Miss Right (Revised)

3.5K 84 2
                                    

Charm's POV

"S-si Kz-zyrielle po..."

S-si Kzyrielle... S-siya si b-baby A-amy... S-siya ang little s-sister ko...

"P-paanong? A-ako!? P-pero pano!? H-hindi ko maintindihan... imposible!-" Hindi makapaniwala si Kzyrielle sa mga narinig. Pati naman kami eh. Wala naman saamin ang nakakaintindi sa nangyayari.

"H-hindi imposible yun..." Sagot ni Giann.

"Baka dahil sa Trauma ay hindi mo na maalala yung araw na yun. Pero kami ni Kuya... alalang alala pa namin." Kuwento ni Jianne.

"Four years old pa lang ako nun. Six naman si kuya. Nakita ka namin sa tapat ng bahay na sugatan at umiiyak. Hinahanap mo sina Mommy at Daddy mo. Inuulit ulit mo ang pagsabi na kinuha ka ng mga bad guys. Iyak ka nang iyak nun... Palaging nakabantay sayo sina Momsy. Simula noon naingit na ako sayo. Pakiramdam ko ayaw na nila saakin at inaagaw mo na sila saakin." Maluhaluhang nagpatuloy si Jianne.

"Hangang sa dumating yung mga Gangmates ni Dadsy, sina Tito Oliver. Naka all black leather wear sila noon galing yata sila sa isang gang war nun. Nang makita mo sila, bigla ka na lang umiyak at nagsisigaw. Lumala pa nung lapitan ka nila. Naghyperventilate ka. Saka ko lang naintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagbabantay sayo nila Momsy. Simula noon hinayaan ko na lang na bantayan ka nila. Oo nagseselos pa rin ako. Pero natatakot ako na maulit pa iyon muntik ka nang mamatay nun." Pinunasan niya ang mga luha niya bago nagpatuloy.

"Nagulat pa nga ako nung naisipan mong maging assasin. Parang hindi mo magagawa yun. Akala ko nga eh nagbibiro ka lang. Okaya aatras ka. Pero hindi pala. Hindi ka na yung iyaking bata na paulit ulit ang pagsabi ng Mommy at Daddy hanggang sa pagtulog. Hindi yung batang nakikipagusap at nakikipaglaro sa hangin at ipinipilit na sila ang mga ate mo. You changed. You became stronger. Maybe forgetting all of those stuff made you strong. But still no one knows." Sabi niya at nginitian lang ng makahulugan si Kzyrielle. Or should I say Amy my Little sister.

"A-ako si A-amielette? Pero p-paano?" Pabulong niyang tanong.

"There is only one way to find out." Napatingin kami kay Rio na mayhawak na... strips of paper? Yun yung ginamit niya saamin para malaman kung may Android Serum sa katawan namin. Malay ko ban na puwede rin yang pang DNA testing.

Kumuha siya ng dagger sa belt pouch niya. Saka lumapit saamin ni Ate. Saka ainugatan yung braso namin at pinatong yung strip. Naalala ko tuloy yung nangyari sa Academy Hall. Mahapdi at Masakit yung sugat. Mahaba haba rin kasi pero sanay na kami eh.

Ganoon din ang ginawa niya kina Mommy, Daddy at Baby Amy.

"Masmatagal ang pag DNA testing kaysa sa Pagcheck ng Chemicals sa katawan. 5 minutes dapat. Saka ko ipapadaan dito sa computer. Masmabilis ito kumpara sa normal na DNA testing." Sabi niya habang nagkakabit ng kungano sa Computer Table. Literal. Ito yung ginagamit naming coffee table dito sa Living Room.

May mga pwedeng pag plugan ng kung ano ano dun sa tabi. Tempered glas yung nasa ibabaw niya para matibay. Touch screen din at may glass sa gitna na pwedeng tumaas pag may picture or data na kailangang ipakita sa tao. Its like those Hologram Sh*ts you see in movies but possible because it traps light in the glass. May mga watch din kami na parang ganito pero hindi ko pa nagagamit kasi inaayos pa nila Gem.

Walang nagsasalita saaming lima... pati na rin sina ate Jewel nananahimik. Palakad lakad naman si Rio.

Sana talaga si Kzyrielle na si Baby Amy. Naalala ko pa noon. Kwento nila Mommy, napagtripan daw nila Daddy yung mga pangalan namin. Nauna daw kasing pinanganak si Ate Jewel, gusto daw ni tita Ellaine, Jewel lang ang pangalan niya. Pero dahil daw kasing ganda ni Tita Ellaine si Ate Jewel, Jewellaine ang nilagay na pangalan ni Tito Ezekiel. Nagtampo pa nga daw si Tita nun eh pero naging olay din nung sinabi na Jewel ang nickname ni ate J.

Tapos nung pinanganak kami sabi ni Mommy ang pangalan daw dapat namin ay Alexiel, Alexine at Alexia pero dahil gusto ni Daddy madali lang ang mga pangalan namin, naging Crystela, Charmina at Amielette. Si Daddy na rin yung nagisip ng nickname.

At Dahil magkakaibigan nga ang mga tatay namin. Kinumpleto na nila yung set. Jewellaine, Crystela, Charmina, Amielette at Gemma. Si Tita Emerald lang ang hindi naasar sa ginawa numg mga tatay namin. Ang cute nga daw eh.

"Time is up!" Napatingin kami kay Rio at isa isang binigay ang mga strips sakanya.

Pinatong niya yun isa isa sa coffee table.

Pinakita nun ang health status ng bawat isa saamin at pati na rin ang DNA strands namin.

Napangiti si Rio at nanlaki ang mata ni Gem.

"What is the result?" Tanong ni Daddy.

"Positive."

♥♡♥♡♥♡

Vomment and Share!
-PinkPoisonYanna♥

The Empresses' Academy (REVISED)Where stories live. Discover now