"Hmm. Mukhang masarap yung ulam mo ah.", Sabi ni Izza.

"Tumigil ka nga jan Izza. Kakakain lang natin. Salamat na lang Mika. Tapos na kasi kaming kumain eh. Salamat ulit.", Nginitian ako ni Jahz.

Ok. Sayang masarap pa naman yung ulam ko pero tama si Jahz kakatapos pa lang nila kumain kaya tingin ko hindi na sila nagugutom pa. Hay~ makakain na nga lang dito. Nagulat ako nung may kumuha sa pagkain ko. Isa sa mga kaklase kong lalaki yung kumuha.

"Wow! Corned beef ang ulam mo. Mika wala ka bang joke dito? Tingnan mo yung corned beef mo lumilipad.", Biglang tinapon ng lalaki yung ulam ko.

"Hoy! Tumigil ka nga jan!", Sabay kaming napatingin kay Jahz pagkatapos dali-daling tumakbo palabas yung kaklase kong lalaki.

Tsk natakot kay Class President.

"Paano ba yan Mika baka gutom ka pa.", Sabi nung isa sa mga kaklase kong babae tapos nagtawanan sila kasama yung mga kaibigan niya.

"Mika. Wag mo silang pakinggan. Halika linisin na lang natin tong kalat.", Sabi sa akin ni Jahz.

"Jahz. Pati yang si Mika walisin mo na din ha. Hahahah!", Pahabol pa ng babae.

"Jahz. Hindi na ako makapagpigil. Gusto ko nang patulan yung mga babaeng yan.", Narinig kong sinabi ni Izza.

"Wag. Hayaan mo lang sila. Mga walang magawa yan sa buhay kaya nagpapapansin. Halikana Mika linisin na natin 'to.", Nginitian ako ni Jahz. Bat ba ang bait-bait mo?

Pero yung mga iba nating kaklase parang pinagtri'tripan lang ako. Kapag nakikinig naman sila sa mga kinukwento kong mga jokes natatawa sila pero bat ngayon ako naman yung pinagtritripan nila para pagtawanan. Mga plastic talaga ang iba sa mga kaklase ko dito.

N-naiiyak ako. Hindi nila ako pwedeng makitang umiyak. Kailangan kong lumabas muna dito.

Jahz' POV.

Seryoso kong nililinis yung natapong pagkain ni Mika pati si Izza tinulungan na din ako. Sabay kaming nabigla nung dali-daling lumabas ng classroom si Mika. Saan yun pupunta?

"Hala baka nasaktan siya dahil sa mga pinanggagawa ng mga kaklase natin sa kanya", Pabulong na sinabi ni Izza sa akin.

"Baka nga.", Kawawa naman si Mika.

Siya na nga tong nagpapasaya sa mga kaklase niya. Siya pa yung binubully ngayon. Hay naku~

Mika's POV.

Gusto kong umiyak pero hindi pwede. Kailangan ngumiti ako. Hindi ako pwedeng sumimangot. Seryoso akong naglalakad sa corridor ng school nang may bigla akong nabangga. I'm sorry hindi kita nakita.

Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko na si Mr. Norman yung nabangga ko. My goodness, teacher yung nabangga ko.

"Sir I'm sorry po. H-hindi ko po kasi kayo nakita. Sorry po talaga.", Nginitian ako ni Mr. Norman.

"Mukhang wala ka sa sarili mo habang naglalakad ka ah. Halika gusto kitang kausapin sa loob ng counseling room.", Bigla akong inakbayan ni Mr. Norman.

Nakadama ako ng kaba nung inakbayan niya ako. Ano naman yung pag-uusapan namin sa loob ng counseling room? Bat doon pa sa loob? Pwede naman dito na kmi sa labas mag-usap. Masyadong masekreto tong si Mr. Norman.

Jahz' POV.

Kasama ko si Izza. Pagkatapos naming maglinis lumabas kami sa classroom para pumunta sa restroom. Maghuhugas kami ng kamay. Habang naglalakad kaming dalawa. Sabay kaming napahinto nung makita naming dalawa na magkasama sina Mika at Mr. Norman.

"Hindi ko alam na close na pala sila Mika at Mr. Norman.", Sabi sa akin ni Izza.

"Siguro papunta sila ng counseling room.", Napatingin sa akin si Izza.

"So ang ibig sabihin...", Tumingin ako kay Izza.

"Siya yung susunod na biktima ni Mr. Norman.", Agad kaming naglakad para sundan sina Mika at Mr. Norman nang pasekreto.

Tumigil lang kami sa kakasunod nung huminto na sila sa paglalakad. Sabi na nga pupunta silang dalawa sa counseling room. Ano nanaman ang io'offer ni Mr. Norman kay Mika? Hindi maganda 'to. Kailangan naming gumawa ng paraan ni Izza.

Mika's POV.

Pagdating namin sa counseling room agad na binuksan ni Mr. Norman yung pinto tapos ako yung pinauna niyang pumasok sa loob. Pagpasok ko pumasok na din siya sa loob ng counseling room. Pagkatapos nakangiti siyang humarap sa akin.

"You may take your seat, Mika.", Dahan-dahan akong umupo sa upuang nakaharap sa kanya.

Tapos dahan-dahan siyang puwesto sa harap ko. Tinititigan nanaman niya ako habang nakangiti siya. Parati ba talaga siyang ngumingiti?

"Sir. Ano na po ang pag-uusapan nating dalawa dito?", Tumingin ulit siya sa akin.

"Wala ka bang bagong jokes ngayon? Gusto kong matawa ngayon eh. Masyado akong madaming ginagawa ngayon kaya kailangan ko ng isang taong magpapasaya sa akin.", Tsk wala ako sa mood ngayon para magsabi ng jokes.

"S-sorry po Sir. Wala po akong baong mga jokes ngayon. Pasensya na po ulit.", Dahan-dahang umupo si Mr. Norman sa upuang nasa harap ko.

"Mukhang may dinadamdam ka ngayon dahil ba yan sa pagiging plastic ng iba mong kaklase sayo?", P-paano niya nalaman yun?

"P-paano niyo po nalaman yun?", Nakakapagtaka naman.

"Mika. Lahat alam ko. Lahat lahat...", Nakakatakot naman si Mr. Norman.

"Pwede kitang matulungan sa problema mo ngayon.", H-huh?

"P-paano niyo naman po ako matutulungan?", Dahan-dahang lumapit sa akin si Mr. Norman.

Paglapit niya sa akin bigla niyang kinuha yung kanang kamay ko tapos may binigay siyang isang candy sa akin. A-ano naman yung matutulong sa akin nito?

"Seryoso po ba kayo dito?", Nginitian niya ako.

"Kainin mo... malalaman mo yung sagot sa tanong mo sa akin.", O-ok.

Dahan-dahan kong binuksan yung candy. Pagkatapos unti-unti kong kinain. Hmm... ang sarap ng candy na 'to ha. Napahinto ako sa pagnguya nung nagsalita si Mr. Norman.

"Sige na, Mika. Pwede ka nang lumabas.", O-ok.

Pagkatapos sabihin ni Mr. Norman yun lumabas na agad ako sa counseling room. Totoo ba yung sinabi ni Mr. Norman sa akin? Ano naman yung maitutulong ng isang candy sa problema ko? Nakakapagtaka naman 'to.

Ang hirap paniwalaan. Ano ba yan?!

{Matutulungan ba talaga ni Mr. Norman si Mika? ABANGAN.}

-End of Chapter 28-

Class 2 - 3 | Tagalog StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon