Top 1

97 1 0
                                    

Leah's POV.

Parang alam ko na ang lahat. A-ano bang nangyari sa akin? Ako ang unang-unang natapos sa pagsagot sa last exam namin. Hindi ko pa masyadong nababasa yung tanong. Alam ko na yung sagot parang alam ko na talaga ang lahat. Hindi ko na kailangan pang mag-aral.

Bigla na lang akong nagising nung lumapit at kinausap ako ni Joie. S-si Joie... ang matalik kong kaibigan.

"Leah. Grabe ang galing galing mo parang wala pang isang minuto tapos ka na agad.", Nakita ko na nakangiti si Joie.

"Hmm.", A-ano ang pwede kong sabihin?

Jahz' POV.

Wah... grabe parang ngayon ko lang nakita na ganun si Leah ah. Ang bilis niyang matapos sa exam kanina. Napatigil ako sa pag-iisip nung lumapit sa akin si Izza.

"Parang may lumalaban na sayo ah.", Napatingin ako sa kanya.

"Huh? A-anong ibig mong sabihin?", Ngumiti siya.

" Tsk wag ka ngang umasta na hindi mo alam yung ibig kong sabihin. Pero naniniwala pa rin naman ako sayo kayang kaya mo pa ding maging Top 1 sa klase.", Napangiti ako dahil sa sinabi ni Izza.

"Hay naku~ tama na nga yan. Halika samahan mo ako. Punta tayo sa canteen. Nagutom ako eh", Sabay na kaming tumayo at lumabas na kami sa classroom.

Leah's POV.

Hindi ko na talaga naiintindihan yung mga nangyayari sa akin. Isa lang yung makakasagot sa tanong ko sa sarili ko. S-si Mr. Norman. N-natatandaan ko pa. May pinainom siya sa akin na isang hindi pangkaraniwang tubig. Kailangan ko siyang makausap ngayon na.

Agad akong tumayo at lumabas sa classroom namin. Paglabas ko dumiretso agad ako sa counseling room para kausapin si Mr. Norman. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob.

Pagpasok ko sa loob. Nakita ko siya na tahimik lang nakaupo sa upuan niya tapos dahan-dahan siyang humarap sa akin.

"Bat napapunta ka dito, Leah?", Tinititigan ko siya nang seryoso.

"May gusto lang po akong itanong sa inyo, Mr. Norman.", Nakangiting tumingin sa akinsi Mr. Norman.

"Sige maupo ka muna.", Dahan-dahan akong umupo sa upuan na nasa harap niya.

"So... ano na yung itatanong mo sa akin, Leah?", Eto na.

"Anong klase po ng tubig yung pinainom niyo sa akin kanina?", Biglang nanahimik yung paligid.

Halos wala ka talagang maririnig na kung anong bagay sa loob dahil sa sobrang tahimik. Nagulat na lang ako nung biglang magsalita si Mr. Norman.

"Tinulungan lang kita.", T-tinulungan?

"A-anong ibig niyong sabihin, Mr. Norman? ", Nilapit ni Mr. Norman sa akin yung tubig na inalok niya sa akin kanina.

"Tama ka. Hindi yan isang pangkaraniwang tubig dahil kapag uminom ka nito. Mahahasa yung utak mo. Malalaman mo na ang lahat. Makakatulong 'to sa pag-aaral mo. Hindi mo na kailangan pang gumawa ng kodigo dahil kapag nakainom ka nito... isang basahan mo lang sa tanong... Alam mo na kaagad ang sagot.", P-parang... yung naranasan ko lang kanina.

"Saan po ako makakakita ng ganyang tubig?", Dahan-dahang tumingin sa akin si Mr. Norman.

"Hindi to basta-bastang nakikita kung saan-saan lang dahil... ako lang ang merong ganito.", A-aminin ko. K-kailangan ko ng tubig na yan.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora