Dangerous

179 5 0
                                    

(Nakulong na ang kaluluwa ni Nin sa isang salamin na pagmamay-ari ni Mr. Norman. Magagawa pa ba niyang makatakas doon? Nung araw na nawala bigla si Nin. Halos lahat ng mga kaklase niya hindi na siya naaalala. Para bang nabura na yung memory nila ang tungkol kay Nin. Kasama na din sina Jahz at Izza.)

Izza's POV.

Pagpasok ko sa loob ng classroom namin. Wala pang masyadong tao kasi lunch break. Dahan-dahan akong naglakad sa paligid. Nang mapansin ko na may nakasulat sa isang upuan na bakante (yung upuan ni Nin). S-sino naman kaya yung taong magsusulat dito?

Seryoso kong tinitigan at binasa yung nakasulat.

"Don't... go.... to... the... counseling... room?", Huh? Don't go to the counseling room. Bakit naman?

Napahinto ako sa pag-iisip nung lumapit sa akin si Jahz.

"Anong meron jan?", Tumingin ako sa kanya.

"Tingnan mo Jahz. M-may nakasulat dito", Lumapit si Jahz sa bakanteng upuan para basahin yung nakasulat.

"Don't go to the counseling room? Don't go to the counseling room. bakit? Sino naman yung nagsulat nito? W-wala namang umuupo dito.", Tumingin kami sa isa't isa.

"H-hindi ko alam.", Sabay kaming nagulat nung may biglang sumigaw.

Jahz' POV.

Aaaahhhh! Sino yung sumigaw na yun?! Nakakagulat ka ha. Seryosong-seryoso kami dito tapos bigla ka na lang sisigaw! Sabay kaming lumingon ni Izza sa likod. Tsk s-si Ruby lang pala. Siya lang naman yung parating beastmode sa class 2 - 3.

Kaya lahat ng mga kaklase ko takot sa kanya. Sa totoo lang, ako din takot ako sa kanya. Pero kailangan kong gampanan yung pagiging class president ko.

"Bakit kayo nakatingin sa akin lahat?!", Pasigaw na tanong ni Ruby sa aming lahat.

"Ruby please lang wag kang gumawa ng gulo dito. Kung dahil nanaman yan kay Edna. Siya na lang guluhin mo wag kami.", Tinarayan lang ako ni Ruby at umupo na siya sa upuan niya.

Buti naman. Hay~ pinagpawisan ako doon ah. Grabe takot na takot ako habang sinasabi ko yun. Buti hindi ako inatake. Akala ko susugurin niya ako. Pero hindi, kilala ko yang si Ruby. Hindi nya inaapi yung ibang tao sa paligid niya. S-si Edna lang naman yung kinaiinisan niya.

Ruby's POV.

Grr inis na inis na ako sa kayabangan ng Edna na yan. Halos araw-araw na lang umaasta siyang parang siya yung principal ng school na 'to. Nakakainis na siya. Kapag ako hindi nakapagpigil sa kayabangan niya yari talaga siya sa akin.

Aaaahhhh! Gusto kong sumigaw nang malakas na malakas para malabas ko yung galit ko. Pero hindi pwede pinagsabihan na ako ng class president namin. Kailangan kong makinig sa kanya. Yun lang naman yung pwede kong gawin ngayon.

Pero... aaahhhh! Naiinis na talaga ako. Nagdadabog akong lumabas sa classroom namin. Pagsasabihan ko lang naman si Edna ng salitang matagal ko ng tinatago sa bunganga ko. Hindi ko na talaga kaya eh.

Pagdating ko sa rooftop ng school. Nakita ko siya kasama yung mga kaibigan niya. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at lumapit kaagad ako sa kanya.

"Hoy! Babaeng bulok!", Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

"Tsk a-anong tawag mo sa akin?!", Lumapit ako sa kanya.

"May sasabihin lang ako sayo.", Nilapit ko yung bunganga ko sa kaliwang tenga niya.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now