My whole body shook in pain, in anger, in anguish---halo-halong emosyon. I walked even faster. Na tila ba hinahabol ako ng kung sino. O ng kung ano, parang nabalik ang dati na pinagbubulungan ng mga kaklase ko ang nangyari sa akin. Na halos ayaw nila ako kausapin. Eventually nilipat ako ni Attorney De Vera ng eskwelahan until I finished my senior high school at saka ako bumalik ng St Michael.
Tumatawa sila.
Nagbubulungan. Pinag-uusapan nila ang Papa ko na nagpakamatay dahil sa malandi ang nanay ko. My tears are flowing now, inis na pinahid ko iyon.
Nagulat na lamang ako nang maramdaman ang mahigpit na pagyakap sa akin ng kung sino mula sa likuran ko. Saka pa lamang naging malinaw ang paningin ko. Napatingin ako sa paligid. Malayo na ako sa maingay na nagmumula sa mansyon nina Gin. Malayo na ako sa mga mapanuring tingin ng mga tao.
Malayo sa mga matang alam na alam ang buong buhay ko at ng pamilya ko.
Nakaramdam ako ng pangingilid ng luha. Shit.
"Stop, sweetheart," narinig kong usal ng lalaking yumakap sa akin. Saka pa lamang ako tila hinang hina na napasandig sa dibdib nito kasabay ng mahinang pag iyak.
"I hate her! I hate her! I hate her!" umiiyak na hagulgol ko sa dibdib niya. Ramdam na ramdam ko yung poot para sa babaeng naglabas sa akin sa mundong ito. Siya na nagdala sa aking Papa para kitlin ang sariling buhay. Siya na nagdala sa akin sa nakakahiyang sitwasyon.
Nanlalaki ang aking ina.
Kaya nagpakamatay ang Papa.
"Hush! Sshhh! Tama na," alo ni Gin na masuyong hinahaplos ang likod ko. "Tama na," his voice is hoarse na tila ba nahihirapan na makita ako na umiiyak. Masuyong hinalikan niya ang ulunan ko.
"Take me home, Gin. Take me home, please."
He held me closer. "Okay."
Gin's Point of View
Kinuha ko mula sa drawer ng kwarto ko ang susi ng kotse at nagmamadaling bumaba. Bella is waiting outside.
"And where do you think you're going, young man?"
Natigilan ako nang makita ko ang Papa na nasa ibaba ng hagdan. Napahinto ako sa pagmamadaling pagbaba.
"Ihahatid ko si Bella."
"You are staying. Marami kang bisita na kailangan mong pakiharapan, Carlos," matigas ang tinig nito.
I smirked. "Bisita mo, Papa, not mine. This party is all about politics and your political campaign," galit na sabi ko.
"For your future," he reiterated firmly. "Hindi ka aalis ng mansiyon at sasama sa babaeng iyon!"
Natigilan ako. Naningkit unti-unti ang mga mata ko. "Come again, Papa? Babaeng iyon? I have brought Bella here hindi para ipahiya siya. She is my only guest at nabastos nyo pa!"
Tarantang napapasok sa loob ang Mama ko nang marinig ang malakas na sagutan namin ng Papa.
"What's wrong with you two? At this height of our party and with so many people saka nyo pa ipapakita how you both hate each other!" galit na sabi ng Mama. She sighed as she looked at me. "Go, ihatid mo na si Isabella, I am sure she is not feeling okay. But hurry up, Carlos."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ng Papa. Nagmamadaling umalis ako sa harapan nila.
I LISTENED to her. Mula nang nakilala ko siya wala akong alam sa family background niya. Ngayon ay alam ko na kung bakit ayaw niya na pag-usapan ang kanyang Mama.
She shivered as she continued storytelling how she saw her own father bathe on his own blood, napahigipit ang pagkakayakap ko sa kanya. I couldn't imagine at 13 she will see that kind of horror to her own father.
"Hindi ko maintindihan, bakit? Bakit ginawa ng Papa yon? Hindi na ba niya ako mahal? Na okay lamang na maiwan ako na mag-isa?" she cried softly in my arms and my heart is melting.
I didn't speak. Dahil tingin ko walang salita na makakapawi sa nararamdaman niya.
"Sumama ang Mama sa ibang lalaki, Gin. Ganon siya kasama! Ganon siya kalandi! Sumama siya sa ibang lalaki! Malandi siya, malandi siya!" Her cries are full of rage and hatred. At nasasaktan ako lalo na nakakaramdam si Bella ng ganito sa kanyang Mama.
Parang ako din kay Papa.
Nang ipabugbog ako ng Papa sa mga tauhan nito para turuan ng leksyon.
Bakit nga ba may mga magulang na ganoon?
Na kayang saktan ang anak? Na gustong magdusa ang anak?
Hindi ba dapat minamahal nila ang mga anak nila imbes na pinaparusahan? I held her closer to my body, na para ba itong batang paslit na naghahanap ng kalinga.
"Hush, sweetheart," sa piit na tinig ay tanging nasabi ko lamang. Alam ko kasing walang makakapayapa sa loob ni Bella. She has her own demon to deal with. And she can deal with it all by herself. She is a strong girl.
She always is.
I could feel my own heart constricted with pain as I heard her soft cries. Malayong-malayo sa Bella na una kong nakilala.
At malayong malayo sa babaeng ginawa akong pustahan para sa isang kotse!
VISIT Forgotten Memories Page on Facebook
www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady
Forgotten Memories Hardbound Bundle Year 2023 PRINTING (new cover)
If you haven't added yet any Forgotten Memories Writer's Edition, this is your chance to keep them in the hardbound and new cover. JOIN our Year 2023 PRINTING for the hardbound bundle.
READ these stories FOR FREE once you become one of FM Hardbound Bundle Buyers:
1. Forgotten Memories Book 1 (uncut)
2. Forgotten Memories Book 2
3. With You
OR COMPLETE your FM Trilogy experience once you read Forgotten Memories Book 3 online
SEND us a message on Facebook: www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories Book 1 (2013)
General FictionEugenio Carlos or Gin is perfect. He is tall, handsome and he has money. He is the only son of Governor De Villa. And not to add he will inherit the throne of his father as governor someday. But love is not the reason why she chose to be with him...
Chapter Twenty-Eight: Meet the Parents
Magsimula sa umpisa