sa ama nila na kampante lang na nakaupo.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now