Prelude

83 4 0
                                    

Ako si Alice Owen

Sabi nila kamukha ko daw si Snow White.

Maputi ang kutis na parang snow. 

Mapupula ang labi.

Maitim ang maikling buhok.

Katulad niya.

"Alice, may naghahanap sa'yo." tinignan ko ang babaeng tumawag saakin. Tumango lang ako at naglakad palabas ng room. Hindi pa ako tuluyang nakalabas, nakarinig ako ng mga bulungan.

'Grabe, parang napalibutan ng yelo ang paligid. Ang cold niya.'

'Hindi ka man lang pinasalamatan? Walang respeto.'

'Ang sama ng ugali.'



Ibang-iba ako kay Snow White. Kasi si Snow White ay isang masayahing tao, mabait at matulungin. Ako? Kabaliktaran niya ako.

Moody akong tao. Wala akong pakielam sa mga nakapaligid saakin, wala akong paki kung may natatapakan na pala ako. Wala akong paki kung nasusunugan na ang kapit-bahay namin. Wala akong paki kung end of the world na tapos madaming tao ang namamatay sa harapan ko. Ang mahalaga ay walang may nangyare saakin na masama. Selfish di'ba? Hindi ko kailangan ng kaibigan, kaya ko na ang sarili ko. Hindi naman sila ang kawalan. 

Tinignan ko ang naghahanap daw saakin. May nakita akong lalaki. Nakatalikod siya kaya hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha. Pinagmasdan ko ang likod niya. Matangkad siya kaysa saakin, hanggang balikat niya lang ako. Maayos ang pagkasuklay ng buhok brown niyang buhok. Moreno siya. His body wasn't mascular, tama lang. 

   Ano ang kailangan niya saakin? 

Unti-unti siyang lumingon sa kinaroroonan ko.   Tila nag-islowmo ang paligid, hinihintay ko na tuluyang makita ang mukha niya. Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit parang may mga hayop na nagrarambulan sa loob ng  tyan ko? Ano ang nangyayare saakin. Nakakatakot. Mamamatay na ba ako?

"Ikaw ba si Alice?" boses pa lang niya ang narinig ko pero parang gusto ko ng sumabog. Hindi ko alam kung bakit. 

Diretso ang tingin ko sa mukha niya. Kitang-kita ko na siya ngayon. Ayoko man aminin, pero ang gwapo niya pala. 

Dugdugdug

Ano 'to? Sino siya? Bakit para akong nababaliw ngayon?

"S-Sino ka?" Sa wakas, nagawa ko na rin magsalita. Hindi ko pinahalata sakanya na nagiging mahina ako. Malamig ko siyang tinignan. 

Ngumiti siya saakin. Pakiramdam ko mahihimatay ako sa ngiti niya. Pakiramdam ko tutulo na ang mga laway ko. Ang gwapo-gwapo niya. Ang cute ng mata niya nung ngumiti siya saakin. SAAKIN. 

Kanina ko pa 'to nararamdaman. Weird.  Tama nga ba ang iniisip ko? Possible ba?

"Ako si France, ang research partner mo." 

...Na nahulog ako sa lalaki na ngayon ko lang nakita?

Courting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon